You are on page 1of 4

Department of Education

Division of Aklan
District of Madalag
MADALAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Madalag, Aklan

SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Huwag SCORE:
Date: IKATLONG MARKAHAN – MELC 1
kalimutang isulat
YUNIT II: Ang Pakikipagkapwa
ang pangalan.
PERFORMANS BILANG 1
Pangalan: ___________________________________________ Section: CORAL Date: _________________

Panuto: Isulat ang mga pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga, Iranggo mo ito,1 ang
pinakamahalaga sa iyo at 5 ang pinakahuli. Isulat ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa kanya/kanila.
Ang pinakamataas na iskor sa bawat kahon ay apat (4) na puntos. Dalawampung (20) puntos sa kabuuan.
Tingnan ang rubrics sa likurang bahagi.

PINAPASALAMATAN
AT BAKIT?

Pangalan ng Magulang: ______________________________________ Lagda: _______________ Petsa: _________


RUBRICS

Iskor Mga Pamantayan


Binanggit lamang ang tao, grupo ng taong pinasasalamatan ngunit hindi binigyan ng
1
dahilan kung bakit sya pinasasalamatan o bakit sya ang nasa nilagyang hanay.
Binanggit lamang ang tao, grupo ng taong pinasasalamatan ngunit ang ibinigay na
2
kadahilanan ay hindi maintindihan o hindi akma.
Binanggit ang tao, grupo ng taong pinasasalamatan. Naipaliwanag ang mga
3
kadahilanan ngunit hindi naipaliwanag ng masinsinan.
Binanggit ang tao, grupo ng taong pinasasalamatan. Naipaliwanag ang mga
4 kadahilanan ng hanay na nilagyan, mga kadahilanan ng pasasalamat ng masusi at
masinsinan.

Inihanda ni:

Gng. RENALYN NAMA – AGAPITO, LPT


Guro sa E.S.P. 8
Department of Education
Division of Aklan
District of Madalag
MADALAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Madalag, Aklan

SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Date: IKATLONG MARKAHAN – MELC 2 SCORE:

YUNIT II: Ang Pakikipagkapwa

PERFORMANS BILANG 2

Pangalan: __________________________________________ Section: CORAL Date: _________________

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Sabihin kung ito ay nagpapakita ng pasasalamat o
kawalan nito at paano ito ipinakikikita ng mga tauhan sa sitwasyon. Kopyahin ang tsart sa iyong sagutang
papel at punan ang mga hinihingi nito.

Mga sitwasyon:

A. Mahirap lamang ang inyong pamilya. Walang permanenteng trabaho ang iyong mga magulang .May
kapatid na matandang dalaga ang iyong nanay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Naawa siya sa iyong
magulang dahil nahihirapan na ang mga ito sa mga gastusin ninyo at sa pagpapaaral sa inyong
magkapatid..Sinabihan niya ang iyong mga magulang na siya ang magpapaaral sa iyo kaya doon ka
tumira sa bahay ng lola mo para may mag-alaga dito dahil ito ay matanda na. Buong puso mo itong
ginampanan at nag aral ka nang mabuti hanggang ikaw ay makatapos.

B. Lima kayong magkakapatid at ikaw ang panganay.Lahat ng araw na may pasok,ang ina mo lang ang
gumagawa at nakita mo na halos wala na siyang pahinga sa lahat mga gawain sa loob ng bahay lalo
na sa pag-aalaga sa maliit mong kapatid. Naawa ka sa iyong ina, kaya tuwing Sabado at Linggo dahil
wala kang pasok,inako mo lahat ng mga gawaing-bahay nang sa gayon ay makapagpahinga naman
ang iyong ina.

C. Sa paaralan,may kaklase kang mabait at may kaya sa buhay. Palagi ka niyang tinutulungan sa iyong
mga pangangailangan lalo na sa pambili ng inyong mga project at hindi ka niya sinisingil. Isang araw,
humiling ito sa iyo na tulungan mo siya sa inyong takdang-aralin dahil nahirapan siyang sagutin ito .
Ngunit tumanggi ka at sinabi mong marami ka ring gagawing takdang-aralin kaya nasaktan ang iyong
kaklase.

D. Ulilang lubos na kayo kaya nahihirapan ka sa iyong pag-aaral lalo na sa pang araw- araw mong
pamasahe papuntang paaralan.Nang malaman itong inyong gurong- tagapayo, binigyan ka niya ng
pamasahe araw-araw. Dahil dito, bago ang uwian tuwing may pasok, nililinisan mo ang inyong silid-
aralan at tinutulungan mo ang inyong guro sa mga dalahin nito sa bahay.

E. Nawala ang iyong pitaka sa paaralan.Kinaumagahan, pagdating mo sa paaralan nalaman mong isa sa
kaklase mo ang nakapulot nito. Hinanap mo ang iyong kaklase at nang dumating ito, agad mo siyang
inaway at sinabihan mong ito ay kanyang ninakaw. Nagpaliwanag ito na ibibigay niya naman talaga ito
sa iyo kaya lang huli siyang dumating sa paaralan kaysa sa iyo. Walang nagawa ang iyong kaibigan
kundi tanggapin ang mga masamang salita mo sa kanya.
Column A Column 1 Column 2 Column 3

Nagpapakita ba
ng
Sitwasyon Paano ito ipinakita? Kung hindi pinakita, ano ang dapat gawin?
pasasalamat? (Oo
o hindi)

RUBRICS PARA SA SAGOT SA COLUMN 2-3

Iskor Mga Pamantayan


1 Ang sagot na ibinigay ay hindi akma sa hinihingi
2 Ang sagot na ibinigay ay akma ngunit hindi naipaliwanag ng mabuti.
3 Ang sagot na ibinigay ay akma at naipaliwanag ng Mabuti.

Inihanda ni:

Gng. RENALYN NAMA – AGAPITO, LPT


Guro sa E.S.P. 8

Pangalan ng Magulang: ______________________________________ Lagda: _______________ Petsa: _________

You might also like