You are on page 1of 22

4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Naipapakita ang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng email
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Naipakikita ang kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng email.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagamamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Danilo Gudelusao PhD
Faustino Toradio PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeffrey S. Montejo, Wilfredo Pepito


Editors: Reynaldo D. Anto EdD, Grace P. Mendez PhD, Ma. Pamela Cenita PhD,
Tagasuri: Renato D. Calamba PhD, Amelita Credo, Isidora Codilla, Carlito Fuentes Jr.
Ma. Pamela Cenita PhD, Jocelyn T. Rotersos Rogelia Beltran,
Luzviminda Barro, Virginia G. Gamil, Jobanie O. Toston, Jeana O. Niones
Rafael T. Celocia, Dahlia Milagrosa J. Dultra
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Carmela S. Restificar PhD
Grace P. Mendez PhD
Josephine D. Eronico PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address:deped.bohol@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Naipakikita ang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng email
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling Naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit ng
Computer, Internet at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol


sa Naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit ng Computer, Internet
at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa module na ito ay naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit


ng Computer, Internet at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan.

Ang module na ito ay tungkol sa:


 Kaalaman at Kasanayan sa Paggamit ng email (EPP4IE-Oh-17, EPP4IE-Oh-
18, EPP4IE-Oh-19, EPP4IE-Oh-21, EPP4IE-Oh-22)

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga sumusunod:


 Nakasasagot sa email ng iba.
 Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media
file.
 Nakaguguhit gamit ang drawing tools o graphics software.
 Nakakapag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool.
 Nakagagawa ng dokumento na may picture gamit ang word processing tool o
desktop publishing tool.
 Nakagagawa ng maikling report na may kasamang mga table, tsart, at photo
o drawing gamit ang iba’t ibang tools na nakasanayan

Subukin

ANONG KASANAYAN ANG TAGLAY MO NA?


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o ang
thumbs down icon kung hindi pa.

Kasanayan

1. Pagkakaroon ng email account o address.


2. Paggawa ng sariling email account o address.
3. Pagbubukas ng sariling email.
4. Pagbasa ng mga mensahe sa sariling email.
5. Paggawa ng mga mensahe gamit ang email at pagpapadala
nito sa kinauukulan.
6. Pagsagot ng email ng iba.
7. Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o
iba pang media file.
8. Nakapagbubukas ng dokumentong kalakip ng isang email.
Gamit ang isang drawing software, kaya ko na . . .
9. matukoy ang command tools na ginagamit sa pagguhit.
10. gumamit ng kulay sa pagguhit.
11. burahin ang isang bahagi ng larawan gamit ang angkop na
tool.
12. maglagay ng text sa larawan.
13. mag-save ng file gamit ang angkop na format.

Gamit ang isang drawing software, kaya ko na . . .


14. magbukas ng larawan para i-edit.
15. mag-crop ng larawan.
16. maglagay ng shape sa larawan.
17. maglagay ng text na may angkop na kulay sa ibabaw ng
larawan.
18. magtanggal ng puting background ng text.

Aralin

1 ANG Email

Ang paksang ating tatalakayin ay tungkol sa electronic mail (email).


Makapagdadagdag ito ng ating kaalaman at kasanayan sa komunikasyon gamit
ang teknolohiya. Ang kahulugan, kahalagahan at gamit ng email ay lubos mong
matutuhan upang magamit sa iyong pang-araw-araw at panghinaharap na mga
gawain.

Malaking tulong ang email sa mabilis na komunikasyon gamit ang internet.


Maaring maglakip (attach) ditto ng mga larawan, video, at musika at ipadala ang
mga mensaheng ito sa iba’t ibang tao o organisasyon.

Balikan

Bago ka gumawa ng sariling email, mahalagang malaman mo muna ang


mga bahagi ng email address.

Bahagi ng Email Address:


3) uri ng domain
1) username
juandelacruz@gmail.com

2) pangalan ng domain
Tuklasin

Sa pagkakataong ito, gagawa na tayo ng email. Gagamitin natin ang Gmail sa


paggawa ng account. Libre ito at madaling intindihin at gamitin.

