You are on page 1of 6

Unang Baitang Pangkat Love (Gng. Olive C.

Merin)
Ang balintawak o Patadyong ay nagmula sa Bugasong, isang kolonyal na lugar sa
Antique. Kalimitang disenyo nito ay kwadrado, na kalimitang ginagamit ng mga
kababaihan dito sa Pilipinas. May mga patadyong na hinahaluan ng telang gawa sa seda
upang mas lumitaw ang ganda at disenyo nito.
* kimona ay isang damit ng Kababaihan sa Pilipinas. Isa itong maluwag na blusang
may katernong palda/patadyong mga Pilipina.
Ang lalaki ay nakasuot ng puting camisa tsino at pulang salawal o pantalon.
Naglalagay sila ng triyanggulong panyo na kulay pula paikot sa kanilang leeg.
Magandang Umaga = Mayad-ayad nga adlaw!

Ikalawang Baitang Pangkat Sincerity (Bb. Francis Laguna)


Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na
binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at
kadalasang guhitan. Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang
nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o
kaya'y sa kanilang dibdib. Ang pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na
takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan,
sa kanilang pagdaong sa bansa.
Sa paglipas ng panahon ang barot saya ay nagkaroon ng uri. Ang uring terno ay
pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Rumualdez Marcos. Ang tern ay may mataas
na manggas na tulad ng suot ng ikalawang baitang.
Ang Barong Tagalog ay isang binurdahang pantaas na baro at kinikilalang
pambansang kasuotang panlalaki sa Pilipinas. Unang tinawag na baro ngTagalog, ang
kasuotang ito ay may apat na siglo na ring ginagamit sa bansa at patuloy na
pinapaganda upang masabayan ang pagbabago ng lipunan.
Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa
isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga
lalaking Pilipino.

Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating


Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling
mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas.
Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating
Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975.

Magandang umaga = Maupay nga aga!


Ikatlong Baitang Pangkat Humility (Gng. Medylyn C. Narvaez)
Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila
sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan
sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga,
at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na
etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc,
Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey.
Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa
kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang
kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mayaman sila sa kultura at
paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.
Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang
patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa
Ifugao.

ang mga babae ay nag susuot ng mga makukulay na patadyong o mahahabang


palda

nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at palayok sa ulo

ang mga lalaki naman ay bahag.

Magandang Umaga = Maphod an nawiit! / Maphod di bigat mo

Ikaapat na Baitang Pangkat Hope (G. Eagle M. Villarosa)

Ang Tinalak o T'nalak ay isang uri ng telang gawa sa abaka. Ito ay ekslusiboong
nililikha na mga etnikong T'boli sa Timog Kotabato, Mindanao, sa Pilipinas. Ang T'nalak ay
hindi lamang isang ordinaryong tela para sa mga T'boli. Ito ay sumisimbolo ng kanilang
mainit na pagtanggap sa sinumang panauhin ng isang pamilyang T'boli. Ito rin ay
nagsisilbing simbolo ng katayuan ng isang T'boli sa lipunan.
Ang paggawa ng T'nalak ay pamana mula sa mga sinaunang T'boli para sa
nakakabatang henerasyon. Mahalagang kayaman ang kaalaman sa paghahabi ng T'nalak
para sa mga babae. Ito rin ay isang mahalagang kayamanan na maaring ipagpalit sa
araw ng mga kasal. Ginagamit din itong pantakip para sa ligtas na panganganak.
Gumagamit ang mga T'boli ng isang tina na nagmula sa mga gulay at mga natural
na pigment mula sa mga kahoy upang ipangkulay sa mga nagawang tela. Ang kulay na
pula at itim ang malimit na ginagamit ng mga T'boli sa paggawa. Ang kulay na pula ay
sumisimbolo sa katapangan, pag-ibig at pangako samantalang ang kulay itim naman ay
sumisimbolo ng kahirapan, pakikipaglaban at tiyaga.
Ang mga pattern ng tela ay iba-iba at walang katulad. Walang anumang patern na
sinusunod ang mga Tboli. Bago maghabi, wala rin silang ginuguhit na anumang patern
na susundin. Pinaniniwalaan nilang ang disenyo ng kanilang T'nalak ay ayon sa mga
disenyong napanaginipan nila at kanilang namana mula sa kanilang mga ninuno.
Magandang Umaga = Hyu hlafus!

Ikalimang Baitang Pangkat Courage (G. Marvin D. Sumalbag)


Isa sa mga uri ng baro't saya ay ang Maria Clara, na may dagdag
na alampay o pauelo, na nakabalot sa balikat.

