You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
CARMEN WEST DISTRICT
PEDRO S. BUDIONGAN HIGH SCHOOL
Montesuerte, Carmen, Bohol
INSTRUCTIONAL PLAN
JESSA MAY D. LABRADOR FILIPINO 7
Guro Asignatura
Petsa Oras Seksyon Mga Tala
Ika-8 ng Marso 2021 10:00-11:00 Sapphire

iPlan No. 1 Baitang 7


Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
Kompetensi Code No. F7PN-IIIa-c-13
suprasegmental (tono, diin, antala)

Susi ng Pag-unawa Ang Suprasegmental ay isang makahulugang tunog. Sa paggamit ng


suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng
diin (stress), tono o intonasyon (pitch), haba (length), at antala o hinto (juncture) sa
pagbibigkas at pagsasalita.

Kaalaman Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng suprasegmental (diin, tono, antala) sa pagsasalita.
Kasanayan Naibibigkas nang may wastong diin, tono at antala ang ilang halimbawang pahayag.
Mga Layunin

Kaasalan Nabibigyang-halaga ang paggamit ng suprasegmental sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.


Maka-Dios
Maka-Tao Nagpapakita ng pagkakaisa sa gawaing nakaatas na may kaugnayan sa
Kahalagahan paksang tinalakay.
Makabansa
Makakalikasan
Kagamitan
Mga

Powerpoint,ballpen, yeso, papel

Pamamaraan
 Panalangin
 Pagtatala ng mga lumiban

Pangmotibasyunal na tanong:
Panimulang Gawain
 Ano-ano ang iyong naging palatandaan sa isang tao kung siya ba ay
nagagalit ? Natutuwa/Nasisiyahan? Nalulungkot?
 Batay sa emosyon na aking nabanggit kanina, mayroon ba itong naging
epekto sa paraan ng ating pananalita? Bakit?
Presentasyon Pangkatang Gawain :
Mga
Gawain/Estratehiya Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay may nakaatas na
gawain. Babasahin ng bawat pangkat ang mga pahayag nang wasto at maayos ayon
sa bantas nito.

Pangkat 1 Pangkat 2
Totoo? Totoo!
May bakuna sa Covid-19? May bakuna sa Covid-19.
Mabisa ang gamot sa lahat ng edad. Mabisa ang gamot sa lahat ng edad?
Gumaling sila? Gumaling sila.
May DOH na bibisita bukas? May DOH na bibisita bukas.
Kasama ka sa magpapaturok. Kasama ka sa magpapaturok?
Pagkatapos ng Pangkatang Gawain:

(May mga katanungan ang guro batay sa kanilang mga gawain)


Pagsusuri
 Magkaiba ba ang pinapahayag ng pangkat 1 sa pinapahayag ng pangkat 2?
 Ano kaya ang nagpapaiba-iba sa kahulugan ng mga ito?
Pagtatalalakay sa mga mahahalagang bahagi ng aralin :

Ang Suprasegmental

Ang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog. Sa paggamit ng


Suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang sariling damdamin, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan sa pamamagitan ng diin (stress), tono (intonation), antala o hinto
(juncture).
Kabilang sa suprasegmental ay ang sumusunod:

1. Diin ang tawag sa lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng


isang pantig ng salita. Karaniwang naririnig ito sa mga salitang binubuo ng dalawang
pantig. Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Halimbawa:
BU:hay = Kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi la:MANG = nakahihigit; nangunguna

2. Tono/Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla ,


Pagtatalakay makapagpapahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa kapwa. Bawat pantig ay maaaring bigkasin nang mataas, karaniwan o mababa.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.
Halimbawa
pon 3 ha 3
ka ha ka
1 pon
2 2 1

3. Antala/Hinto – Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw


ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ),
dalawang guhit na pahilis (//), tuldok-kuwit ( ; ), tutuldok ( : ), kaya’y tuldok (. ).
Halimbawa
Hindi. Tala ang nakita mo.
Hindi tala ang nakita mo.
Sa unang pahayag, sinasabing tala ang nakita ng kausap; sa ikalawa,
sinasabing nagkamali ng palagay ang kausap at hindi tala ang nakita.
Paglalapat A. Bigkasin ang mga sumusunod na mga pahayag. Lagyan ng diin ang nakasulat sa
malaking titik.
a. KIta vs. kiTA c. haPON vs. hapon
b. MAya vs. MaYA d. Upo vs. uPO
B. Bigkasin nang may kawastuhan sa tono ang mga sumusunod na pahayag:
a. Dumating na ang Pangulo. b. Lumilindol.
Dumating na ang Pangulo? Lumilindol?
Lumilindol!
C. Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman kapag nakita ang #:
a. Hindi puti # c. Si Mark Anthony# at ako#
b. Hidi # puti # d. Si Mark# Anthony# at ako#

Ipapahayag ng guro:
Paglalahat Sa pakikipagtalastasan mahalagang bigkasin natin ng wasto ang mga
suprasegmental upang matukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng
pahayag o nagsasalita sa pamamagitan ng mga diin, tono, at antala sa pagbibigkas
at pagsasalita. At huwag nating kakalimutan na sa ating pakikisalamuha sa ating
kapuwa, huwag nating kalimutan ang mga simpleng hakbang upang maprotektahan
ang sarili laban sa COVID-19. Maghugas ng kamay , Takpan ang bibig kapag uubo
at babahing, iwasan ang pakikipagkamay, at panatilihin ang physical distancing.
Pagtataya
Obserbasyon
Pakikipag-usap sa
mag-aaral/Kompere
nsiya
Pagsusuri sa mga
mag-aaral/Produkt
o
Panuto: Ipaliwanag ang gamit at kahalagahan ng mga sumusunod na
suprasegmental. Isulat ito sa isang kalahating papel. (5 pts)
1. Tono-
Pasulit
2. Diin-
3. Antala-

Reinforcing

Takdang- Enriching
Aralin
Enhancing
Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng bugtong, salawikain, at awiting bayan. Isulat
Preparing ito sa isang buong papel.
Tatapusin ang aralin sa kasabihan:

Paglalagom “Ang pinakamahalagang bagay sa pakikipag-usap ay ang pakikinig sa sinabi.”


-Lawrance Clark Powell

Mga Tala
Academic Track
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation
Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mga nakaunawa sa aralin.
Pagninilay Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakakatulong ? Paano ito nakakatulong?
Anong suliranin na aking naranasan nasolusyunan ng aking punong guro o tagamasid?
Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong ibahagi sa aking kapwa guro?

You might also like