You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
BAGONG BUHAY B ELEMENTARY SCHOOL
Masipag St. Bagong Buhay 1 Sapang Palay, CSJDM Bulacan

_________________________________________________________________________
GABAY PARA SA HOME LEARNING FACILITATOR
Learning Area: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Most Essential Learning Competency: Nakapagsasabi ng katotohanan
Unang Markahan QUARTER 1 WEEK 1
anuman ang maging bunga nito
Module Title: Module 1: Katotohanan Sasabihin Ko
Mga Layunin:
1. Nakapagsasabi ka ng katotohanan anuman ang maging bunga nito.
Mga Kagamitang Dates Covered: OCTOBER 5-9, 2020
Kakailanganin: Unang Araw Ikalawang Araw Ikatlong Araw Ikaapat na Araw
 kwaderno  Alamin  Tuklasin  Pagyamanin  Tayahin
 ballpen  Subukin  Suriin  Isaisip  Karagdagang Gawain
 modyul  Balikan  Isagawa
 activity sheet
 Long Plastic
Envelop
Pamamaraan:
A. What I Need to Know / Alamin (p.1)
Sa modyul na ito ay inaasahang nakapagsasabi ka ng katotohanan anuman ang maging bunga nito. (p.1)

B. What I Know / Subukin (p.2-3)


Basahin mo ang usapan. (p.1)
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. (p.2-3)
1. Sino ang naglalaro sa loob ng kanilang bahay?
A. Ali at Ron C. Arman at Rodel
B. Allan at Roldan D. Anthony at Richard

C. What’s In / Balikan (p.4)


Tingnan ang puzzle. Hanapin ang sampung mahahalagang salita na nagpapakita ng magagandang kaugalian ng batang
Pilipinong katulad mo. (p.4)

D. What’s New / Tuklasin (p.5-6)


Basahin ang sitwasyon at sagutan ang katanungan tungkol dito sa tulong ng graphic organizer.
Iguhit ang graphic organizer sa iyong kuwaderno. Isulat dito ang iyong sagot. ( p.5)

Tandaan Mo: (p.6)

E. What is It / Suriin (p.6-7)


Suriin mo ang mga sitwasyon.
Piliin ang titik ng tamang sagot para sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong kuwaderno. (p.6-7)
1. Oras ng recess. Aksidente mong nabuhos ang juice sa bag ng iyong kaklase. Paano mo sasabihin sa kanya ang nangyari?
A. “Pasensiya ka na; hindi ko sinasasadyang mabuhusan ang bag mo.
Hayaan mo at ito ay aking pupunasan ng aking panyo.”
B. “Bakit ba kasi diyan mo lang nilalagay iyang bag mo?
Hayan tuloy, nabuhusan ko.”
C. “Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para hindi ko ito nabasa.”
D. “Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi nabasa na.”

F. What’s More / Pagyamanin (p.7-8)


Gawain 1: Suriin ang mga sitwasyon at lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga at
ekis (x) naman kung hindi. (p.7-8)
___1. Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang kuya kahit alam niyang hindi na siya
pahihiramin nito.

Gawain 2: Habang ikaw ay naglalakad pauwi galing sa eskuwela, nakita mong nabunggo ng isang sasakyan ang kaklase
mong nagbibisikleta. Ikaw ay natakot sa pangyayari kaya mabilis kang naglakad pauwi. Tama ba ang iyong
ginawa? Bakit? Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. (p.8)

G. What I Have Learned / Isaisip (p.8)


Ano ang dapat mong gawin upang masabi ang katotohanan anuman ang maging bunga nito?
Piliin ang pangungusap ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. (p.8)

H. What I Can Do / Isagawa (p.9)


Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang bolpen ng katabi niya. Hindi mapalagay ang may-ari ng bolpen sa kahahanap nito.
Nilapitan ka ng kumuha nito at sinabihan kang susuntukin ka kapag siya ay iyong isinumbong.
Ano ang dapat mong gawin upang masabi ang katotohanan? Isulat ito sa iyong dyornal o kuwaderno. (p.9)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
BAGONG BUHAY B ELEMENTARY SCHOOL
Masipag St. Bagong Buhay 1 Sapang Palay, CSJDM Bulacan

_________________________________________________________________________
I. Assessment / Tayahin (p.9)
Lagyan ng masayang mukha ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito at
malungkot naman kung hindi. (p.9)
____1. Ipinapaalam ko agad ang totoong pangyayari upang mabigyang solusyon ang problema kahit alam kong
magagalit sila sa akin.

J. Additional Activities / Karagdagang Gawain (p.10)


Kaarawan ng iyong kapatid kaya inanyayahan ng inyong nanay ang mga kaibigan at kalaro mo. May palaro na pabitin kaya
nagsisiksikan kayo sa pagkuha ng mga laruan. Naitulak mo ng hindi sinasadya ang batang katabi mo. Natumba ito at
nagasgasan ang kamay at tuhod. (p.10)

Submission / Pagpapasa:
 When the learner has finished answering all the tasks/activities, put them together and place them in a folder
fastened. (Kapag natapos na ng mag-aaral ang pagsagot sa lahat ng mga Gawain, ito ay pagsasama-samahin at
ilalagay sa isang short folder nang naka-fastener.
 Place the module in the envelope to which it was attached when it was accepted.
Upon returning the materials, the teacher will provide the next module.
(Ilagay ang module sa envelope kung saan ito nakalakip noong ito ay tinaggap. Ibibigay ng guro ang kasunod na
module.
 Submitting the modules will only be done on a set date of schedule.
(Ang pagpapasa ng module ay gagawin sa itinakdang petsa o araw ng paaralan.

Inihanda ni: SHERYL E. ABAD


Teacher I

You might also like