1. Sa iyong computer, gamitin ang internet at magpunta sa home page ng Google at


i-type ang: www.gmail.com

2. Hanapin ang “Create an account” button. I-click ito at i-type ang lahat ng
impormasyong hihingin ng Gmail upang makapag-sign up at magkaroon ng sariling
account.

3. Hihingin din nito ang gusto mong gamiting username. Dahil marami nang taong
may aacount sa Gmail, titingnan nito kung wala kang kapareho ng username at
kung maaari mo pa itong gamitin. Kung nagamit na ito, magbibigay ito ng mga
suhestiyon ng username na maaari mong gamitin. Kung wala itong kapareho,
maaari mong gamitin ang ibinigay na username.

4. Hihingi din ito ng password na dapat i-type sa keyboard sa tuwing gagamitin


ang iyong account. Binubuo ito ng walo (8) o higit pang kumbinasyon ng mga letra,
numero o simbolo. Dapat na lagging tandaan ang iyong password at panatilihin
itong sekreto.

5. Sundin ang iba pang hakbang na hihingin ng Gmail. Matapos gawin ang mga
ito, makalilikha ka na ng sariling account sa Gmail server.

Mag-Email Tayo!

1. Simple lang ang pag-sign in sa iyong Google Account. I-click lang ang sign-in
button sa kanang sulok sa tuktok ng anumang serbisyo ng Google upang tingnan
ang iyong email.
2. Kung madalas kang gumagamit sa mga internet café, gamitin ang dalawang
paraan sa pag-verify upang mapanatiling ligtas ang iyong account. Tiyakin ding
naka-sign out ka bago umalis sa harap ng computer.
Suriin

Email . . . Bilis Padala!


1. Para makagawa ng mensahe sa email, i-click ang “Compose Mail”
2. I-type ang address ng account na padadalhan ng mensahe sa kahon ng “To:”
Siguraduhing tama ang nai-type na email address upang maipadala ito nang
maayos at mabilis.
3. I-type ang paksa ng iyong email sa kahon na “Subject:”
4. Gamitin ang iyong mouse at itapat ang cursor sa putting kahon sa ilalim. Ito ang
tinatawag na Message Box. Maari mo nang i-type ang iyong mensahe rito.
5. Matapos i-type ang mensahe, maari mo nang i-click ang “Send”.

Pagyamanin

Mag-Email na Tayo!
1. Hingin ang email address ng iyong guro.
2. Gumawa ng isang email sa iyong account na ipadadala mo sa iyong guro na
naglalaman ng iyong pagpapakilala sa guro at pagpapaalam sa kanya na ito na ang
iyong email address.
3. I-send ang email na ito.

Surii
n

Isa sa bunga ng pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon ang


elektronikong liham o email. Ang email ang isa sa pinakamabilis na paraan ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa ibang tao gamit ang internet. Ang
kaalaman at kasanayan sa paggamit ng email ay malaking tulong sa pagsasagawa
ng pang-araw-araw mong gawain.
Tayahin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan sa bawat bilang.

Password Compose Mail username Subject 1.


Email Create Account gmail.com Send

Sa kasalukuyan ito ang isa sa pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at


pagtanggap ng mensahe samit ang internet.

2. Ito ang hinihinging pangalan sa tuwing ikaw ay gagamit ng email. Madalas


ginagamit ditto ang pangalan at apelyido.

3. Ito ay isang halimbawa ng domain na ginagamit ng libre.

4. Ito ang dapat i-click kung gagawa ng bagong gmail account.

5. Ito ang kailangan mong i-type sa tuwing gagamitin ang iyong account. Binubuo
ito ng walo (8) o higit pang kumbinasyon ng mga letra, numero, o simbolo.

