You are on page 1of 9

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
DON PABLO LORENZO MEMORIAL HIGH SCHOOL
STAND-ALONE SENIOR HIGH SCHOOL
Governor Ramos Avenue, Zamboanga City

Paksa: Register Bilang barayti ng Wika


Linggo 3 ng Ikalawang markahan
Inihanda ni Bb. Michelle Mangubat

Gabay na Gawain

Unang Araw

Gawain 1 (Pagganyak)

1. Hindi namin kayo tatantanan! - ___________________________

2. Todo na to! To the highest level na talaga ito! - ___________________________

3. Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla! - ___________________________

4. Confidently beautiful with a heart!- ___________________________

5. Magandang gabi , bayan! - ___________________________

6. Ang buhay ay weather weather lang! ___________________________

7. Excuse me po! ___________________________

8. “Kayo ang boss ko” ___________________________

9. “There is nothing major major, I mean” ___________________________

10.” To see situations with a silver lining.” ___________________________

Lektyur (Jigsaw teaching strategy)

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong makatagpo ng mga salitang sa biglang


tingin ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito.
Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan.
Ito ang tinatawag na register ng wika.
Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng termino.
Tinatawag ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na
nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. Halimbawa ng register sa
salitang “Kapital” na may kahulugang “puhunan” sa larangan ng pagnenegosyo at may
kahulugan naman na “punong lungsod” o “kabisera” sa larangan ng heograpiya. Bawat propesyon
ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado.
Iba rin ang sa inhinyero, game designer at negosyante. Hindi lamang ginagamit ang register sa
isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang larangan o disiplina rin.

Salita Larangan Kahulugan


Komposisyon Musika piyesa o aw
Lengguwahe sulatin
Isyu (issue) Politika pinagsama-samang elemento
Pamamahayag usaping
pampolitika/panlipunan
Agham pinagsama-samang elemento
General Military mataas na ranggo
Lengguwahe pangkalahatan
Race Sociology lahi, angkan, lipi
Sports takbuhan
Stress Psychology tensiyon
Lengguwahe diin, tuldik
Strike Sports nasapol, termino sa bowling
Paggawa welga
Lengguwahe hambalusin, hampasin
State Politika bansa, estado
Komunikasyon sabihin,ipahayag
Psychology kalagayan, kondisyon
Operasyon Medisina pagtistis
Paggawa pagpapalakad ng makina/
opisina
Military pagsasagawa ng isang plano
Hardware Teknolohiya kagamitang pangkompyuter sa
loob ng CPU
Kalakalan tindahan ng mga gamit para
sa pagtatayo ng bahay
Authority Literatura dalubhasa dahil sa sariling
likha
Militar taong may katungkulan
Psychology tao o pangkat na may
karapatan o kapangyarihan

Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit na
sa iba’t ibang disiplina o larangan. Dahil iba’t iba ang register ng wika ng bawat propesyon at
nagbabago ang kahulugang taglay na register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito,
itinuturing ang register bilang isang salik sa barayti ng wika.

PROPESYON TAWAG SA BINIBIGYAN NG SERBISYO


Guro Estudyante
Doctor/nars Pasyente
abogado Kliyente
Pari Parokyano
Tindera/tindero Suki
Drayber/kondoktor Pasahero
artista Tagahanga
politiko Nasasakupan/mamamayan

Naririto ang ilang halimbawa ng register sa Medisina, Batas, Social Media, Inhenyera,
Negosyante, Ekonomiks, Politika, Edukasyon at Literatura.

Medisina Batas Media Social Media Inhinyera


injection akusado dyornalismo yahoo Dimension
x-ray penology dyaryo google Digri
insulin hustisya air time fb kilometro
swab test hukuman komersyal IG distansya
therapist Abogado de telebisyon Blog Patayong linya
campanilla
aspirin Reclusion tagatangkilik Social media Hugis ng lupa
perpetua account
pulmonary testigo tagapakinig email anggulo

Negosyo Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura


Presyo Konsumo Pamahalaan Pagsusulit Akda
Nalugi Kita Batas Enrolment Prosa
Branches Kalakal Kongreso Class record Awit
Franchising Puhunan Senado Klase Mitolohiya
Bonus Pamilihan Korte Kurikulum Awtor
Food stall pananalapi eleksyon kampus salaysay

Tatlong kategorya ng register ng wika ang nagmula kay Michael Halliday, isang linggwista sa
kanyang Registry Theory:
1. FIELD – tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan. Ang paksa ng diskurso ay
maaaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit ng mga taong
nasa partikular na disiplina o larangan. Halimbawa:
Ang register na ginagamit ng mga guro sa akademya ay naiiba sa register na ginagamit
ng mga nars at doktor sa medisina pati na rin sa register na ginagamit ng eksperto sa
kompyuter. Mapapansin din sa mga grupo ng magkakaiba ang jargon – teknikal na mga
salitang ginagamit sa espisipikong larangan na sila lamang ang lubos na nagkakaintindihan.

