You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG 2

Pangalan: ______________________________________________________________

I. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap.

___________1. Pagyayamanin ko ang aking kakayahan.

___________2. Pauunlarin ko ang aking kahinaan.

___________3. Ikahihiya ko ang aking kahinaan.

___________4. Ipagmamalaki ko ang aking kakayahan.

___________5. Ibabahagi ko ang aking kakayahan.

II. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

______6. Mayroon kang natatanging kakayahan sa pag-awit. Nais mong


sumali sa paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magsasanay sa pag-awit.
B. Sasali nang hindi nagsasanay.
C. Ipagwawalang bahala ang paligsahan.
D. Hindi sasali sapagkat mas mainam maglaro kaysa magsanay.

______7. Marunong kang sumayaw. Gusto mo itong ipakita sa mga kamag-


aaral mo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ka sasayaw
B. Magsasanay kang mabuti.
C. Sasali ka kahit hindi ka nagsanay.
D. Ipagyayabang sa kaklase na ikaw lang ang magaling sumayaw.

______8. Nalaman mong may paligsahan sa pagguhit sa paaralan. May


ganito kang kakayahan. Dapat ka bang sumali?
A. Hindi. Sapagkat nahihiya ako.
B. Siguro, sapagkat may kakayahan ako.
C. Hindi. Wala akong oras para magsanay.
D. Oo. Magsasanay ako sa tulong ng aking guro.

______9. Mabilis kang tumakbo. May paligsahan sa takbuhan sa iyong


paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Ipagwawalang bahala ko ang paligsahan.
B. Hindi ko ipaaalam na mabilis akong tumakbo.
C. Ipagwawalang-bahala ko ang nasabing paligsahan.
D. Kakausapin ko ang aking guro na ako ay sasali at hihilinging na sanayin pa ako.

______10. May palatuntunan sa paaralan. Sinabi ng guro mo na bibigkas ka


ng tula. Ano ang iyong dapat isagot sa guro?
A. “Hindi ko po kaya.”
B. “Opo at magsasanay ako.”
C. “Ayoko. Nahihiya po ako sa mga kamag-aral ko.”
D. “Iba na lang po ang piliin ninyo dahil ayoko pong tumula.”

______11. Paano mo mapapatunayan na mahusay kang sumayaw sa kabila


ng pambubully sa iyo?
A. Sasali sa “Dance Troupe”
B. Ikahihiya ang pagsayaw
C. Itatago ang kakayahan
D. Mananahimik na lamang sa isang tabi.

______12. Mahusay ka sa larong Sipa ngunit sinabihan ka na ikaw ay lampa.


Paano mo ito ipamamalas?
A. Mahihiyang maglaro.
B. Lalahok sa mga paligsahan/palaro
C. Hindi sasali sa palarong pampaaralan
D. Hindi na sasali sapagkat baka mapahiya lang ako.

______13. Upang mapaunlad mo ang iyong kakayahan sa pagguhit sa


kabila ng iyong munting kakayahan, ano ang nararapat mong
gawin?
A. Magsanay
B. Maging mahiyain
C. Ipagwawalang bahala ang kakayahan
D. Maglaro na lamang ng mga video games

III. Lagyan ng / (tsek) kung wasto ang pahayag o gawi na nakasaad sa bilang at x
(ekis) naman kung hindi wasto.

______ 14. Naliligo ako araw-araw.

______ 15. Nagpupuyat ako para maglaro ng video games.

______ 16. Kumakain ako ng mga gulay na niluluto ni nanay.

______ 17. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw.

______ 18. Panatilihing malinis ang inyong tahanan.

______ 19. Kumain ng masusustansyang pagkain.


______ 20. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.

Maligayang Pagbati! Natapos mo na ang pagsusulit. 😊

Lagda ng Magulang

__________________________

You might also like