You are on page 1of 11

Mga Konseptong

z
Pangwika
z
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling
pagpapakahulugan
z ng salitang nakasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang
iyong sagot sa bawat kahon
z Aralin 1: Ang Wika
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal.
 
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang
paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika.
Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas?
Maxine: Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin,
gagawan ng handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para
masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao
sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng
sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa
tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi
maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay
ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.
z

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang


napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At
ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot
sa mag-aaral na matutunan ang wika upang
makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa
kanyang ginagalawan.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging
pananaliksik ni Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa
iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos
ko ito sa pamamagitan
z ng isang tsart.
Gleason Sapiro Hemphill
(1961) (Sapiro sa Ruzol 2014:15) (Hemphil sa Ruzol
2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang lakas at Ang wika ay isang
balangkas ng mga makataong pamamaraan ng masistemang kabuuan ng
sinasalitang tunog na paghahatid ng mga mga sagisag na sinsalita o
pinili at isinaayos sa kaisipan, damdamin,at binibigkas na
paraang arbitaryo na hangarin sa pamamagitan pinagkaisahan o
ginagamit ng isang kusang-loob na kinaugalian ng isang
sa kaparaanang lumikha ng pangkat ng mga tao,at sa
pakikipagkomunikasyon tunog. pamamagitan nito’y
ng mga taong kabilang sa nagkakaugnay,nagkaka-
isang kultura unawaan at nagkakaisa ang
mga tao.

Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si Angela sa
pagtatalakay niya.
Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Wikang Panturo
z  
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang
Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang
makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit
ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV
seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:
 
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang
mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at
puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.
 
Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah
naman ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang
Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.
Wikang Opisyal
 
z
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV
seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana
ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa
Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t
walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito
ng Filipino bilang Wikang Opisyal.
 
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa
talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na
umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at
nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para
bukas.
 
Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
 
- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6
  z
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa
ay isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky
(1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang
at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Ang unang wika ang tawag sa
wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Habang
lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang
paligid na maaring magmula sa telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa
kanya. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng
panahon, lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang taong
nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating. Dito’y
may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalaunay
natutuhan niya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga taong nasa
kanyang paligid. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika.
 
- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.26-27
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
 
z
Iba’t Ibang Pagpapakahulugan sa Wika
1. Gleason (1961) “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.”
2. Finnochiaro (1964) “Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong
pasalita na nagbibigaypahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong
natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan.”
3. Sturtevant (1968) “Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng
mga tunog para sa komunikasyong pantao.”
4. Webster (1990) “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.”
5. Hutch (1991) “Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema
ng mga tunog. Arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.”
z
Mula sa mga pagpapakahulugang ibinigay ng iba’t ibang
awtoridad, masasabi natin na ang wika ay:

1. masistema,
2. set ng simbolikong arbitraryo,
3. pasalita, ngunit biswal din,
4. makahulugan,
5. komunikasyon o gamit sa komunikasyon,
6. umiiral sa isang speech community, at
7. natutunan ng tao sa parehong paraan, sa natural na
paraan. (Alcaraz, C., 2016) WIKANG PAMBANSA,

You might also like