You are on page 1of 1

PAGSUSULIT #01

UNANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Pangalan_______________________________________________ Iskor____________
Baitang at Pangkat______________________________ Petsa____________
Guro: Gng. Mellanie P. Villanueva
Layunin: Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili EsP3PKP Ia – 14
I. Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isa sa mga gawain ninyo sa asignaturang E.S.P. ang paggawa ng rap o jingle. Alam mong may kakayahan ka rito. Ano ang dapat
mong gawin bilang isang miyembro ng pangkat?
a. Hahayaan na lang na sila ang gumawa. c. Iboboluntaryo ang sarili sa paggawa ng jingle.
b. Hindi tutulong at maglalaro na lang. d. Hindi na lang papansinin ang guro.
2. May paligsahan sa larangan ng pag-arte, sa di sinasadyang pangyayari, nagkasakit ang kalahok dito. Nagtanong ang guro mo kung
sino ang nais pumalit sa kalahok. May kakayahan ka, ano ang gagawin mo?
a. Hindi na lang kikibo. c. Hihintayin na lang na tawagin bago makilahok.
b. Ituturo ang ibang kaklase. d. Lalapit sa guro at lalahok sa paligsahan.
3. Magkakaroon ng District Athletic Meet sa inyong Distrito. Mahusay ka maglaro sa larangan ng Volleyball. Makikilahok ka ba?
a. Hindi, natatakot akong matalo. c. Hindi, nahihiya ako.
b. Oo, para sumikat ako. d. Oo, upang mahasa ang aking talento sa paglalaro.
4. Ikaw ang napili ng iyong guro para sa pambungad na pagdadasal, ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansanin ang guro. c. Sasabihing hindi marunong mag dasal.
b. Ituturo ang kaklase. d. Wala sa nabanggit.
5. Naimbitahan ka sa isang Fiesta upang mag pakita ng talento sa pag sayaw, ano ang gagawin mo?
a. Sasabihing hindi marunong sumayaw. c. Tatanggapin ang imbitasyon at magsasayaw.
b. Maghahanap ng ibang sasayaw. d. Mahihiya baka hindi magustuhan ang sayaw na gagawin.
II. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
____ 6. Husay sa pagpapakita ng iba’t ibang emosyon. a. Pagsayaw

____ 7.Talento ni Manny Pacquiao na hinahangaan ng marami. b. Pag - awit

____ 8. Kakayahan ni Sarah Geronimo na kinagigiliwan ng tao. c.Boksing

____ 9. Husay sa paggaya ng mga larawan gamit ang lapis at papel. d.Pag - arte

____ 10. Kakayahan sa paggiling ng katawan. e. Pagguhit

III. Panuto: Buoin ang pangungusap. (5points)

Ang natatanging kakayahan ay regalo ng Diyos. Ito ay dapat pinahahalagahan.

Ang aking kakayahan ay _____________________________. Napili ko ito dahil ________________________________

Ipinagmamalaki ko ang aking natatanging kakayahan at hindi ako mahihiyang ipakita ito sa iba.

Lagda ng Magulang
____________________
Pangalan / Petsa

You might also like