Higit na bibinigyang-pansin sa paggawa ang maluwag pang-itaas na terno ng saya,


ang camisa o baro. Mas manipis ang telang gamit dito, na karaniwan ay yari sa jusi,
pinya o abaca kahalintulad ng ginagamit sa paggawa ng Barong Tagalog. Ito ay
binuburdahan ng iba't ibang disenyo gaya ng dahon, bulaklak, puno at iba pa na
kadalasan ay hango sa kalikasan. Nilalagyan din ito ng mga maliliit na butil ng
makukulay na kristal at maliliit na sigay. Kung minsan, ang tagusang kulay ng baro ay
kinukulayan upang bagayan ang tingkad ng saya nito. Upang higit na matakpan ang
bahagi ng dibdib ay pinapatungan pa ito ng isang kuwadradong panyolito na tinatawag
na alampay. Isang halimbawa ay si Teodora Alonzo, ang ina ni Jose Rizal, na nagsusuot
ng de-alampay na baro't saya. Sinasabing iwinangis ang animo paru-paru na manggas
ng baro sa kasuotan ng Nuestra Seora de las Remedios.
Ang Barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may
mga okasyon.. Ito ay mas kilala sa pangalang "barong" na mula sa salitang "baro" na
ang ibig sabihin ay damit.
Sa kulturang Pilipino ngayon, ang Barong ay ginagamit na uniporme ng mga
mangagawa sa pamahalaan at sa ibang mga pribadong opisina. Ang mga mamahalin at
mas magarbong barong ay ginagamit sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng kasalan,
binyagan at pistahan. Ito ay naiiba noong panahon na kung saan ang barong ay sinusuot
ng mga Pilipinong mababa ang kalagayan sa lipunan.
Noong panahon ng mga kastila, ang pagsusuot ng barong ay isa sa mga tuntunin
ng ipinatupad ng pamahalaang kastila na ang lahat ng mga Pilipino ay kailangang
magsuot ng pangkasuotang tradisyonal. Ito ay naisakatuparan dahil sa noong panahon
ng mga kastila nakikita ang kalagayan ng isang tao sa lipunan sa pamamagitan ng
kanyang kasuotan.
Ang tuntunin na ito ay may praktikal at kagamitang pansosyal. Lahat ng
materyales na ginagamit sa paggawa ng barong ay kinakailangang manipis na halos
makita ang katawan ng nagsusuot. Ang dahilan nito ay para maiwasan ng mga Pilipino
ang magtago ng anumang sandatang puwedeng magamit laban sa mga kastila.
Ipinagbawal din ang paglagay ng mga bulsa. Ang patakarang ito ay naghubog sa
kasalukuyang disenyo at itsura ng barong.

Ang pagsuot ng magarbong barong ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at


makikitang isinusuot nang pangkaramihan at hindi na lamang ng mga mayayaman.
Noong panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, inilunsad ang "Araw ng Barong."
Sa kasalukuyan, ang Barong ay ginagamit bilang pagpapahalaga sa sariling bayan
at kultura.
Magandang Umaga = Isang mapagpalang araw po sa inyo mga ginoo at

binibini!

Ikaanim na Baitang Pangkat Loyalty (Gng. Nena L. Yu)

Ang mga Muslim ay kilala dahil sa kanilang kakaibang kultura at paniniwala. Isa
sa mga kulturang muslim ay ang kanilang mga magaganda at makukulay na mga
kasuotan na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno.
Ang pinaka-kilalang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim ay ang Malong,
isang malaki at makulay na telang pinagtagpi na karaniwang ginagamit na pambalot sa
katawan. Karaniwan, sinusuot ito ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas
na dulo ay nakatagpi sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman,
sinusuot ito na nakapaligid sa baywang tulad ng isang palda.
Ang malong ay may maraming gamit depende sa pangangailangan ng
tagapagsuot. Maaari din itong gamitin bilang isang amerikana, kappa, kumot, o payong.
Ang mga Maranao at Maguindanao ay sinusuot ito sa loob ng isang blusa na kung
tawagin ay arbita.
Ang Patadyong ay isang uri ng malong na makikita sa Sulu. Ito ay mas maliliit at
kahawig nito ang sarong na sinusuot sa Indonesia at Malaysia. Makikita itong nakapalibot
sa ulo ng mga kababaihan o kayay ginagamit na palamuti sa kanilang katawan. Ang
Sawal naman o kantyu isang maluwag at malaking pantalon na gawa sa malambot
na tela na sinusuot sa mga babae at lalaki. Ang mga lalaki, sinusuot ang Sawal pares ang
polo-shirt habang ang mga babae ay sinusuot ito kasama ng sambra, isang V-neck na

blusa. Karaniwang ginagamit ito kahit ng mga hindi Muslim kung pumupunta sa mga
pam-publikong paliguan.

Magandang Umaga = Gempia taasendaw!

You might also like