You are on page 1of 7

Modyul1: Introduksiyon sa Akademikong Pagsulat

Layunin:

A. nakapagbibigay ng sariling pakahulugan tungol sa akademikong pagsulat;

B. nakapagpalitang-kuro sa kahalagahan ng pagsulat bilang instrumento sa pagpapahayag;

C. Nakapagpahayag ng sariling konsepto tungkol sa sosyo-kognitibong aspekto ng wika;

D. natukoy ang kahulugan at kahalagahan ng akademikong gawain;

E. nakakaunawa ng mga kakailanganing kasanayan upang makabuo ng sulatin;

F. nauunawaan at natatalakay ang kahalagahan ng mga bantas na gamit sa pagsulat; at

G. nakasulat ng sariling sanaysay.

• Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al. 1998).

• Ang pagsulat ay gawaing kinasasangkutan ng mental at pisikal na kasanayan ng isang indibidwal.

• Napakahalaga ng kasanayan sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama. Ang tao, nakapag-aral man
ng pormal o hindi nagtataglay ng kakayahan mental upang magpahayag hindi lamang ng pasalita,
ganoon na rin ang paggamit ng kaniyang pisikal na kakayahan, ito ay ang pagsulat.

➢ Ayon sa pinakahuling naitalang pag-aaral ng mga Archeologist, ang pinakamatandang pagsulat ay


nadiskubre noong 4, 000-3, 500 BC.

➢ Ayon kina Jocson et. al. (2005), may dalawang layunin ang tao bago sumulat: ekspresib at
nakikitransaksyon.

 Ipinahayag ni Lou Labrant, isang dayuhang manunulat na “ano man ang halaga at hirap ang mga
mag-aaral ay dapat mabigyan ng pagkakataong maisatitik ang kanyang damdamin at isipan.”

❖Ang pagsulat ay gawaing mental at pisikal.

❑Mental

❑Pisikal

Pagsulat Bilang Isang Kognitibong Gawain


❑ Isang sosyo-kognitibong proseso ang pagsulat.

➢ Ayon kay Freeman (1987), ang pagsulat ay paraan ng interkomunikasyon gamit ang simbolong biswal.

Sa nakaraan, ang pokus ng pagsulat ay:

a. Produkto

b. Proseso

c. Konteksto

d. Kognitibo

❑ Ang pagpapahayag na pasulat ay mas mahirap na kasanayan kaysa sa pasalita.

Sa gawaing pasulat mahalagang maisaisip ang mga sumusunod:

a. Layunin

b. Kaisipan

c. Gramatika

d. Gamit ng Salita

e. Pagbabantas

f. Tamang Baybay

g. Malawak na Bokabularyo

Balangkas

➢ iskeleton ng anumang gawaing pasulat na nagbibigay gabay upang matukoy ang mga susunod na
ideyang kailangang isulat ng isang manunulat.

Halimbawa ng isang balangkas:


I. (paksa/pangunahing kaisipan)

A. (pansuporta sa pangunahing kaisipan)

a. (pansuporta sa A)

b.

B. (pansuporta sa pangunahing kaisipan)

a. (pansuporta sa B)

b.

C. (pansuporta sa pangunahing kaisipan)

a. (pansuporta sa C)

b.

II. (paksa/pangunahing kaisipan)

A.

B.

C.

Gamit ng Bantas sa Pangungusap

1. Tuldok (.)

▪ Hulihan, pormal na pagdadaglat, pananda sa inisyal na pangalan, bilang pananda sa pagbuo ng


balangkas

2. Tandang Pananong (?)

3. Panandang Padamdam (!)

▪ Pangungusap na padamdamin at sambitlang

4. Kuwit (,)

▪ Paghiwalayin ang magkasunod-sunod na mga salita, tukuyin ang pangalan ng kausap at panghiwalay sa
mga cohesive devices.

