You are on page 1of 10

KOLEHIYO NG MALAYANG SINING AT AGHAM

Klister ng Pangkalahatang Edukasyon

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

TSAPTER III:

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON AT KOMUNIKASYONG DI-BERBAL NG

MGA PILIPINO

PAKSA NG TALAKYAN

I. Mga gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

a) Tsismisan o Pagsalat ng Alimuom

b) Umpukan

c) Talakayan

d) Pagbabahay-bahay

e) Pulong-Bayan

II. Komumikasyong Di-Berbal ng mga Pilipino

a) Kinesika (Kinesis)

b) Prosimika (Proxemics)

c) Cronemics (oras)

d) Paghaplos (Haplos)

e) Paralanguage

f) Katahimikan

g) Kapaligiran
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

1. TSISMISAN

- Pinag-uusapan ang pribadong buhay ng isang tao o maaring pinag-

uusapan ang isang payak na pangyayari o karanasan ng ibang tao.

2. UMPUKAN

- Ang bawat isa ay may pansariling interes o kagustuhan patungkol sa

paksang kanilang pinag-uusapan.

3. TALAKAYAN

- Ito ay maaring Makita sa loob ng paaralan. Iba’t ibang mga ideya iba’t

ibang mga kaisipan ang ipinapahayag ng mga mag-aaral at gayundin ang

pagsasa-ayos ng guro upang magkaroon ng maayos na talakayan.

4. PAGBABAHAY-BAHAY

- Ang isang grupo ng tao o isang indibidwal ay pumupunta o bumibisita sa

kanilang kamag-anak o maari namang sa kanilang kaibigan.

- Nagaganap ito kung sasapit ang iba’t ibang okasyon tulad ng pasko,

bagong taon o maaari rin ang todos lo santos.

5. PULONG-BAYAN

- Mahalaga ito sapagkat dito ay nasasabi ng mga Pilipino ang kanilang mga

dulog, ang kanilang mga hinain, ang kanilang mga hibik patungkol sa mga

ginagawa ng pamhalaan. At ditto rin naipapakita ang pinakamalakas na

puwersa o kapangyarihan ay nararapat na nasa taong-bayan kung kaya’t

nararapat alamin ang kanilang mga rekomendasyon, hinain at kailangang


ipaalam sa kanila ang mga gagawin ng pamahalaan. Kung ito ba’y

nakakabuti o nakakasama para sa mga mamamayang Pilipino.

TSISMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUOM

Alimuom – ito ang amoy kapag mayroong saglit na pag-ulan at ang lupa ay tuyong tuyo at

naulanan, ito ang amoy na hindi kanais nais, amoy na hindi katanggap-tanggap. Ganoon din ang

tsismis dahil ang tsismis ay hindi katanggap-tanggap.

Tsismis – ito ay ang pakikipagkwentuhan ng mga Pilipino ukol sa buhay-buhay at pamumuhay

ng ibang tao. Pagsasagawa ng kasinungalingan, pag-imbento ng kwento at pagmamalabis na may

halong katotohanan. Maaring may pagmamalabis o pagbabawas ng ideya o toong impormasyon

na ipinapahayag ng tsismosa.

-Pagkalat ng mga kwento sa pamamagitan ng social media na mahirap kung minsan matukoy ang

katotohanan at ang pekeng datos.

URI O KLASE NG TSISMIS:

 Panunubok sa pribadong buhay ng iba

 Paanghihimasok o pang-iistorbo sa buhay o ugnayang pampamilya

 Pag-iintriga sa dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iniiwasan ng mga kaibigan

 Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang panrelihiyon, depekto sa

katawan at personal na kondisyon.


BATAS LABAN SA TSISMIS

- Ito ay paglabag sa Artikulo 26 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas na binibinigyan ng proteksyon ang

dignidad, personalidad at pribadong pamumuhay ng tao.

- Ito rin ay paglabag ng Kodigo Penal ng Pilipinas batay sa Artikulo 353, sa paraan ng libelo na

gumagamit ng pagulat na paninira ngunit kung ang midyum ay pasalita, ito ay oral defamation.

KABUTHAN NG TSISMIS

Nagkakaroon ng masusing superbisyon at anyo ng ugnayang panlipunan at dulog para sa integral

na kaalaman ng lahat (Liam, 2016).

Nagdudulot ng pangangailangang panlipunan para sa mga manggagawa at sa nagmamay-ari

(Aksyon at mga kasama, 2015).

Nagbibigay ng impormasyon sa mga tagapakinig at libangan o aliwan upang mapaganda ang

ugnayang panlipunan (Guerina at Miyazaki, 2006).

UMPUKAN O PANGKATAN

-Tumutukoy sa maliit na pangkat o grupo ng tao na nag-uusap para sa mga usaping may interes

ang bawat isa.

-Gumagamit ang umpukan ng modelong interaktibong komunikasyon.


TALAKAYAN

-Ang proseso ng pagpapalitan ng ideya para sa isang mahalaga at nararapat na desisyon ukol sa

isang problema.

-Lubos itong naipapakita sa loob ng paaralan kung saan nagkakaroon ng pagbabahagi ng

kaalaman sa pagitan ng dalubguro at mag-aaral.

-Sa talakayan ito ay nagtataglay ng tatlong dimension: nilalaman, proseso at mga kasangkot sa

gawaing ito.

