Ang Pormula NG Tagumpay NG Tunay Na Manlalaro

You might also like

You are on page 1of 1

Ang Pormula ng Tagumpay ng Tunay na Manlalaro

Madaling makasali sa laro, ngunit ang manalo ay higit pa sa pagsuong sa butas ng karayum; isang suntok
sa buwan ng mga talunan; ngunit sisiw lang sa mga nagtataglay ng galing at talento. Ang mangarap ay
napakababang paglipad, ngunit ang pag-abot nito ay siyang katuparan ng lubos na kasiyahan. Hindi isang
palaisipan ang pag-abot ng tagumpay. Nasa diwa na nating lahat ito, ngunit iilan lamang nagpunla nito
sa kani-kanilang isipan. Ang mga iyon ay taglay ng isang tunay na manlalaro.

Discuss Throw, Shot Put, Javelin


Irish Marcos: Kailangang sumunod parati sa ating mga coach. Kapag practice, practice talaga. Paminsan-
minsa, maaring magpahinga dahil mabigat ang aming itinatapon. Kailangan din ng alaga sa sarili.
Renzo Dayondon: Kailangan ng wastong ensayo sa paglalaro. Warm up palagi para hindi mabinat.

Basketball
Christian Bulawan: Dapat magtiwala sa isa’t isa. Magdasal bago maglaro.
Michael Baranco: Kailangang magtulungan parati ang mga miyembro. Dapat nagkakaiisa. Walang
pasikatan.
Brent Baranco: Ehersisyo ay kailangan din upang hindi madaling mapagod.

Chess
Goldy Heart Santiago: Kailangang pag-isipan palagi ang iyong mga kilos. Hanapin kung saan titira ang
iyong kalaban. Pag-aralan din kung ano-ano ang mga taktikang maaring gamitin.
Lhean Gabriel Borja: Huwag maging kampante sa sarili. Huwag ding masyadong maliitin ang iyong
kalaban.

Track
Hanah Mae Gumban: Dapat making parati kay coach. Palagai rin mag practice para masanay ang iyong
paghinga. Kung kulang ka sa praktis, maiiwanan ka talaga sa daan.
Emalou Banquil: Parati akong nakikinig sa coach. Huwag din sumuko kaagad. Kung kaya pa, kayanin
talaga.
Mae Heart Lecaros: Maging matatag sa sarili. Parating mag-ensayo. Huwag papadaig sa mga kalaban.

Badminton
Angeline Adino: Huwag kabahan. Pag-aralan ang kilos ng kalaban. Mahanap ng tamang oras at puwesto
para umatake. Kapag nakita mo iyon, ibigay ang lahat ng iyon lakas.

You might also like