DUMATING ANG MGA KASTILA Bago pa man dumating ang mga Kastila, noong unang panahon ang mga Negrito o Ita, Instik, Persiano, Bumbay, Malacca, Indones at Malay ang siyang mamamayan ng Pilipinas. May sariling sistema ng pamahalaan, edukasyon, hanapbuhay, paniniwala at tradisyon. Sinasabing nasa sangandaan ang Pilipinas ng rutang pangkalakalan kayat ang mga Pilipino ay may magandang ugnayan sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay binubuo nang ibat – ibang pulo ng pamayanan. Dito nabuo ang sibilisasyon. Ang bawat pamayanan ay may kanya kanyang kinaroroonan at laki depende sa pamilyang naninirahan. Karaniwang matatagpuan ang malaking pamayanan sa mga baybaying dagat. Ang iba naman ay nasa kapatagan at kabundukan. Sinasabing ang ating mga ninuno ay napag- alamang masipag, matapat, hindi nanglalamang ng kapwa, at magiliw sa mga panauhin noon pa man. Pahayag rin na ang sibilisasyon ng Pilipino ay sadyang puno ng kaalaman, ibat – ibang katangian, masaganang pangkabuhayan, at makasaysayang pangyayari bago datnin ng mga Kastila. HANAPBUHAY Kadalasan ang hanapbuhay ng mga tao noon ay ang pagtanim ng mga palay, pangangaso, pangingisda,pagkakaingin at pakikipag-kalakalan. Ipinagpapalit nila ang mga palay, lamang dagat, pampalasa, banga at iba pang mga produktong luwad para sa mga porselana, alahas, at iba pang mga produkto sa karatig bansa. Dahil ang Pilipinas ay napapalibutan ng karagatan, kalimitan ang mga tao at migrasyonsa ay nagbibiyahe gamit ang sasakyang pang dagat. Dahil sa ganda at yaman ng Pilipinas marami sa mga dayuhan ang nanirahan at namuhunan. PAMAHALAAN Karaniwan sa mga Pilipino noong panahon na iyon ay ginugrupo sila sa isang baranggay. Ang baranggay ay pinamumunuan ng mga Datu. Mula 30 hanggang 100 daan pamilya ang nasa baranggay. May sarili rin silang batas na ipinapatupad ng datu o kaya ng conseho ng matatanda. Sa isang baranggay, ang datu ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa lipunan. Sunod ang Maharlika o mga mayayaman at tumtayo ring mga tagapagtanggol ng baranggay. Ang timawa ang pangatlo. Sila ang malayang tao. Ang pinaka- baba naman ang mga alipin na may dalawang klase. Ang aliping namamahay na may sariling kaanak, tahanan at naglilinkod lang kung kailang siya kailangan ng kanyang may-ari. Samantala, ang aliping sagigilid naman ay walang sariling pagmamay-ari. Nagiging alipin ang isang tao dahil naipoit siya sa paglalaban ng dalawang baranngay o kaya’y dahil sa pagkautang. PANANAMIT Ang kasuotan noon ay naibahagi ng mga katutubong Malay at ang iba naman ay naibahagi ng pakinabang ng Kapaligiran. Noon pa ma’y meron ng sinusunod na basehan kung ano ang dapat suotin. Base sa dalawang Classes, Upper Class at Lower Class. Sa Lalaki – ang kanilang sinusuot pang itaas (upper class) ay dyaket na may maikling manggas, may basehan ng ranggo ang bawat kulay nito: Kulay pula ang suot ng kanilang pinuno samantalang Itim at Asul naman sa kanilang nasasakupan. Ang kanilang sinusuot pangbaba (lower class) ay tinatawag na BAHAG, kasuotang tela mula bewang na nakatapis sa pagitan ng mga hita. Sa mga Babae – pang itaas (upper class) na kasuotan ay tinatawag na baro o camisa, dyaket ito na may mahabang manggas. At sa pang ibaba (lower class) naman ay tinatawag na saya(skirt). Ang tawag sa Bisaya noon dito ay patadyong o tapis naman sa Tagalog. Ang mga Ancient Filipinos din ay hindi nagsusuot ng sapin sa paa. Ang mga Lalaki ay nagsusuot ng putong o headgear, piraso ng telang nakabalot sa ulo. May mga basehan din ang kulay ng headgear o putong ng mga Lalaki, ito ay base sa bilang ng napatay ng nagsusuot nito. Ang taong nakasuot ng pulang headgear ay nakapatay na ng isang tao, at ang Lalaki naman na nakasuot ng naka-bordeng headgear ay pumatay na ng hindi bababa sa Pitong Lalaki. SALAMAT