You are on page 1of 2

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Hinunangan
HINUNANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangcas A/B, Hinunangan, Southern Leyte

Pangalan: _____________________________Taon/Pangkat: ______________Petsa: ________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Aralin 3, Kwarter 1

Paksa: Bilinggwalismo, Multilinggwanismo


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba
pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. F11EP – Ic – 30
b. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
F11PT – Ic – 86 Q1, page 519

Ano ang monolingguwalismo, bilinggwalismo, at multilinggwalismo? Sa paanong paraan


nagkakaiba-iba ang mga ito?

Monolingguwalismo
Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura, tulad
England, Pransya, South Korea, at Japan at iba pa kung saan iisang wika lang sa lahat ng larangan sa
komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw- araw na buhay.

Bilinggwalismo
Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935-isang Amerikanong lingguwista)
Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1 pataas sa
mga tiyak na asignatura. (D.O. No. 25, s. 1974)

Multilinggwalismo
Ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa
at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi
kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.

Mga Gawain:
Gawain 1. Bumuo ng Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
konseptong Bilinggwal at Multilinggwal.

Bilinggwal Multilinggwal
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


Gawain 2. Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya. Bumuo ng isang
makabuluhang Facebook post na hihikayat sa iba lalo na sa mga kapwa mo kabataan upang gamitin,
ipagmalaki, at mahalin ang ating wikang pambansa. Gamitin ang multilingguwalismong paraan. Maari
mo itong lagyan ng naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na makakuha sa atensiyon ng iyong
Facebook friends.

Gawain 3. Panoorin ang mga palabas pantelibisyon at sagutin ang mga tanong: Isulat sa journal
notebook ang sagot.

https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE

Pamagat ng Palabas: _______________________________________


Pangalan ng Host: _______________________________________
Mga naging Bisita: _______________________________________

Mga Tanong:
1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng
host ng nakita mong palabas o pantelebisyon?
2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita?
3. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay
kaniyang unang wika? Bakit oo o bakit hindi?

 Gawing gabay aang Rubrik sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan:
Puntos Pamantayan
40 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiugnay ang mga konseptong
pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon.
30 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika sa
napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
20 Bahagyang naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
10 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.

Reflection:

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

You might also like