6. Ito ang click kung nais gumawa ng mensahe sa email.

7. Dito mo i-type ang paksa ng iyong email.

8. Matapos i-type ang mensahe, ito ang dapat mong i-click upang mapadala ang
iyong mensahe.

Aralin PAGSAGOT AT
2 PAGPAPADALA NG EMAIL
NA MAY ATTACHMENT

Maliban sa sulat na nais nating ipadala sa ibang tao, maaaring may mga
dokumento rin tayong nais ilakip sa ating ipinadadala. Dati, inilalakip sa sulat ang
mga dokumento o gamit na nais ipadala. Ang mga dokumento o gamit na kalakip
ng sulat ay may karagdagang bayad depende sa timbang nito. Dahil pinadali na ng
teknolohiya ang buhay ng mga tao, ang paglalakip o paglalagay ng attachment sa
mga dokumento sa isang email ay maaari na ring gawin sa mabilis, magaan, at
libreng paraan.

Ang pagsagot at pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento ang


kokompleto sa iyong kaalaman sa email.

Tuklasin

Email Mo . . . Sasagutin Ko . . . (Pagsagot sa Isang Email)

1. I-click ang inbox. Buksan ang iyong email mula sa iyong guro na naglalaman
ng mensahe tungkol sa pagpapaalam mo sa kanya ng bagong email address
mo.
2. I-click ang “Reply” matapos basahin ang mensahe. I-type sa lumitaw na
message box ang pasasalamat sa iyong guro sa pagsagot sa iyong email.
3. I-click ang “Send” matapos i-type ang pasasalamat sa iyong guro.

Pagyamanin
“Attach Mo sa Email Mo.” (Pagpapadala ng Emil na may kalakip na
dokumento o iba pang media files)
1. Buksan ang nagawang email sa http://www.gmail.com
2. I-click ang Compose Mail.
3. I-click ang Attach a file.
4. I-click ang “Browse” upang mahanap ang Folder kung saan nakalagay ang
ilalakip
na file. Maaari mong ilakip ng isa-isa ang mga dokumento na nais mong ipadala.
Ang kabuuang laki ng files na maaari mong ilakip sa email ay hanggang sa
25MB.
5. I-click ang OK.
6. Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng attachment
names.
7. I-click ang “Send”.
Isaisip

Malaking tulong sa mabilis at epektibong komunikasyon ang kaalaman at


kasanayan sa paggawa ng sariling email, pagpapadala ng mensahe, pagsagot sa
email ng iba, at pagpapadala ng email na may kalakip na ibang dokumento at
media files.

Isagawa

“Ise-send Ko, Proyekto Ko”

 Gamit ang iyong account, gumawa ka ng email na may kalakip na


dokumento tungkol sa isang proyekto na iyong ginawa (sa kahit na
anong asignatura) gamit ang office document.
 I-send ang email na ito sa iyong guro.

Tayahin

Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may kalakip na


dokumento. Gamitin ang titik A, B, C, D at E upang maipakita ang pagkakasunod-
sunod nito.

______1. I-click ang Attach a file link.


______2. Buksan ang email na ipinadala sa iyo.
______3. I-click ang “Browse” at “browse file” na iyong ilalakip at i-click ang OK.
______4. Matapos itong basahin i-click ang “Reply”. I-type ang sagot sa mensahe na
ipinadala sa iyo.
______5. I-click ang “Send”.

Aralin PAGGUHIT GAMIT ANG


3 DRAWING TOOL O GRAPHIC
SOFTWARE

Mahilig ka bang gumuhit o magpinta? Gamit ang drawing tool o graphic


software sa computer, nagiging kasiya-siya ang mga gawaing ito. Sa pag-aaral nga
raling ito, malilinang ang iyong kakayahan sa paggamit ng computer upang
mkagawa ng larawan.

Tuklasin

Ang Drawing Tools o Graphic Software

Maaari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa pamamagitan ng


drawing tools o graphic software. Malilinang ang iyong pagiging malikhain dahil
nagtataglay ito ng mga tools na gaya ng ginagamit ng mga propesyonal na pintor.

Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta na di gumagamit ng


computer, ang graphic software ay mayroong drawing area na nagsisilbing canvas o
o papel sa isang pintor.

Sundan ang sumusunod upang masiyasat ang paggamit nito:

1. Buksan ang MS Paint. Tingnan ang interface nito. Ano ang


pagkakaiba nito sa word processor at spreadsheet application?

