You are on page 1of 1

Ang dato o datos, anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.

Ito
ang pangungusap na tinanggap ang kanyang kayarian (isang "bigay"). Kabilang ang
mga pagsusukat o pagmamasid ng isang pabagu-bago (variable) sa mga malalaking uri
ng mga mahalagang pangungusap. Maaaring binubuo ng mga bilang, salita, o larawan
ang mga ganoong pangungusap. Ang pariralang Ingles na verifiable data (mga datong
napapatunayan) ay tumutukoy sa mga dato na maaaring gayahin (replikasyon) ng iba
pang mga tagapag-eksperimento.[1]
Ang datos, impormasyon at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay, subalit bawat
isa ay may sariling gamit kaugnay ng isa. Ang datos ay kinokolekta at sinusuri upang
makagawa ng impormasyong naaayon para makagawa ng desisyon, habang ang
kaalaman naman’y mula sa maramihang karanasang may kinalaman sa impormasyong
may paksa. Halimbawa, ang taas ng Mt. Everest ay karaniwang itinuturing na datos.
Ang datos na ito ay maaaring isama sa isang aklat kasama ng ibang datos ng Mt.
Everest upang mailarawan ang bundok sa paraang mapakikinabangan para sa mga
taong nagnanais gumawa ng desisyon sa pinakamabuting paraan para akyatin ito. Ang
paggamit ng pag-unawang nakabase sa karanasan sa pag-akyat ng mga bundok upang
magpayo sa mga taong papunta para maabot ang tuktok ng Mt. Everest ay maituturing
na “kaalaman”
Ang “impormasyon” ay nagkaroroon ng pagkakaiba ng mga kahulugan na sumasakop
mula pangaraw-araw hanggang teknikal. Sa makatuwid, ang konsepto ng impormasyon
ay may kaugnayan sa mga palagay ng limitasyon, komunikasyon, kontrol, datos, anyo,
direksyon, kaalaman, kahulugan, mental na pampabuhay, padron, persepsyon at
representasyon.
Ginagamit din ni Beynon-Davis ang konsepto ng tanda upang malaman ang pinagkaiba
ng datos at impormasyon; datos ay serye ng mga simbolo habang ang impormasyon ay
tuwing ang mga simbolo ay ginagamit upang iugnay sa isang bagay.

You might also like