You are on page 1of 1

Posisyong Papel Bilang 2

Ang Pananaliksik Bilang Mahalagang Batis ng Impormasyon sa


Komunikasyon

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral patungkol sa


isang paksa. Sa prosesong ito naisasagawa ang paghahanap ng kaalaman
o impormasyon na makatutulong uoang masagot ang ilang katanungan
at dito mabubuo ang isang konklusyon na magbibigay-sagot sa
hinahanap na kaalaman ng isang mananaliksik.

Ang impormasyon ay isang katotohanan na nabubuo sa pamamagitan ng


pagkalap at pagproseso ng mga datos. Ito ay ang kaalaman na patungkol
sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.

Marami tayong pinagkukunan ng impormasyon. Mula sa mga aklat,


midya, internet, paaralan, bahay o base sa sariling obserbasyon. Ang
pananaliksik man ay nabibilang din sa mga bagay na pinagkukunan ng
impormasyon. Ang mga impormasyon na nakukuha rito ay base sa mga
datos na kinalap at isinailalim sa imbestigasyon o obserbasyon. Ito ay
sinusuportahan ng mga ebidensya na kinalap mula sa mga lehitimong
resources. Mahalaga na lehitimo ang mga ebidensya dahil dito
nakabatay ang magiging konklusyon ng isang pananaliksik. At dahil ang
pananaliksik ay sinusuportahan ng lehitimong ebidensya at masusing
obserbasyon, isa rin ito sa mahahalagang batis na pinagmumulan ng
impormasyon. Maari itong suportahan ang iba pang pananaliksik na may
kinalaman sa paksa nito. At higit sa lahat, ang impormasyon na nakalap
dito ay maaari ring gamitin sa paggawa ng mga bagay na makatutulong
sa lipunan.

You might also like