1.May lumapit sa iyong isang dayuhan at nagtanong kung
maaari ka niyang kapanayamin tungkol sa wikang ginagamit mo bilang bahagi ng kaniyang pag-aaral. Subalit alam mong hirap kang magsalita ng wikang Ingles. Ano ang gagawin mo?
2.Narinig mo ang paraang kung paano nakikipag-usap ang
iyong kaibigan sa kaniyang mga magulang. Hindi ito ang paraang nakasanayan mo. Ano ang gagawin mo? Ang mga salitang Kakayahang Pangkomunikatibo O Communicative Competence ay nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966. (Dayag at del Rosario, 2016). Sinasabing sa mga silid- aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit hindi sapat na basta lamang itong umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng panalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya at iba pa. Dahil masasabi lamang na ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo kapag naipahatid nang maayos sa kausap ang diwang nais iparating sa kinakausap at magamit ang pang –unawang ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay, pasalita man o pasulat. 1.Kakayahang Lingguwistiko - ay nagbibigay-kakayahan sa taong nagsasalita na gamitin ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng salita.
Natural na kakayahan ng tao sa sistema ng kaniyang wika,
dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa. Ang lingguwistiko ay ang aktuwal na paggamit ng wika. 2.Kakayahang Sosyolingguwistiko - kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon.
Ito ay ang pang-unawa batay sa kung SINO, PAANO, KAILAN, SAAN
at BAKIT nangyayari ang Sitwasyong Pangkomunikatibo. Binibigyang-pansin dito ang pagkakaiba ng COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa PERFORMANCE o PAGGANAP. Ayon kay Savignon (1972), isang propesor sa University of Ellinois, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Ito ay ang pang-unawa batay sa kung SINO, PAANO, KAILAN, SAAN at BAKIT nangyayari ang Sitwasyong Pangkomunikatibo. Binibigyang-pansin dito ang pagkakaiba ng COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa PERFORMANCE o PAGGANAP. Ayon kay Savignon (1972), isang propesor sa University of Ellinois, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Ayon kay Dell Hymes,( isa siya sa mahuhusay na linggwista na may malaking naiambag sa larangan ng gramatika) magiging maayos lamang ang komunikasyon kung ito’y isasaayos. Paano ito aayusin? Basahin at unawaing mabuti ang ACRONYM na kanyang ginawang modelo upang makamit ang isang maayos, na usapan. Ang Acronym na: SPEAKING. S-(Setting)- Pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Kailangan iangkop natin ang ating pananamit, at pananalita sa lugar kung saan nangyayari ang usapan. Halimbawa: Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi tayo makikiapag-usap na tayo ay parang nasa kalsada. P- (Participant)- Mga taong nakikipagtalastasan. Dapat nating isaalang-alang kung sino ang ating kakausapin. Hindi natin kinakausap ang ating guro tulad ng pakikipag-usap natin sa ating kaklase o kaibigan dahil sa ating guro kinakailangan nating maging magalang samantalang kampante naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan. E- (Ends) – Mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin kung ano ang ating mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung hihingi tayo ng pabor, kinakailangan natin ang pagpapakumbaba. A-(Act sequence)- Takbo ng usapan. Maging sensitibo sa takbo ng usapan. Halimabawa, kapag mainit ang takbo ng usapan, kailangan nating maging kalmado sa pakikipag- usap upang magtatapos sa isang mapayapang usapan. Kung minsan naman ang biruan ay nagbubunga ng pagkapikon at alitan kaya kailangan maging mapagmasid tayo sa kahit anong takbo ng usapan. K- (Keys)- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook/lugar nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di- pormal. Halimbawa ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal. I-(Instrumentalities)- Tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat. Dapat alamin natin kung ano ang dapat sabihin at kung saan natin ito sasabihin. N- (Norms)- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin kung tungkol saan ang usapan. Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda, “ito ay usapang pang matanda lamang”, usapang pambabae o “girls talk”, may usapang panlalaki rin. Ibig sabihin kailangan nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung saan ito nababagay o nabibilang. G- (Genre)- Diskursong ginagamit. Kailangang maging sensitibo tayo sa kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba, nangangatwiran, o nakikipagtalo. Minsan, dahil miskomunikasyon sa genre, hindi nagkakaunawan ang magkausap Isang araw sa may loob ng paaralan: Candy: Ashley, nakita mo ba si Sam? Ashley: Hindi bakit? Mukha yatang malungkot ka na naman. Candy: Hindi naman. Gusto ko kasi siyang makusap dahil hindi maganda ang paghihiwlay namin kagabi. Ashley: Bakit? Nagtalo na naman ba kayo? Candy: Ewan ko ba sa kanya, masyadong mainitin ang ulo. Akala ko kasi nagbibiro siya nang sabihin niyang aalis siya kapag hindi ko binalik ang libro niya. Hayun hindi ko nga binalik kaya napikon. Ashley: Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo, malay mo bukas ayos na siya. Candy: Sana nga. Baka kasi pati pag-aaral nya maapektuhan sa tampuhan namin.
Ibigay ang SPEAKING ng pag-uusap:
SETTING (Saan naganap ang pag-uusap) PARTICIPANTS (Sino ang nag-uusap) ENDS (Layunin ng Pag-uusap) ACT SEQUENCE (Daloy o Takbo ng usapan) KEYS- (Tono ng pakikipag-usap) INSTRUMENTALITIES (Tsanel) GENRE (Uri ng Diskurso)