Professional Documents
Culture Documents
METODOLOHIYA
METODOLOHIYA
⭐Kuwalitatibo - Ang metodolohiya kung ang datos na hinihingi ay hinggil sa opinyon, persepsiyon, at
pananaw ng mga kalahok sa pamamagitan ng panayam, focus group discussion, obserbasyon, at
paglahok-obserbasyon.
⭐Kuwantitatibo - Ang metodolohiya kung ang hinihinging datos ay empirikal batay sa persepsiyon,
pananaw, at pagtataya ng mga kalahok sa pamamagitan ng sarbeu at paggamit ng estadistika.
⭐Pinagsamang metodolohiya - Ang metodolohiya kung ginamit ang parehong uri sa kabuuan ng
pananaliksik upang makita sa ibat ibang anggulo o perspektiba ang magiging resulta ng pag-aaral
⭐Pananaliksik sinupan - Ito ay paghahanap ng mga materyal tulad ng aklat, dyournal, pahayagan, at
magasin sa loob ng silid-aklatan.
⭐Oral na kasaysayan - Ginagamit ito ng mga historyador upang saliksikin ang impormasyong nagmula
mismo sa mga tanong kasangkot sa mga nakaraan nang panghayari o pangyayaring malaki ang naging
ambag ng kasaysayan.
⭐Panayam - Ginagamit ito upang maisalaysay nalang muli ang kanilang pakikisangot at ang pangyayaring
nakatak sa kanilang isipan
⭐Panunuring pampanitikan - Karaniwang binabasa natin ang isang akda upang malaman ng kuwento at
maaliw rito.
⭐Pilosopikal na analisis - Sa mga magaaral ng pilosopiya, binibigyang pansin ang lohikal na argumento at
ang kritikal na pagsusuri sa diskurso, panananaw, at kaisipan na tumatalakay sa mga pilosopikal na
tanong.
⭐Paglahok obserbasyon - Ang obserbasyon ay ginagawa upang tingnan o saksihan ang isang
pangyayaring kasulukuyang nagaganap.
⭐Focus Group Discussion - Ito ay isang uri ng panayam na may 4 hanggang 16 na kalahok.
⭐Empirikal - Siyentipikong pagaaral ng tao sa kanyang sarili, lipunan, kaisipan, pag-unlad, at kapakanan
gamit ang estadistika at metodong kuwantitatibo
⭐Konsepto - Ito ay tumutukoy sa paliwanag o pananaw na nabuo bunga ng malalim o masusing pag-iisip.
⭐Teorya - Ito ay sistematikong binubuo ng mga konsepto o ideya upang ipaliwang ang relasyon ng mga
bagay, sanhi at bunga
⭐Pagsipi - Ito ang masinop na paggamit ng impormasyon, datos, o ideya mula sa isang sanggunian.
⭐Bibliograpiya - Ang tawag sa listahan ng sanggunian
⭐Di-tuwirang - Ito ay pagtukoy sa tesis o pangunahing ideya ng aklat o anumang sanggunian. Inilagay
lamang ang apelyido ng may akda at ang taon ng paglimbag ng kanyang inakda.
⭐Tuwirang - Ito ay paglalagay ng panipi sa siniping aktuwal na pahayag, impormasyon, datos, o detalye
mula sa isang sanggunian.
⭐APA - Estilong madalas gamitin sa mga paper pananaliksik sa larangan ng sikolohiya at iba pang
disciplina ng Agham Panlipunan.