You are on page 1of 1

Abogado, Marxel S.

XII – ICT 201 Filipino sa Piling Larang

Panuto: Basahin ang akda sa ibaba at suriin ito batay sa sumusunod:

1. Anyo
Ang una kong napansin sa katitikan ng pagpupulong na ito ay gumamit ito ng
aspekto ng pandiwa na naganap na. Ito ay nasa kronolohikal na pagkasunod-sunod
kung saan ang mga adyenda/pinag-usapan pati na rin ang pinagkasunduan mula rito
ay nakaayos mula sa simula hanggang sa wakas ng pagpupulong.

2. Estruktura at Pormat
- Ang katitikan na ito ay nagsimula sa paglalahad ng organisasyon na nagpulong, ang
mga dumalo at di nakadalo sa pulong na ito, at ang saktong oras, petsa, at lugar ito
naganap.

Sunod, ang katawan o nilalaman nito ay ang mga adyendang napag-usapan at ang
mga napagkasunduan o napagpasiyahan mula rito. Ang bahagi na ito ay naka-
tabular na anyo na may dalawang kolum para sa adyenda at ang mga akma nitong
mga kasunduan. Nakasulat ito sa pormal na paraan kung saan hindi ito personal o
gumagamit ng mga mabubulaklak na salita. Itinala lamang dito ang mga mahalagang
impormasyon at hindi kailangang lahatin ang sinabi ng mga nagpulong.

Sa huling bahagi ay sinabi ang oras kung kailan itinindig ang pulong. Pagkatapos
nito ay ang lagda ng nagtala ng katitikan pati na rin ang lagda ng Punong Komisyoner
upang makumpirma kung tama ang impormasyon naisulat sa katitikan.

3. Nilalaman
- Ang unang naitala sa katitikan ng pagpupulong na ito ang organisasyong nagpulong,
ang petsa at oras, at ang tagpuan bilang ang Komisyon ng Wikang Filipino noong
Hunyo 14, 2011 nang 10:30 ng umaga sa Max’s Restaurant. Sunod, itinala ang mga
taong dumalo at hindi dumalo.

- Ang mga adyendang napag-usapan at ang mga napagkasunduan mula rito ay


naihayag. Mahalagang maitala ito sa katitikan upang maipakita ang pagsulong ng
organisasyon mula sa mga nakaraang pulong at para na rin sa pagtalakay sa mga
pulong sa hinaharap kung walang napagkasunduan sa kasalukuyan. Sa huli ay itinala
ang oras kung kailan nagwakas ang pulong.
-
4. Layunin ng pagsulat
- Ang layunin ng pagsulat sa sulating ito ay maglahad ng makatotohanang at tumpak
na impormasyon mula sa pulong. Ito ay impormatibo, at tumutulong sa organisasyon
na maisuri ang kanilang pag-unlad sa paglipas ng panahon. Ito rin ay nakakatulong
maipakita ang pagkamatapat at pananagutan ng organisasyon.

You might also like