2. TENOR OF DISCOURSE – Tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang relasyon ng mga
taong nag-uusap sa isang sitwasyon. Ang relasyon ng mga taong nag-uusap ay
nakaimpluwensya nang malaki sa paggamit ng pormalidad ng wika.
Halimbawa: Ang pakikipag-usap sa isang kasing edad o gulang ay naiiba sa
pakikipag-usap sa nakatatanda. Pinakamadalas ang paggamit ng po at opo bilang tanda ng
paggalang na hindi naman ginagamit kung nakikipag-usap sa kaibigan o sa kakilala.
3. MODE OF DISCOURSE – Tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga
tagapagsalita – pasulat o pasalita. Sa pasulat, madalas ay pormal ang mga salitang ginagamit
kung ihahambing sa pasalita.
Halimbawa: Ang sariling paraan ng pagsasalita sa klase ay hindi maaaring gamitin kung
sumusulat ng isang pormal na sanaysay.

Ikalawang Araw

Balik-Aral
Pangkatang Gawain (Iprint sa apat (4) na kopya ang kwento at ibigay sa bawat pangkat kabilang na
rin ang gabay na tanong. Magkakaroon ng presentasyon pagkatapos.
Kagamitan: Marker, kartolina/Manila Paper

Basahin mo ang Kwento. Pansinin ang mga register na ginamit.

“Assignment” akda ni Bb. Alona C. Acosta


“Marlou, Three points” masiglang sinabi ng announcer. Nag-slum dunk pa ang paborito kong
basketball player sa tuwa. Sa youtube ko na lang napapanood ang laro nila dahil abala lagi sa pag-aaral.
Maya-maya tumunog ang aking cellphone. Nag-text si Jake “ Nelson, nakagawa ka na ba ng poster? Sabi ni
mam ipo-post natin iyon sa facebook at paramihan ng likes, share at comments para mataas ang ating
marka.” ang mensahe niya sa akin.

Nagkandahulog ako sa pagmamadali dahil malapit na palang maghatinggabi. Agad kong


binuksan ang laptop at hinanap ang mouse. Nagpunta agad ako sa facebook account ko at pinost ang
nagawa kong poster. Dinagdagan ko rin ng tula para higit na makaagaw pansin sa mga makakakita.
Sayang din ang dagdag points sa marka. Gusto ko rin namang makapagtapos ng may highest honor (joke
lang). Pero kung ipagkakaloob ng Diyos ay maraming pasasalamat. Sa card ko nung nagdaang markahan ay
umabot ang aking pangkalahatang marka sa 94.5. Sana tumaas pa.

“Anak, bakit di ka pa natutulog umaga na!??” nag-aalalang sabi ni Mama sa akin. “Pinalalaki mo
masyado kita ng NEECO. Patayin mo na ang ilaw at magpahinga ka na. May pasok ka pa nang maaga bukas”
utos nito.

“Sige po mama, kaso napanood ko kanina sa TV na may low pressure area. Kung magiging ganap na
bagyo ay may lakas na 120-150 km/hr. Marami na namang magiging casualties tulad ng nagdaang
bagyo.” Natatakot kong pahayag. “Halika anak at manalangin tayo na maawa sa atin ang Panginoon”
yaya ni Mama sa akin. Pagkatapos noon ay nakatulog na ako nang mahimbing.

Pangkatang Gawain. Papangkatin ang klase sa apat (4) na pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng mga
Gawain/katanungang nakatalaga.

Pangkat 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang ginagawa ng pangunahing tauhan?
3. Gumamit ba ang pangunahing tauhan ng register ng wika? Pangatwiranan.
4. Sa ating pakikipagtalastasan, pasalita man o pasulat, gumagamit ba tayo ng iba’t ibang register ng wika?
Pangatwiranan.

Pangkat 2
Panuto: Tukuyin sa kwento ang ginamit na register sa iba’t ibang larangan/disiplina. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Edukasyon sports media Social negosyo astronomiya literatura teknolohiya


media

Pangkat 3
Panuto: Sumulat ng maikling talata na binubuo ng lima hanggang walong pangungusap hinggil sa
karanasan/obserbasyon sa wikang ginagamit kapag nakakasalamuha ng mga tao na may iba’t ibang
hanapbuhay/disiplina.
Pangkat 3.
Panuto: Bumuo ng venn diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng tatlong (3) kategora ng
register ng wika.