Quick access
toolbar Drawing Area
Paint Tool

Ribbon
a. Paint Tool – naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa paggawa
ng bago, pagbukas at pag-save ng file.

b. Quick access toolbar – naglalaman ng mga tool shortcuts para sa


mabilisang pag-access dito.

c.Ribbon – naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring gamitin sa pagguhit,


pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.

d. Drawing area – canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng


larawan.

2. I-click ang pencil tool at color 1. Pumili ng kulay sa color palette sa pamamagitan
ng pag-click nito.

3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas kung saan mo gustong
gumuhit.

4. Maari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color 1 at color 2. I-click ang
Color 2 at pumili ng kulay gamit ang color palette.

5. Subukin mong magpalit ng brush at kulay. Mapapansin na may iba’t ibang uri
ng brush na maaring gamitin. Ang bawat brush ay nakagagawa ng iba’t ibang
effects gaya ng mga artistic brush na gamit ng mga pintor.

6. I-click ang eraser tool at itapat ang cursor sa drawing area na may larawan.
I-click at i-drag ang mouse sa bahaging may larawan. Pagmasdan kung ano ang
mangyayari rito.

7. Patuloy na i-explore ang graphic software.

Pagyamanin
Handa ka na bang gumawa ng digital painting? Sundan ang mga hakbang
upang makapagsimula.
1. Buksan ang graphic application at magsimula ng bagong larawan.
2. I-click ang pencil tool button at pumili ng angkop na laki ng guhit gamit ang
size tool Simulan ang pagguhit.
3. Maglagay ng hugis kung kinakailangan.
4. I-click ang angkop na brush at pumili ng kulay na gagamitin. Kulayan ang
iyong drawing.
5. Palitan ang kulay ng drawing area gamit ang bucket tool
6. Magdagdag ng text at iba pang nais na hugis upang mapaganda ang logo.
7. I-save ang nabuong larawan.

Isaisip

Ang drawing o graphic software ay mabilisang tool upang gumuhit ng


larawan. Maaaring gumuhit gamit ang pencil tool at maglagay ng kulay gamit ang
brushes at color tool ng isang graphic software. Mas mapapabilis naman ang
pagguhit ng iba’t ibang hugis kung gagamitin ang shape tool.

Ang isang larawan na ginawa sa paint ay maaaring i-save sa iba’t ibang format.
Ang JPEG, GIF, at PNG ang pinakamadalas gamitin.

JPEG o Joint Photographic Experts Group. Ang format na ito ay compatible sa halos
lahat ng devices at programs. Mas akmang gamitin ang format na ito, kung
kailangan mong i-display ang larawan online.

PNG o Portable Network Graphics. Ang format na ito ay akma sa graphic image file
tulag ng logo, infographics at maliliit na images. Hindi ito compatible sa lahat ng
software o applications.

GIF o Graphics Interchange Format. Ang format na ito ay akma sa maliliit na


graphics tulad ng banners, charts, at buttons.

Tayahin

Tingnan muli ang ginawa mong digital painting. Magbigay ng mga komento
kung papaano pa maging mas maganda ang nagawa mong painting. Anong
kakayahan pa ang nais mong mkamtam para mas maging maganda ang iyong
output.

PAG-EDIT GAMIT ANG


Aralin
LARAWAN GAMIT ANG
4 BASIC PHOTO EDITING
TOOL
Katumbas ng isang libong salita ang isang larawan. Mas madaling
maipapahayag ang isang mensahe kung ito ay ipapahayag gamit ang isang
larawan. Subalit minsan kinakailangang baguhin o dagdagan ang isang larawan
upang lubos na maiparating ang mensahe nito. Sa araling ito, magsasanay ka na
gumamit ng basic photo editing tool upang mkapag-edit ng larawan.

Balikan

Bukod sa pagguhit ng larawan, ang isang graphic software ay maaari ding


gamitin sa pag-edit ng larawan. Maaari mong paliitin, putulin, burahin at itago ang
ilang bagay sa isang orihinal na larawan. Maaari mo ring dagdagan ang larawan
upang lalo pa itong mapaganda.

Tuklasin

Sundan ang sumusunod na hakbang.

