You are on page 1of 1

Bugtong

Inigo Ed. Regalado

May isang dalagang may buwan sa dibdib,


may-tala sa noo na kaakit-akit,
nang aking makita’y natutong humibik,
nabinhi sa puro ang isang pag-ibig!

May isang binatang may luha sa mata,


may tinik sa puso at tigib ng dusa,
ang binatang ito nang iyong makita
nakaramdam ka rin ng munting balsa.

May isang babae matigas ang puso,


Sa ano mang taghoy, hindi kumikibo,
kapag nag-iisa, luha’y tumutulo
may lihin na awa sa namimintuho…

May isang lalaking matibay ang dibdib,


Sa bayo ng dusa’y marunong magtiis;
ma-gabi, ma-araw walang iniisip
kundi makarating sa pinto ng langit.

Ito’y isang bugtong na may-kagaanan,


ngunit pusta tayo, di mo matuturan,
ang dahilan ay di sa hindi mo alam
kundi sa ugaling matumpiing tunay.

Ngunit balang araw di mo matitiis


na di ipagtapat ang laman ng dibdib,
ang bugtong ko naman sabay isusulit
na ang kahuluga’y tayo sa pag-ibig.

You might also like