5. Tutuldok (:)
▪ ginagamit kapag nagbibigay ng mga tala, pananda sa panimula ng liham pangangalakal

6. Tuldok Kuwit (;)

▪ ginagamit sa pagitan ng sugnay ng pangungusap na walang pangatnig

7. Gitling (-)

▪ ihiwalay ang salitang ugat sa panlapi

Hal: mag-anak, pag-asa Hal: ika-16 ng Disyembre

▪ pandugtong sa dalawang salitang makapagiisa ▪ ginagamit sa pagtukoy kung ang isang babae ay
kasal na

Hal: ulan-init, tawang-lait


Hal: Dianne Melendez- Rosario 8. Kudlit (‘)
▪ ginagamit sa pag-uulit ng salita
▪ Pananda sa letrang kinaltas na nagsisilbing pang-
ugnay ng dalawang salita

Hal: gabi-gabi, daan-daan

▪ Ihiwalay ang panlapi sa hiram na salita Hal: ama’t anak 9. Panipi (“ ”)

▪ Tukuyin ang tiyak na pahayag ng isang tao

Hal: mag-shopping, e-dribble

▪ ikabit ang panlapi sa pangalang pantangi Hal: Sinabi niya ang ganito “ang ginawa mo ngayon
sa iyong buhay ay makararating sa kabilang-buhay.”

▪ Tukuyin ang hiram na salitang ginamit sa pahayag.


Hal: taga-Iloilo, ala-Manny

▪ ginagamit upang maikabit ang “ika” sa petsa.


Hal: At ito maaari ang simula ng wakas ng “Visiting
Forces Agreement”.

Sanggunian:

▪ Eriman, Edgar (2020). Filipino: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangang Akademik.


Modyul 1: Pagsulat ng Tala sa May-akda o Bionote
Layunin:

a. nabibigyang kahulugan kung ano ang bionote;

b. natatalakay ang kahalagahan ng binote; at

c. nakasusulat ng binote.

Si Jose Rizal ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa


Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang
Bayani. Ipinanganak siya sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang
anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer
ng Sining at nag- aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa
Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa
Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Kahulugan:

 Mahalagang kasanayan ang pagsulat sa tala sa may-akda o bionote. Ito’y pinaikling buod ng mga
tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon at pagsasanay na taglay ng isang akda.

Tala sa May-akda o Bionote

Artikulo Paliha

Iskolarsyip Blog o Website

May-akda sa bahagi ng aklat Tala ng emcee

Nilalaman ng bionote (maikli):

Pangalan Edukasyong natamo

Kasalukuyang trababo Karangalang natamo o Latin honors

Parangal Programa

Oraganisasyong kinasangkutan o sinasangkutan Email address


Suriin natin

Si Carla M. Pacis ay isang full-time propesor sa Departamento ng Panitikan sa De La Salle University-


Manila. Siya ay isang ding manunulat ng mga aklat pambata at mga kuwentong pangkabataan na ang
ilang akda ay nagwagi sa Nationak Book Award, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at sa
PBBY Salanga Prize. Siya ang tagapagtatag ng Kwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at council member ng
National Council for Children’s Television

Nilalaman ng bionote (mahaba):

 Kasalukuyang posisyon sa trabaho


 Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
 Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay tulad ng mga sining-biswal, pelikula,
pagtatanghal
 Mga listahan ng parangal na natanggap
 Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito natanggap
 Mga natanggap na training at nasalihan palihan
 Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
 Mgs kasalukuyang proyekto
 Mga gawain sa pamayan o bayan
 Mga gawain sa samahan o organisasyon
 Mga Dapat Tandaan

• Kinakailangang siksik at malaman sa impormasyon ang isang tala sa may-akda o bionote.

• Kinakailangan pangalan ang simula nito. Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng taong tinutukoy nito.

• Nakasulat ito sa ikatlong panauhan.

• Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang publikasyon.

• May dalawang uri ng bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon- maikling ngunit siksik, at ang mahaba
na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedia.

• Mahalagang piliin ng may akda ang pinakatumpak sa kanyang karera upang itampok sa kanyang
bionote.

• Iwasan ang pagsisinungaling sa bionote tulad ng paglalagay ng mga mali o pekeng impormasyon lalo
na sa edukasyon at paaralang pinagtapusan.

• Kailangang paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang sariling bionote.

• Siguraduhing madadagdagan ng bagong impormasyon ang iyong bionote sa paglipas ng panahon.


• Depende sa kahilingan maaaring ilagay ang detalye sa pakikipag-ugnayan sa huling bahagi gaya ng
email address.

Mga Sanggunian

https://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal C &

You might also like