1. Buksan ang Paint. Kumuha ng larawan na naka-save sa picture folder.

2. Magbukas ng bagong larawan sa pamamagitan ng pag-click ng Paint Button at


Open.
3. May iba pang paraan upang kumuha ng larawan, maglaan ng ilang minute para
gawin ito.

4. I-click ang eraser, pencil, at iba pang tools. Tingnan ang mangyayari sa paggamit
ng iba’t ibang tools.

5. I-click ang select at pumili sa selection shape. I-click at hilahin sa canvas and
selection shape hanggang sa lumabas ang “broken lines”. I-click ang gitnang bahagi
na pinalilibutan ng selection shape. Igalaw ito at tingnan ang mangyayari sa
larawan.

6. Patuloy na diskubrehin ang pagbabagong maaaring gawin sa larawan.

Pagyamanin

Maaaring lalo pang mapagaganda ang isang larawan kung lalagyan ito ng
iba’t ibang disenyo. Ang tamang paggamit ng kulay, hugis, at text ay napakahalaga
upang mas maging epektibo ang nilalayong disenyo.

Tayahin

Panuto: Gawin ang nasa bawat bilang.


1. Buksan ang graphic software.
2. Maglagay ng larawan galing sa folder.
3. Kung mas malaki ang drawing area sa larawan. I-click at hilahin ang sulok sa
kanang ibaba ng canvas.
4. Maglagay ng mapanghikayat na kataga tungkol sa larawan.
5. Pumili nga angkop na text style at size. I-click ang transparent selection upang
mailagay ito sa ibaba ng larawan.
6. I-save ang inyong proyekto.

Aralin PAGGAWA NG DOKUMENTO


5 NA MAY LARAWAN GAMIT
ANG WORD PROCESSING
TOOL
Sa makabagong panahon, ginagamit ang computer sa pagsulat ng iba’t ibang
uri ng dokumento. Nagiging mas mabilis ang pagsulat nito dahil na rin sa Word
Processing application.

Sa araling ito, gagawa ka ng dokumentong may larawan gamit ang


computer. Tutuklasin mo command tools na maaaring gamitin upang makabuo ng
isang dokumento.

Tuklasi
n
Subuking gumawa ng maikling dokumento gamit ang word processor.
Sundan ang mga hakbang sa ibaba:

1. Buksan ang MS Word. Magbukas ng bagong dokumento. Pansinin na gaya ng


spreadsheet application at graphic software, ang word processing application ay
mayroon ding tools, ribbon at tabs.

I-click ang mga iba’t-ibang tabs at tingnan ang tools sa nakapaloob sa ribbon.

2. Mag-type ng salita o mga kataga sa blangkong dokumento.

3. I-highlight ang salita sa pamamagitan ng pag-click sa unahang bahagi ng salita


at i-drag ang mouse hanggang sa dulo ng bahagi ng salita.

4. Palitan ang text style. I-click ang alinman sa tatlong button na ito Ano
ang maging pagbabago kung gagamitin ang tatlong button ng text formatting na ito?

5. Baguhin ang text sa pamamagitan ng pag-higlight dito at i-click ang . Piliin


ang nais na kulay.

6. Ipagpatuloy ang pagta-type ng mga pangungusap.

7. I-set ang alignment ng pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng cursor sa


simula ng pangungusap at i-click sa mga alignment buttons na ito
Ano ang nangyari sa pag-click sa mga alignment buttons?

8. Mag-insert ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa button na ito sa


Insert Menu.

9. Kumuha ng larawan sa naka-save na file.

10. I-format ang larawan sa pamamagitan ng pag-double click dito.

11. Narito ang picture tools na maaaring gamitin sap ag-edit ng larawan.
(Ang tool na ito ay makikita lamang sa MS Word 2010 at sa mas bagong
bersiyon)

12. Pumili ng angkop na format mula sa picture tools.


13. I-click ang text wrapping tool at pumili ng text wrapping style. Pagmasdan
ang mangyayari sa larawan.
14. Ipagpatuloy ang pagdiskubre sa word processor.

