You are on page 1of 17

Kakayahang

Pangkomunikatibo ng
mga Pilipino
( Kakayahang Sosyolingguwistiko)
“Ang wika’y mabisang instrumento sa
pakikipag-ugnayan.
Ito ay daan upang magkaunawaan”
Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua
(1990) ang ilan sa mga pangunahing
dahilan sa hindi pagkakaunawaan ng
dalawang taong nag- uusap ay pwedeng
mag-ugat sa talong posibilidad na maaring
magmula sa taong nagsasalita tulad ng :
1. Hindi lubos na nauunawaan ng
nagsasalita ang kanyang intensyon
2. Hindi maipahayag ng maayos na
nagsasalita ang kanyang intensyon
3. Pinipili ng nagsasalitang huwag nalang
sabihin ang kanyang intensyon dahil sa
iba’t ibang kadahilanan tulad nang
nahihiya siya, at iba pa.
Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang
nag-uusap ay maari ring mag-ugat sa
tagapakinig tulad ng mga sumusunod:

1. Hindi narinig at hindi naunawaan.


2. Hindi gaanong narinig at hindi gaanong
naunawaan.
3. Mali ang pagkakarinig at mali rin ang
pagkaunawa.
4. Narinig at naunawaan.
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Epektibong
Komunikasyon
• Ayon sa lingguwistang si Dell
Hymes, maging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay
isasaayos, at sa pagsasaayos ng
komunikasyon, may mga bagay na
dapat isaalang- alang.
SPEAKING
S (setting) - pakikipag-usap
ng maayos sa lugar at sitwasyon.
Pook o lugar kung saan nag-
uuusap o nakikipagtalastasan ang
mga tao.
( Saan ginaganap ang pag-uusap?)
P(participant) - mga kalahok sa
pag-uusap. Isaalang-alang ang
taong pinagsasabihan / kinakausap.
(Sino-sino ang mga kalahok sa sitwasyon?)

E (ends) - pakay / layunin at


inaasahang banga ng pangungusap .
(Ano ang pakay/layunin ng pag-uusap?)
A (act sequence) - Ang daloy / takbo
ng usapan.
(Paano ang naging takbo ng usapan?)

K (keys) - tono ng pakikipag-usap.


Katulad ng setting o pook, nararapat
ding isaalang-alang ag sitwasyon ng
usapan. Kung ito ba ay pormal / di-
pormal.
(Ano ang tono ng pag-uusap?)
I (instrumentalities) - medium ng
pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang
tsanel na isa-isip ang medium ng
pakikipagtalastasan.
(Anong tsanel/midyum ang ginamit sa pag-uusap?)

N (norms) - paksa ng usapan.


e;g (usapang pangmatanda,usapang
pambabae lamang, usapang panlalaki lamang)
G (genre) - Diskursong ginagamit
kung nagsasalaysay, nakikipagtalo
/nangangatuwiran. Dapat iangkop ang
uri ng diskursong gagamitin sa
pakikipagtalastasan. nagsasalaysay
ba? Naglalarawan ba?
(Anong uri ng diskurso ang ginagamit?)
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA
PILIPINO

( KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO)
Sa modelong ginagamit nina Canale atSwaiin,
inisa-isa nila ang tatlong kakayahang
pangkomunikatibo;

*Lingguwistiko / gramatikal
-Ang kakayahang Lingguwistiko
ay tumutukoy sa kakayahan o
abilidad ng pag-aaral ng tatlo o higit
pang mga lenggwahe, wika, at
dayalekto.
*Sosyolingguwistiko

• (Sosyolek - isang partikular na pangkat)


-Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsaalang-
alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang
impormasyon piinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-
uusapan. Ang ugnayan ng wika sa lipunan nang may naaangkop
na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon

Halimbawa: 1.Magandang araw po! Kumusta po kayo?


(pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad,
*Istratedyik

Ito tumutukoy at nangangahulugan ng


isang kakayahang nagpapakita ng
masinsing pagpaplano kung papaano
gagawi o isasagawa ang isang bagay .
Ang kakayahang ito ay kakikitaan ng
tinatawag na Strategy.
Sa mga bagay na dapat isaalang-alang
para sa epektibong komunikasyon na
inisa-isa ni Hymes sa kanyang
acronym na SPEAKING, mapapansing
tatlo sa mga ito ay ang participant,
setting, at norm na binibigyan din ng
konsiderasyon ng isang taong
sosyolingguwistik.

You might also like