You are on page 1of 2

FIRST SEMI – QUARTERLY EXAMINATION

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
S.Y. 2022 – 2023

Pangalan: ________________________________________________Petsa: __________


Baitang: __________ Iskor: ___________

A. Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Ang pagsali sa isang paligsahan ay nagpapakita ng iyong natatanging
kakayahan.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
______2. Ang mga sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng kakayahan na bigay ng Diyos,
maliban sa isa. Alin ito?
A. Sumali sa panayam/interview.
B. Pagtanggi sa paglahok sa palatuntunan sa paaralan.
C. Tumula sa loob ng silid-aralan.
D. Makilahok sa poster contest.
_____3. May patimpalak sa inyong paaralan. Sinabihan ka ng iyong guro na sumali dahil
alam niyang magaling kang umawit. Ano ang gagawin mo?
A. Bahala na.
B. Ayoko dahil nahihiya ako.
C. Sasali ako upang ipakita ko ang kakayahan ko sa pag-awit.
D. Magkunwaring hindi ko siya narinig.
_____4. Isa ka sa naatasan ng iyong guro na maging lider ng pangkatang Gawain. Ano ang
gagawin mo?
A. Liliban sa klase.
B. Magagalit sa guro.
C. Gagampanan ang tungkuling ibinigay sa iyo ng buong husay.
D. Gagawin ng mag-isa ang pangkatang Gawain.
_____5. Si Doktor Cruz ay may kakayahang manggamot. Kahit may banta ng COVID-19,
siya ay patuloy pa ring nanggagamot sa mga maysakit. Tama ba ang kaniyang ginagawa?
A. Tama
B. Mali
C. Marahil
D. Hindi ko alam.

B. Lagyan ng √ ang Gawain na nagpapahayag ng paglinang ng kakayahan at X kung


hindi.
______6. Natutulog maghapon.
______7. Nag-eensayo sa pagtugtog ng gitara.
______8. Nandadaya sa laro ng basketball.
______9. Nagpapaturo sa mahihirap na hakbang sa pagsayaw.
______10. Nag-eensayo sa pagkanta araw-araw.

C. Gumuhit ng kung tama ang paggamit sa kakayahan at kung hindi.


________11. Sumasali ako sa mga kompetisyong kaya ko.
________12. Binibigay ko kay Nanay ang perang napanalunan ko sa contest.
________13. Pinagmamayabang ko sa mga kakilala ko na magaling ako sa computer
games.
________14. Sumasali ako sa patimpalak sa pagtula dahil dito ako magaling.
________15. Nagtatago ako kapag sinasabihan ako ni nanay na sumali sa paligsahan
ng pasayaw kahit alam kong magaling naman ako dito.

D. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi.

________16. Ang pagtitiwala sa sarili ay ang paniniwalang kayang gawin ang isang
bagay.

________17. Hindi ipagpapatuloy ang mga bagay na mahirap gawin.


________18. Ang kakayahan o talent ay dapat pagyamanin at huwag ikahiya.
________19. Ang pagkatakot at mahiyain ay tanda ng may tiwala sa sarili.
________20. Nakakamit ang tagumpay sa gawain kung may tiwala sa sarili.

E. Iguhit sa loob ng kahon ang iyong larawan habang ginagawa ang iyong sariling
talento/kakayahan. Sa guhit, ilagay ang iyong buong pangalan at isulat kung
anong talent ang mayroon ka. (5 puntos)

Ako si

Ang talent ko ay

You might also like