You are on page 1of 3

“Epekto ng regular na Pag-aabsent ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaraalan

ng Mangudadato. Isang Pagsusuri ng mga Dahialn at Konsekwensya .“

Chapter:1 Abstrak

Ang "regular na pag-aabsent" ay naglalarawan ng kadalasang kaganapan o ugali kung saan


ang isang tao, lalo na isang mag-aaral, ay madalas o palaging hindi nag-aattend sa kanyang
mga klase o gawain nang walang sapat na dahilan. Ito ay nagpapakita ng isang pattern o kahit
isang ugali na kadalasang nae-engage sa hindi pagsipot sa takdang oras o araw.

Ang regular na pag-aabsent ay maaaring magkaruon ng iba't ibang dahilan, tulad ng


karamdaman, personal na suliranin, kakulangan ng interes, o iba pang mga bagay na maaaring
nakakaapekto sa presensya ng isang tao sa kanyang obligasyon o gawain. Ang pagiging
regular na absent ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa akademikong tagumpay at
pangmatagalang tagumpay ng isang mag-aaral.

Ang pag-aabsent ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay isang problema na patuloy na


humaharap ng sektor ng edukasyon. Ang mga mag-aaral na regular na hindi nag-aattend ng
klase ay nanganganib na mawalan ng mahahalagang pagkakataon para sa pag-aaral at pag-
unlad. Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epekto ng regular na pag-aabsent sa
akademikong tagumpay ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan.

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng datos mula sa mga estudyante, guro, at iba pang sangkap
ng paaralan, inilahad sa pananaliksik ang mga posibleng dahilan ng pag-aabsent at ang epekto
nito sa akademikong performance ng mga mag-aaral. Pinagtuunan din ng pag-aaral ang mga
aspeto ng personal na buhay, gaya ng kahalagahan ng disiplina at motibasyon, na maaaring
makatulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na ito.

Ang mga natuklasang impormasyon ay naglalayong magbigay-liwanag sa mga guro,


magulang, at iba pang stakeholder sa edukasyon upang maunawaan ang kahalagahan ng
pagtutok sa problemang ito. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga epekto ng regular na pag-
aabsent, naglalayon ang pananaliksik na magbigay ng mga rekomendasyon at solusyon upang
mapabuti ang kahalagahan ng regular na pag-attend sa mataas na paaralan at higit pang
makatulong sa pagpapabuti ng edukasyon.

Sa panahon ng pag-aaral, ang kadalasang pag-liliban ay maaaring magkaruon ng seryusong


implikasyon sa academic performance at buhay ng mga mag-aaral. Ang pagsusuri na ito ay
naglalayong bigyang-diin ang mga dahilan kung bakit madalas mag-liliban ang mga mag-aaral
sa Mangudadatu National High School at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay.

Mahalaga ang pag-unawa at pagtukoy sa mga dahilan ng regular na pag-aabsent


upang mahanap ang mga tamang solusyon at suporta. Maaaring kailangan ng mga
indibidwal na madalas na absent ng tulong, mula sa paaralan, pamilya, o iba pang mga
mapagkukunan ng suporta, upang malabanan ang mga isyu na maaaring nagdudulot
ng hindi regular na presensya sa mga gawain o responsibilidad.

Statement of the problem


KONSEPTUWAL NG BALANGKAS

You might also like