KATANGIAN NG MABUTING TALAKAYAN

 Aksesibilidad - Nararapat na ang lahat ng kalahok ay nagbibigay ng partisipasyon.

 Hindi palaban – Nanatili ang pagkakaroon ng paggalang na tono at pagsasagutan ng mga

ideya.

 Baryasyon ng Ideya – Inaasahan ang pagkakaiba ng mga ideya upang matamo ang higit

na malalim na pagtalakay.

 Kaisahan at Pokus – Gawain ng dalubguro na maging tagapamagitan at tagapagkaisa ng

mga barasyon ng ideya ng klase.

KATAMGIAN NG DI-MABUTING TALAKAYAN

 Limitado – Bilang ang nakikilahok sa talakayan.

 Mababaw at paulit-ulit lamang ang ideya – Hindi nagpapakita ng barasyon at walang

kalaliman ang tinatalakay.

 Watak-watak ang kaisipan at walang pokus – Magulo ang mga ideya na inilalahad at

walang nagging tagapamagitan upang ito ay ayusin.


PAGBABAHAY-BAHAY

 Kinabibilangan ng mga indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo sa

dalawa o higit pang maraming bahay upang maisakatuparan ang kanilang layunin.

 Sa pagdating ng panahon, tuluyan na itong nawawala buhat ng teknolohiya at

napapanahong kalagayan ng lipunan.

PULONG BAYAN

 Anyo ng konsultasyon sa mga mamamayan o particular na pangkat upang tugunan at

paghandaan ang isang napakahalagang usapin.

 Nagtataglay ng napakalaking gampanin dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng

katwiran at ngipin ang lahat ng regulasyon at batas na nais ipatupad sa bayan.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL NG MGA PILIPINO

 Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalamitam na ang daluyan ay hindi

gumagamit ng sinasalitang tunog kundi mga kinikilos ng katawan na nagbibigay ng

mensahe.

 KINESIKA

- Ekspresyon ng mukha – nagpapakita ng iba’t ibang emosyon at

nararamdaman batay sa nais ipahiwatig ng tao.

- Kilos ng mata – matatagpuan ang sinseridad at katotohanan sa mga mata

ng tao.

- Kumpas ng kamay - nagbibigay diin sa berbal na kahulugan at saloobin

ng isang indibidwal.
- Tindig at Postura – nagpapakita ito ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

 PROKSIMIKA

- Pagpapahalaga sap ag-aaral tungkol sa espasyo bilang isang

makabuluhang sangkap ng di-berbal na komunikasyon.

- Intimate distance – ito ay ang kinabibilangan ng paghawak at pagbulong

na may sukat na 0-0.46 m.

- Personal distance – nagkakaroon ng sukat na 0.46-1.2m. na para sa

magkakaibigan at kamag-anak.

- Social distance – distansya ng mga taong magkakilala na aabot hanggang

1.2-3.7 m.

- Public distance – mayroong sukat na 3.7 m. at para sa mga pampublikong

pagtatalakay.
 CHRONEMICS

- Ito ang pag-aaral ng oras na ginagamit ng tao bilang bahagi ng kanyang

buhay na lumilikha ng pananaw sa ibang tao.

- Teknikal o Siyentipikong oras – nakabatay sa oras na napagkasunduan.

- Pormal na oras – nakaukit sa kahulugan ng oras batay sa kultura.

- Impormal na oras – nakaugat sa oras na walang katiyakan.

- Sikolohikal na oras – nakaguhit sa oras batay sa kanyang karanasan at

estado sa buhay.

 HAPTICS

- Pagbibigay ng kahulugan ng tao batay sa pagdampi o paghaplos ng

kamay.

- Intimate touch – ito ay ang haplos ng mga nag-iibigan tulad ng paghawak

ng kamay.

- Warmth touch – haplos ng kaibigan at mga kamag-anak upang maipadama

ang pagmamahal.

- Polite touch- dampi ng kamay para maipakita ang paggalang.


- Professional touch – ito ang haplos ng kamay para sa isang propesyunal na

pagkikiisa o pagkilala.

 PARALANGUAGE

- Tumutukoy sa mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa

pagsasalita tulad ng intonasyon, bilis at bagal ng boses.

- Intonasyon tumutukoy sa taas at baba ng boses ng isang tao na may ibig

sabihin.

- Speed bilis ng pagsasalita – pagpapakita ng mabilis at mabagal na

pananalita na may ibig ipahiwatig.

- Kalidad ng boses – nagpapahyag ng kagandahan at garalgal na boses na

nag papakita ng emosyon.

 KATAHIMIKAN

- Ito ay ang pagbibigay ng blangkong mensahe o pagbibigay ng walang

nilalaman na sagot buhat ng isang pangyayari.

- Mood – nakabatay sa emosyon ng isang tao na nais magkaroon ng

realisasyon sa buhay.

- Kalungkutan – nakabatay sa lungkot na ating nadarama at nais mapag-isa.

- Away – nakaugat sa nakaraang sigalot o labanan ng dalawang tao.

 KAPALIGIRAN

- Ito ay ang kaganapan o ang pagsasagawa ng isang kapaligiran na

naghahatid ng sariling pagpapakahulugan.

- Opisina
- Paaralan

- Tahanan

You might also like