You are on page 1of 3

Bakit kailangan ang pagkakalap ng impormasyon?

(Ang naka-highlight na dilaw ay ilalagay sa PPT)

“Magandang umaga Gng. Soriano. Magandang umaga mga kamag-aral, Ako si


Kenneth Scruggs at aking tatalakayin ang kahalagahan ng pangangalap ng
impormasyon”
“Bago ako pumunta sa paksang-diwa ng aking talakayin, magkakaroon muna tayo ng
balik-aral o mga konteksyong kailangan alamin”
“Unang-una, ano ba ang kinakalap natin?”
Datos –
Ayon sa Merriam-Webster (n.d.), mga tunay impormasyon (katulad ng mga sukat
o istatistika) na ginagamit bilang basihan sa pangangatuwiran, talakayan o pagkalkula.
“Subalit, ang karaniwang tawag natin sa datos ay hindi naman datos kundi RRL, NA
nangangahulugang:”
R – Review of
R – Related
L – Literature
“Eh, ano naman ang ibigsabihin ng RRL?”
Ayon sa Editage Insights (2020), ang isang “review of related literature” (RRL) ay
isang detalyadong pagsusuri sa mga kasalukuyang panitikan na kaugnay ng paksa ng
tisis o pananaliksik. Sa isang RRL, mapag-uusapan ang mga kaalaman at mga
natuklasan mo sa mga umiiral na panitikan konektado sa inyong paksang-aralin.
“Alam na natin kung ano ang datos o RRL, pero paano naman natin to malalaman kung
maganda ito o ano ba ang batayan kung ito ay makabuluhan o magandang basehan ng
ating pananaliksik? Dito naman papasok si “Data Quality”.
Ayon sa Wikipedia (n.d.), ang “Data Quality” ay tumutukoy sa dami at husay ng
isang bahagi ng impormasyon. Masasabing makabuluhan ang nakalap mong
impormasyon kung ito ay:
- Realistic / Sumasalamin sa totoong buhay
- Applicable / Magagamit sa totoong buhay
“Dito naman, hindi lang kathang-isip yung ideya. Kung baga, posibleng-posible itong
gawin sa totoong buhay”
- Substantial in number / Marami
“Kapag marami naman, ibigsabihin napag-aralan na ito ng maraming eksperto o
dalubhasa ng maraming beses. TRIED, TESTED, PROVEN”
- Data Consistency / Hindi nagbabago ang kinalalabasan (Dito, dapat ang natuklasang
kaalaman ay dapat replicable o kung ulitin mo ang isang pananaliksik o eksperemento
ay pareho pa rin ang resultang makukuha)
- Data Governance & Data Cleansing / Pagsasaayos at paglilinis ng mga datos (Ito
yung mga patuntunan o “standards”, mga regulasyon at batas upang masabing tama ba
yung datos. Halimbawa, yung ph scale)
“Tapos na tayo sa konteksto, pumaroon naman tayo sa paksang-aralin kung bakit
importante ang pangangalap ng impormasyon:”
1. Pagiging Obhektibo
~ Pero, una ano nga ba ang kahulugan ng “Obhektibo”
Ayon sa Lexico (n.d.), (Ang tao o ang kanilang paghahatol) ay walang
impluwensya ng sariling damdamin o kuro-kuro sa pagsasalang-alang ng katotohanan.
(https://www.lexico.com/definition/objective)
Ayon naman sa Cambridge Dictionary (n.d.), base sa mga totoong datos at hindi
naiimpluwensyahan ng pansariling paniniwala o damdamin
(https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/objective)
Ayon din sa Merriam-Webster (n.d.), nagpapahayag ng mga katotohanan o
kondisyon sa paraang kung paano ito nakita, naamoy, nalasahan, narinig, naramdaman
o “perceived” liban dito ang pagbabaluktot ng pansariling damdamin, kinikilingan o
pagkakaintindi. (https://www.merriam-webster.com/dictionary/objective)
Sa kabuuan, ang ibigsabihin ng obhektibo o pagiging obhektibo ay ang
pagtatakwil sa pansariling pananaw, paniniwala, interpretasyon, damdamin at ideya
upang masala ang katotohanan sa mga datos, resulta at nakalap na mga impormasyon.
“Ngayon alam na natin ang depinisyon ng “Obhektibo”, alamin naman natin ang halaga
nito sa mga pananaliksik:”
A. Naglalaman ng makatotohanan at napapanahong mga datos
“Kapag Obhektibo ang pananaliksik ito ay sumasalamin sa mga tunay at napapanahong
datos”
B. Pina-tunayan at Pina-niniwalaan ng mga eksperto
“Hindi lamang isa o dalawa kung hindi maraming dalubhasa ang nagsasabing totoo ang
pahayag mo”
“Ikalawa, ang matuturing na isa sa mga pangunahing layunin ng mga nakakalap na
mga impormasyon ang pagbibigay suporta”
2. Suporta
A. Masasabi mo yung gusto mo
(Technique: Ilagay mo sa pananaliksik yung gusto mo sabihin saka mo hanapin yung
mga RRL na sumusuporta roon)
“Ikatlo”
3. Paglalim ng kaalaman
A. Mga Kulang
“Para malaman at matakpan ang mga butas sa pananaliksik”
B. Alternatibo
“Upang makita kung may iba pang mga paraan”
C. Paglilinaw
“Kapatid ng paghahanap ng mga kulang, binubuo mo lang dito yung idea mo”
“Halimbawa, alam mo na ang araw ay mainit pero gaano ba ito ka init, hahanapin mo
yung espesipikong sukat kung anong ito kainit”
D. Mga Pinaka
“Syempre depende sa limitasyon o “scope and limitations” ng pananaliksik nyo pero
kadalasan sa mga pananaliksik hinahanap yung pinaka-mura, pinaka-madaling paraan,
pinaka-epektibo, at iba pang pinaka”
“Maraming Salamat sa pakikikinig sa akin, dito nagtatapos ang aking bahagi”

You might also like