You are on page 1of 3

Ang focus group discussion ay 

isang kwalitatibong metodo ng pangangalap ng


impormasyon kung saan ang isang sinanay na moderator ay nagsasagawa ng
kolektibong panayam ng karaniwang anim hanggang labin-dalawang kalahok na
mayroong magkatulad na background, demograpikong katangian, at/o mga
karansan.
Ginagamit ang FGD sa mga kwalitatibong pananaliksik upang makakalap ng
impormasyon mula sa opinyon, ideya, paniniwala, at/o saloobin ng mga kalahok
tungkol sa isang isyu o paksa.
Kung sa interbyu ay isa lamang ang kinakapanayam sa bawat pagkakataon, sa FGD ay
anim hanggang walong kalahok ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang higit na
maging swabe at magaan ang interbyu, kung saan bukod sa may moderator na
nagunguna o nagfafacilitate sa panayam, karaniwang mas makapagpapahayag ng
saloobin ang mga tao o kalahok kung sila’y magkakasama at magkaugnay ang kani-
kanilang katangian at karanassan.
Narito ang mgahakbang or proseso sa pag-gawa ng FDG
Hakbang sa Pag-gawa ng Focus Group Discussion
1. Linawin ang layunin ng FGD
Kinakailangan ang malinaw na kaalaman sa layunin ng pag-gawa ng FGD ukol sa
pananaliksik na iyong nais gawin. Kapag malinaw ang layunin ng FGD, tiyak na
makakagawa ka ng mga pangunahing o relevant na mga tanong na makakatulong
upang makakuha ng mga kinakailangang datos mula sa mga sagot ng iyong research
respondents.
2. Kilalanin ang uri ng mga respondente o kalahok na kinakailangan ayon sa pag-
aaral.
Mahalagang matukoy natin ang uri ng respondete o kalahok na nais nating mapabilang
sa isang FGD. Kinakailangan rin na ang uri ng kalahok sa FGD ay ang mga taong
makakatulong o makapagbibigay ng kailangang datos na may kaugnayan sa ating
pananaliksik. Maaaring ang mga kalahok ay may sinasabing prior knowledge o
kaalaman at/o interes sa paksa ng ating pananaliksik. Halimbawa, kung ang isang
pananaliksik ay nakapalibot sa mga karanasan ng part-time job students, mga mag-
aaral na may part-time job ang ating hahanapin o i-rerecruit na maisali sa isang FGD,
hindi mga ordinaryong tao lamang.
3. Gumawa ng mga pangunahing tanong sa pananaliksik/pagsusuri.
Ngayon kung may malinaw ka nang layunin sa pagsagawa ng FGD at mga
respondents na tiyak na makapagbibigay ng kinakailangan impormasyon,
kinakailangan ring ang mga uri ng katanungan ay may kaugnayan o related sa paksa
ng ating pananalilksik, kung saan ang mga katanungang ito ay nakatuon sa opinyon,
ideya, paniniwala, at/o mga saloobin ng mga kalahok. Ang pagtatanong ng mga tanong
na walang kinalaman o hindi magkaugnay sa paksa ng ating pananaliksik ay walang
saysay, o di kaya’y makalilito lamang sa mga kalahok.

4. Ihanda ang mga instrumento o pamamaraang kailangan upang ma-irecord ang


panayam.
Maaaring magtala or magnotes sa isang FGD subalit mas inirerekomenda na gumamit
ng recorder upang mas detalyado ang makukuhang impormasyon. Maaari ring ipaalam
o humingi ng pahintulot sa mga kalahok sa FGD na ang panayam ay recorded para sa
confidentiality purposes.
5. Pag-aralan ang Datos at Resulta ng FGD
Sa pagsusuri o pag-aaral ng datos at resulta ng FGD, bilang isang parte o step sa
pagsasagawa ng pananaliksik, ang transcription ay kinakailangan. Alam naman natin
siguro noh kung ano ang transcription; so ang transcription ay isang dokumentong
naglalaman ng lahat lahat o word-for-word na datos mula sa isang panayam.. So sa
mga kwalitatibong pananaliksik, ginagamit ang sinasabing thematic analysis kung saan
sinusuri lahat ng mga sagot ng mga kalahok mula sa FGD bilang isang metodo, upang
makuha ang sinasabing tema at kahulugan ng temang ito.
At yun lamang po para sa aking parte sa ating talakayan, dumako naman tayo sa
susunod na paksa na itatalakay sa atin ni binibining Castillo. Maraming salamat.
IHANDA ANG MGA
INSTRUMENTO O
PAMAMARAANG
KAILANGAN UPANG MA-
IRECORD ANG
PANAYAM.

KILALANIN ANG URI NG


MGA RESPONDENTE O
KALAHOK NA
KINAKAILANGAN AYON
SA
PAG-AARAL.

PAG-ARALAN ANG
DATOS AT RESULTA NG
FGD

GUMAWA NG MGA
PANGUNAHING TANONG SA
PANANALIKSIK/
PAGSUSURI.

LINAWIN ANG LAYUNIN NG


FGD

You might also like