Tayahin
Ang Pilipinas ay di lamang mayaman sa likas na yaman. Ito rin ay mayaman
sa masasarap na pagkain na talagang maipagmamalaki natin sa ibang bansa.
Isa sa maaaring simulang negosyo ng isang batang entrepreneur na katulad
mo ay ang negosyo sa pagtitinda ng pagkain. Gumawa ng isang flyer na
nagpapakilala sa iyong negosyo.
Sundan ang mga sumusunod na hakbang:

1. Kumuha ng larawan ng mga pagkain gamit ang inyong cellphone o digital


camera. (Kung wala ang mga ito, maaaring magdownload ng libreng larawan sa
internet)

2. Magbukas ng bagong dokumento gamit ang word processing application.

3. I-type ang pangalan ng iyong produkto at i-layout ito sa flyer sa pamamagitan ng


alignment tool.
Hamon: Subuking mag-insert ng Word Art mula sa Insert Menu
toolbar. Pumili ng word art style at mag-type ng salita sa Edit Word Art Text box.

4. Magdagdag ng iba pang impormasyon sa flyer.

5. I-save ang proyekto.

Aralin PAGGAWA NG REPORT


22 GAMIT ANG WORD
PROCESSING APPLICATION
Sa nagdaang aralin, nalinang ang iyong kakayahan sa paggamit ang
computer. Sa araling ito ay muli mong maipamamalas ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pag-apply ng iba’t-ibang kasanayan sa paggamit ng internet,
paggawa ng table at tsart, paggawa ng larawan, pag-edit ng larawan at paggawa ng
dokumento upang makabuo ng isang proyekto.

Layon ng araling ito na mas mapalalim ang iyong kaalaman sa entrpreneurship sa


pamamagitan ng paggawa ng proyekto tungkol sa pagnenegosyo.

Tuklasin

Basahin ang talumpati ng Pangulo ng Supreme Pupil Government.

Bilang pangulo ng Supreme Pupil Government,


hinihikayat ko ang lahat na suportahan ang ating
proyekto. Magsisimula tayo ng maliit na negosyo
at ang kikitain ay gagamitin upang tulungan ang
mga naghihikahos na mag-aaral. Inaanyayahan ko
kayong magpasa ng business proposal hinggil sa
sisimulan nating negosyo.

Bilang mag-aaral sa Grade 4 nais mong ipamalas ang iyong entrepreneurial


skills. Sa asignaturang EPP. Kailangan mong magpasa ng isang pahinang business
plan. Ang plano ay naglalaman ng sumusunod:
1. Pangalan ng produkto.
2. Maikling paglalarawan ng uri ng negosyo na may kasamang larawan.
3. Maikling talata na nagpapaliwanag kung bakit mas kapaki-pakinabang
ang iminumungkahing negosyo.
4. Table na nagpapakita ng posibleng gastusin o puhunan sa pagsisimula ng
negosyo.
5. Tsart na nagpapakita ng posibleng kikitain.

Tayahin
Sundan ang mga hakbang na sumusunod upang mabuo ang ulat.
1. Buksan ang word processor. Gumawa ng bagong dokumento.
2. I-type ang pangalan ng produkto at ilagay ito sa gitna ng papel gamit ang
wastong button sa paragraph alignment.
3. Mag-type ng bagong talata na naglalarawan sa negosyo. Gamitin ang angkop na
alignment para rito.
4. Mag-insert ng photo at gamitin ang text formatting button upang mailagay nang
maayos ang photo kasama ng talata.
5. Mag-insert ng table na nagpapakita ng mga kailangang gastusin sa pagsisimula
ng negosyo. Isulat ang mga pagkakagastusan at ang karampatang halaga ng mga
ito. Maglagay rin ng total.
6. Mag-type ng pangungusap tungkol sa table.
7. Gumawa ng tsart na nagpapakita ng posibleng lingguhang kita sa loob ng
dalawang buwan. I-insert ang tsart sa dokumento at mag-type ng pangungusap
ukol dito.
8. Mag-type ng pangungusap na naghihikayat na karapat-dapat ang
iminungkahing negosyo.
9. I-save ang inyong dokumento.

Reference:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan sa mag-aaral pahina 52-
57

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region VII, Division of Bohol

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address:deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like