You are on page 1of 7

Sinaunang Panitikan

sa Pilipinas

Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas


marami pang mga kawing sa iba pang mga
Learn more

Katulad ng maraming mga banyagang


kabihasnan, mayroon nang panitikan sa
Pilipinas noong unang mga kapanahunan.
Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula
sa sari-saring mga lipon at pangkat ng
mga taong dumating sa mga kapuluan
nito. May pagkaka-agwat-agwat na
dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga
Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang
baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na
mayroon nang sistema ng pagsulat at
pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa
man dumating ang mga pangkat ng mga
dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng
mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat
na panitikang katha ng sinaunang mga tao
sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila.
Nangabulok at natunaw naman ang ibang
naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat
ng punong kahoy at mga dahon ng mga
halaman. May sarili nang panitikan ang
ating mga ninuno sa panahong ito. Alibata
ang kadalasang ginagamit Gumagamit din
sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng
bunga o niyog at dahon at balat ng
punungkahoy bilang sulatan at matutulis
na bagay naman bilang panulat.

Ang mga uri ng panitikang sumibol at


sumikat sa Pilipinas noong sinaunang
panahon ay ang alamat, kuwentong bayan,
epiko, mga awiting bayan, salawikain,
karunungang bayan, sawikain, at bugtong.

Alamat – kuwento tungkol sa


pinagmulan ng isang bagay; halimbawa
na ang Ang Alamat ng Pinya
Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil
sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa
isang hangal na babae. Karaniwang
kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito
Epiko - tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Ang mga halimbawa ng mga ito:


a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam- ang Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya
Awiting bayan -ay mga awit ng mga
Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin.

hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina,


Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at
Paruparong Bukid.

Salawikain - nagsisilbing batas at


tuntunin ng kagandahang-asal ng ating
mga ninuno. Halimbawa: Aanhin pa ang
damo kung wala na ang kabayo.
Sawikain – mga kasabihang walang
natatagong kahulugan. Halimbawa:
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa.
Bugtong – maikling tulang karaniwang
naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan. Halimbawa: Isang tabo,
laman ay pako. Ang sagot ay "langka".

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Sinaunang_Panitikan_sa_Pilipinas&oldid=164
7375"
Last edit ed 2 year ago by WayKurat

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like