You are on page 1of 3

Kakayahang sosyolingguwistiko

‘’ang wika ay mabisang instrumento sa pakikiapagugnayan’’

Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua (1990) ang ilan sa mga pangunahing dahilan sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na
maaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng:
. Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang
kanyang intensyon.
‘’kung baga nakikipag talastasan sya ng hindi nya alam na kung ano ang kanyang intension na
nais sabihin sa pakikipag talastasan’’
. Hindi maipahayag ng maayos ng nagsasalita
ang kanyang intensyon.
‘’May kaugnayan sya sa una na kung saan hindi nya maparating ng maayus sapagkat hindi nya
maunawaan kung ano ang ba Ang layunin nya sa pakikipag talastasan’’
. Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin
ang kanyang intensyon dahil sa iba't ibang
kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa.

Ano ang kakayahang sosyolingguwistiko?


kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na
panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon

halimbawa ng sosyolingguwistiko
(halimbawa: “Magandang araw po! Kumusta po kayo?”) sa pakikipag-ugnayan sa mga
nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika (halimbawa: “Uy!
Kumusta ka naman?”) sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado.

Mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon


Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, maging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay Page 1
isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang.
Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng
ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-
alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata.
s-(SETTING)-Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
-upang maiangkop ang mga paraan ng pananalita
(saAN GINAGANAP ANG PAG UUSAP)

P- ( PARTISIPANTS)-Ang mga taong nakikipagtalastasan.


-Isinasaalang-alang ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
-Iba ang paraan ng pakikipag-usap sa guro kaysa sa kaibigan o kamag-aral
(SINO-SINO ANG MGA KALAHOK SA SITWASYON)

E ( ENDS) -Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan


-BUNGA O LAYUNIN NG PANGUNGUSAP
(ANO ANG APAKAY 0 LAYUNING NG APAG UUSAP)

A-( ACT SEQUENCE) –DALOY O TAKBO NG USAPAN


-Mainit na usapan humahantong sa mapayapang pagtatapos. biruan na nauuwi sa pikunan.
(PAANO ANG NAGING TAKBO NG USAPAN)

K-(keys) - Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan. Kung ito ba ay pormal/ di-pormal.
- Tono ng pakikipag-usap KUNG PAANO MAIPAPARATING ANG ISANG MINSAHE, NAKA
DEPENDE DIN ITO KUNG SINO ANG KAUSAP MO

I-(instrumentalities) - Tsanel o midyum ng pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa


kung ano at saan sasabihin. Page 2

-TSANEL NA KUNG SAAN PWEDENG MAGAMIT SA PAKIKIPAG USAP KATULAD NA


LAMANG NG CELLPHONE, AT IBA PANG PARAAN UPANG MAIPARATING ANG ATING
MINSAHE
(ANONG TSANEL/MIDYUM ANG GINAGAMIT SA PAG UUSAP)

N-(NORMS)- Paksa ng usapan.


-May mga sensitibong bagay na minsan limitado ang ating kaalaman. Kaya humahantong sa usapang
panlalaki lamang o usapang pangbabae lamang.

G-( GENRE)-Ang diskursong gagamitin, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran


-Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, NAKIKIPAGTALO/NANGANGATWIRAN
Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastaSAN
Nagsasalaysay ba? Naglalarawan ba?
(Anong uri ng diskurso ang ginagamit?)

Page 3

You might also like