You are on page 1of 15

Pagdulog at Pag-unawa

ng mga Teksto sa Iba’t-


Ibang Disiplina
(Pagbasa)
Kahulugan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang aktibong proseso kung saan nagagamit ng
mambabasa ang kaniyang nalalaman sa bokabularyo, wika at ang mga
dating kaalaman.
• Naiuugnay ng mambabasa ang mga impormasyon mula sa teksto sa
kaniyang sariling kaalaman at mula rito, nakakagawa ng panibagong
impormasyon.
• Ang pagbasa ay isang gawain na kung saan mayroong ugnayan ang
mambabasa at ang teksto.
• Masasabi na mahusay at nauunawan ang nabasa hindi sa dami ng
impormasyon na makukuha mula sa teksto kundi sa lalim ng nakuhang
pag-unawa mula sa nabasa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbasa
• Pagkakaroon ng ideya sa kung ano ang kaniyang aasahan
mula sa tekstong babasahin.
• Ang pagbasa ay tungkol sa pang-unawa at pag-unawa sa
teksto.
• Interaskyon ng kaisipan at wika ang pagbasa.
Hakbang sa Pagbasa
(Starr and McKusick, 2002)
• Pagpaplano (planning stage)- mabilisang pagsuri sa ating
sariling kaalaman at sa tekstong pinag-aaralan
• Pagsasagawa (constructing stage) - ang pagsasalin ng
panandalian ng sariling kaisipan at wika mula sa
impormasyong nabasa
• Pagrerebisa (revising stage) - ang pagsasaayos ng pag-
unawa mula sa tekstong nabasa at sariling kaalaman
Estratehiya sa Pagbasa
• Estratehiya 1 : Pag-alam ng Sariling Layunin sa Pagbasa
- Ang pag-alam sa layunin ng pagbasa ay nagbibigay ng direksyon
at kahulugan sa pagbabasa
• Estratehiya 2: Lalim ng Pagbasa
- Dumedepende ang pagbasa sa kung anong sukat ang nais
malaman tungkol sa isang paksa
(hal. keywords)
• Estratehiya 3 : Kasanayan sa Aktibong Pagbasa
- Klase ng atensyon na iyong ibinibigay sa pagbabasa at kung
paano nagagamit ang dating kaalaman sa bagong impormasyon
na nalaman mula sa teksto
• Estratehiya 4: Paggamit ng Lehitimo at Angkop na Babasahin
- Pagtiyak na ng mga tekstong kailangan gamitin sa pagbasa ay
naipapaloob dito ang mga paksang kailangang malaman at dumaan sa
masusing pag-aaral at disiplina mula sa awtor.
(hal. peryodiko, journal articles, aklat, magasin, atbp.)

NO TO FAKE NEWS!!!
• Estratehiya 5: Paggamit ng Glosari ng Tiyak na Disiplina
- Ang pagsusuri ng glosari ay mahalaga upang malaman kung ang paksa
ay nasa babasahin na teksto
Prosesong Sikolohikal sa Pagbasa
Iskema - Ang istrukturang mental na nangangatawan sa
ating pangkalahatang konsepto ng ating kaalaman at
memorya.
Prosesong Sikolohikal sa Pagbasa
Iskemata- Ang organisadong dating kaalaman na
gumagabay sa sariling interpretasyon mula sa
impormasyon na nasa iyong harapan.
Interaktibong Pagbasa
• Pakikisangkot ng mambabasa sa teksto at paggamit ng
dating kaalaman upang makabuo at makakuha ng bagong
kaisipan at impormasyon.
Mga Teorya sa Interaktibong Pagbasa
• Top- Down- Ang mga impormasyon na nakukuha ay nagmumula sa teskto
patungo sa mambabasa.
- Isa sa mga limitasyon nito ay nakasalalay ito sa pagkagamay ng mambabasa
sa wika.
(hal. Pinapabasa ng guro sa kanyang mga mag-aaral ang Kabanata 7 ng Noli Mi
Tangere)
• Bottom-Up - Ang pagbasa ay nagmumula sa dating kaalaman patungo sa
teksto.
-Ang isa sa mga kagandahan nito ay nagkakaroon ng malinaw na direksyon at
napapagana ng mambabasa ang kaniyang isip habang kumukuha ng
panibagong impormasyon.

(hal. Napanood mo muna ang Harry Potter na mga pelikula bago mo nabasa
ang libro)
Metakognitiv na Pagbasa
• Ang pananaw kung saan sinusuri ang kondisyon ng kaisipan
bago bumasa.
• Kinokonsidera ang kahandaan, estado ng pag-
iisip,kapaligiran at lebel ng pag-unawa ng mambabasa.
• Ito ay epektibo lalo na sa pang-akademiko na gawain gaya
ng pananaliksik dahil nasusulit ang pagkatuto at pagtuturo
ng mga paksa.
Mahahalagang Aral
• Ang pagbasa ay isang proseso. Hindi ito nalilimitahan sa
kung paano lang natin nababasa ang mga salita at kung
alam ba natin ang kahulugan nito kundi sa ating pag-unawa
sa pangkalahatan ng teksto at paggamit ng ating mga
sariling kaisipan at kaalaman.
• Ang pagbasa ay balanse ng pagtanggap at pagbalik ng
impormasyon at pagbuo ng panibagong ideya mula sa
sariling kaalaman at bagong impormasyon na nabasa.
Batayan:
• Din, R. A., & Aranda-Recto, Ma. R. (2010).
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (1st
ed.). Goal Center Publishing Inc.

You might also like