Rubriks sa mga Gawain

Pamantayan 3 2 1
Kawastuhan Naisakatuparan ang lahat ng Naisakatuparan ang ibang naisakatapuran at hindi wasto ang
hinihingi at wastong hinihingi at wastong pagpapaliwanag Hindi nasunod
naipaliwanag. naipaliwanag ang

Paghahain Nasunod ang lahat ng panuto na Di-gaanong nasnod ang panutong Hindi nasunod ang panutong
itinakda. itinakda itinakda

Kooperasyon Nagpapakita ng pagkakaisa Nagpakita ng pagkaisa ang ilan Walang naipakitang pagkakaisa
lamang mga miyembro ang miyembro sa paggawa
Oras ng Paggawa Natapos ang gawain bago ang Natapos ang Gawain sa Natapos ang Gawain pagkatapos
itinakdang oras itinakdang oras ang itinakdang oras

Puntos:

12-15 katangi-tangi
8-11 mahusay
5-7 kailangan pa ng dagdag na pagsasanay

Ikatlong Araw

Balik-Aral : Gawaing pasalita (oral recitation)


(Tatawag ng mag-aaral upang sagutin ang katanungan)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong pag-unawa sa talakayang
naganap.
1. Bakit mahalagang matukoy ang iba’t ibang register ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang:
Medisina, Batas, Social Media, Media, Inhinyera, Negosyante at iba pa? (Ilang halimbawa
lamang)

2. Paano matutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang:
Medisina, Batas, Social Media, Media, Inhinyera, Negosyante at iba pa? (Ilang halimbawa
lamang)

3. Ano ang gintong butil ang iyong natutuhan sa ating aralin?

Gawain: Pagsulat ng Iskrip (Think-Pair-Share)

Panuto: Ipapares ang klase at basahin at unawain ang sitwasyong ibibigay. Isulat sa short bondpaper ang
inyong sagot.

Isagawa
Isa kang manunulat sa
inyong Pampaaralang
Pangkampus.
Naatasan kang sumulat ng
maikling iskrip hinggil sa
karaniwan ninyong
ginagawa sa paaralan na
gumagamit ng sampung
register ng wika sa
kinabibilangang strand.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 20 %
Wasto ang register ng wika na
ginamit – 30%
Kaayusan ng ideya – 30 %
Balarila at Retorika -10 %
Hikayat sa mambabasa – 10 %
Kabuuan 100%
Halimbawa: Larangan :
EDUKASYON
Chalk, class record, Faculty room,
Classroom, Form 137
Form 138 A, Enrolment, Failed
subject, Chalkboard, Principal’s
Office
Anna: Saan ka pupunta Jane?
Jane: Pinapupunta ako ni Ma’am
Alma sa faculty room at
kukuha ako ng request form para
makakuha na ng form 137 sa
JHS.
Anna: Ganun ba, ako rin kasi ay
Form 138 A lang ang ibinigay
ko noong enrolment natin.
Sitwasyon:

Isa kang manunulat sa inyong Pampaaralang Pangkampus. Naatasan kang sumulat ng maikling
iskrip hinggil sa karaniwan ninyong ginagawa sa paaralan na gumagamit ng sampung register ng wika
sa kinabibilangang strand.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman - 20 %
Wasto ang register ng wika na ginamit – 30%
Kaayusan ng ideya – 30 %
Balarila at Retorika -10 %
Hikayat sa mambabasa – 10 %
Kabuuan 100%

Halimbawa: Larangan : EDUKASYON Chalk, class record, Faculty room, Classroom, Form 137 Form
138 A, Enrolment, Failed subject, Chalkboard, Principal’s Office Anna: Saan ka pupunta Jane? Jane:
Pinapupunta ako ni Ma’am Alma sa faculty room at kukuha ako ng request form para makakuha na ng
form 137 sa JHS. Anna: Ganun ba, ako rin kasi ay Form 138 A lang ang ibinigay ko noong enrolment natin.

Ikaapat na Araw

Pagtataya
-Balik-aral
-Oral recitation
¼ sheet of paper
A. Panuto: Tukuyin ang HINDI ginagamit na register sa bawat disiplina o larangan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Larangan : Pelikula a. Actor b. Blockbuster c. Costumer d. Director
2. Larangan : Politika a. Ballot box b. Canvassing c. Hearing d. Partylist
3. Larangan: Isports ( swimming ) a. Backstroke b. Block c. Butterfly d. Freestyle
4. Larangan: Relihiyon a. Allah b. Grandmaster c. Kapilya d. Pope
5. Larangan : Agham a. Laboratory b. Sensational c. Scientific d. Test tube
B. Panuto: Tukuyin kung saang disiplina/larangan ginagamit ang salitang nakasalungguhit sa bawat
pahayag. Isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1. “Anak, isosoli na sa Byernes ang mga modyul mo”.
a. Edukasyon b. Medisina c. Media d. Negosyo
2. “ Ang mga nahuling lumabag sa IATF ay ikukulong at walang bail”.
a. Agrikultura b. Batas c. Media d. Social Media
3. “ May rapid test na isasagawa sa mga empleyado ng City Hall.”
a. Inhenyera b. Medisina c. Negosyo d. Transportasyon
4. “Pakipost sa inyong facebook ang inyong spoken poetry”.
a. Agrikultura b. Edukasyon c. Media d. Social Media
5. “Ihanda mo ang blue print para sa presentasyon mamaya”.
a. Edukasyon b. Inhenyera c. Media d. Negosyo

Takdang Aralin

Panuto: Manaliksik sa kakayahang pangkomunikatibo. Kahulugan at katangian nito. Isulat sa


kwaderno ang inyong sagot.

You might also like