You are on page 1of 6

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Hinunangan
HINUNANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangcas A/B, Hinunangan, Southern Leyte

Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________________


Seksyon: ___________________________________ Petsa: ____________________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Ikatlong Linggo, Kwarter 2

Paksa: Ang Rehistro at Iba’t Ibang Barayti ng Wika


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika
sa kulturang Pilipino. F11PU – IIc – 87 at
b. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya,
Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito. F11WG – IIc – 87.

Ang Rehistro at Iba’t Ibang Barayti ng Wika


“Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa
gumagamit”
(Halliday, McIntosh at Stevens, 1994)

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mgasalitang sa


biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa
kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-
iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan nito. Ito ay tinatawag naregister
ng wika.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga doktor

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi
maipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May
mga akronim tayo tulad ng CA na ang Kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa
nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong
Aeronotics , Chartered Accountant, Chief Account sa Accounting , Chronological
Age, Coast Artillery at Consular Agent.

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangangahulugang pag-atras o
pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko(science) , pagtigil o
pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).
Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan?
Narito ang ilang Halimbawa:
Salita Larangan Kahulugan

Komposisyon Musika Piyesa o awit


( composition)
Lengguwahe Sulatin
Agham Pinagsama-samang
elemento
Isyu (issue) Politika Usaping pampolotika/
panlipunan
Pamamahayag Bilang ng labas ng
pahayagan
General Military Mataas na ranggo
Lengguwahe Pangkalahatan
Race Sociology Lahi, angkan, lipi
Lengguwahe Pangkalahatan
Agham Pinagsama-samang
elemento
Stress Psychology Tensiyon
Lengguwahe Diin, tuldik
Strike Sports Nasapol, termino sa
bowling
Paggawa Welga
Lengguwahe Hambalusin, hampasin
State Politika Bansa, estado
Komunikasyon Sabihin, ipahayag
Psychology Kalagayanm kondisyon
Operasyon Medisina Pagtistis
Paggawa Pagpapalakad ng makina/

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


opisina
Military Pagsasagawa ng isang
plano
Hardware Teknolohiya Kagamitang
pangkompyuter sa loob
ng CPU
Kalakalan Tindahan ng mga gamit
para sa pagpapatayo ng
bahay
Authority Literature Dalubhasa dahil sa
sariling likha
Military Taong may katungkulan
Psychology Tao o pangkat na may
karapatan o
kapangyarihan

Magagawa Natin

Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng larawang nakikita sa ibaba, magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang nakasulat. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

SAGOT:__________

Gawain 2
Panuto: Basahin ang web blogni Cris Israel Lumansang na pinamagatang WHAT IF
CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


WHAT IF CONYO LAHAT NG TAO HERE IN ‘PINAS
Magnanakaw: Holdap! Make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I will make
tusok you!
Pulis: Make suko na, we made you napaliligiran!
Impeachment trial: You are so asar!I’m galit na to you!
Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
Pasahero 1: Sir! Payment
Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: You’re so bad, see ka ni God.
Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init pa, I’ll make it with extra sago!
Bibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
-Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.55 -

Mga tanong na ibinatay sa iyong binasang web blog. Gawin ang isinasaad sa bawat
bilang sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk.

1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat ng
mga Pilipino? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Kung makasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay maaaring
madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging sa iyong
paghahanapbuhay. Paano kaya kungnewscaster ka na ng isang respetadong news
and public affairs program sa telebisyon subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, I
have hot balita to everyone!” Ano ang magiging posibleng epekto nito sa ating
pakikipagtalastasan sa ating kapwa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, Paano mo maisusulong ang maayos at
malinaw na pakikipag-usap sa iyong kapwa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Isulat ang iyong poster-islogan sa 1/4 na illustration board.

1. Gumawa ng poster-islogan, batay mga tanong na ito: Paano mo


mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang naiintindihan?
Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin
ng wikang ginagamit mo?

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

Poster-Islogan
RUBRIC SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER
MGA Sarili Guro
KRAYTERYA               4              3             2            1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Walang ipinamalas na
nagpamalas ng malikhain sa naging pagkamalikhain sa
pagkamalikhain sa paghahanda. malikhain sa paghahanda.
paghahanda. paghahanda.
Pamamahala ng Ginamit ang sapat Ginamit ang Naisumite Hindi handa at hindi
Oras na oras sa oras na dahil tapos.
paggawa ng itinakda sa binantayan ng
sariling disenyo sa paggawa at guro
gawain. naibigay sa
tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging Hindi gaanong Hindi naging malinaw
malinaw ang malinaw ang malinaw ang ang
pagbigkas at pagbigkas at pagbigkas at pagbigkas/paghahatid
paghahatid ng paghahatid ng paghahatid ng ng mensahe.
mensahe. mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaishan at Konsistent, Hindi ganap ang
konsistent, may sapat na may kaisahan, pagkakabuo, kulang
kumpleto ang detalye at kulang sa ang detalye at di-
detalye at malinaw na detalye at malinaw ang intensyon
napalinaw. intension. hindi gaanong
malinaw ang
intension
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang mga
Paksa ang mga salita mga salita o angkop ang salita at larawan sa
(islogan) at islogan sa mga salita at paksa.
larawan sa paksa. larawan ng larawan sa
paksa. paksa
Kabuuang Puntos
                                         Level ng Pagsasagawa (Performance)

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kaugnay ng mga sitwasyong Pangwika at
Gamit ng Wika sa Lipunan. Isulat ang titik ng iyong tamang sagot.

1. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______


a) pinipili b) isinasaayos
c) dinamiko d) kagila-gilalas
2. Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga
tao, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan.
a) komunikasyon b) wika
c) kilos d)kultura
3. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


pangkat o uring panlipunan.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek
4.Alin sa mga ito ay ang depenisyon ng TENOR?
a) Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b) Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon
c) Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d) Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit
5.Alin sa mga salita ang depinisyon ng FIELD DIMENSYON sa Register ng Wika?
a) Layunin b) Komunikasyon
c) Paksa d) wala sa nabanggit
6. Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek
7.Ang sumusunod ay kabilang sa mga depenisyon ng 3 Dimensyon ng Register ng
Wika maliban sa ____________.
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b)Ito ay kadalansang ginagamit sa bahay at kadalasan na galing sa mga bata
at matanda
c)Para kanino ginagamit ang salitang ito?
d)Ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro
8.Saan kabilang ang Register ng Wika?
a)Dayalek b)Barayti ng Wika
c)Komunikasyon d)Soysolek
9.Alin sa sumusunod ang depenisyon ng MODE?
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat
b) Ito ay paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalitao
pasulat.
c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit ang salitang ito?

10.Ang salitang "TERM" ay nangangahulugan ng ____________.


a)Pahayag
b)Gaano kahaba ang termino o serbsiyo ng isang tao (ex. termino ng isang
Vice President)
c) lingguwistika
d)Dalubhasa

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

You might also like