You are on page 1of 7

Kailigirang Kasaysayan

 Ang katutubong panitikan ay napapailalim sa


kategoryang tinatawag na Matandang Panahon.
 Ang panahong ito ay nagsimula noong unang
pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa
taong 1521.
 Sa panahong ito, ang mga sinaunang Pilipino ay
mayroon ng sariling sining at panitikan.
Sistema ng Pagsulat
 Ang sistema ng pagsulat sa panahong ito ay
tinatawag na Alibata. Ito ay binubuo ng tatlong
patinig at 14 na katinig.
 Ang mga simbolong ito ay isinulat ng mga
sinaunang Pilipino sa mga dahon, balat ng mga
punong-kahoy, at makikinis na bato.
 Ang mga ginamit naman nila sa pag-ukit ay ang
mga matutulis na bato at kahoy.
Paraan ng Pananalita
 Ang paraan naman ng pananalita ay nasasailalim sa
pag-uuri ng panitikan na ayon sa paghahalin. Ang
ayon sa paghahalin ay may tatlo pang kabahaging uri:
pasalindila, pasalinsulat, at pasalintroniko. Nabibilang
ang katutubong panitikan sa uri na pasalindila.
 Ang pasalindila ay paraan ng paglilipat ng panitikan
gamit ang dila at bibig.
 Karamihan sa mga panitikan nila ay mga pasalindila
tulad ng mga bulong, bugtong, epiko, salawikain, atbp.
Katutubong Panitikan

 Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa paraan


ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
 Punung-puno ito ng matatandang kaaralang
nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon nila.
Nasasalamin din ang kanilang mga magagandang
kaugalian, paniniwala o prinsipyo.
 May mga kaugnayan din ito sa simple at karaniwan
nilang pang-araw-araw na pamumuhay at
pagpapahalaga sa kanilang pagkalahi.
 May mga ulat tungkol sa mga katutubong
Bathalang Pilipino at sa kanilang mga nagawa.
Maraming mga awitin o kantahin at berso
tungkol sa mga gawaing maka-Diyos upang
magsaad ng pagkadeboto; may mga bersong
tungkol sa kasaganaan at kaligayahan sa tahanan,
sa bukid, sa dagat at kahit saanman at mayroon
pang bersong nagsasaad ng pag-ibig at
pagkamatapat sa barangay at sa mga namumuno
nito.
 Iilan na lamang ang natagpuang mga ebidensya
ng mga arkeologo sa panahong ito, sapagkat
batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng
mga prayle nang dumating ang mga Kastila sa
bansa dahil sa paniniwala na ang mga ito ay
gawa ng demonyo.
 Ang mga iba naman na nakasulat sa mga dahon
at kahoy ay nasira na dahil sa pagkalipas ng
maraming taon.
Mga Sanggunian
 http://www.scribd.com/doc/35466487/Kasaysayan-ng-
Panitikan-sa-Pilipinas
 http://eskwela-apc-
nstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf
 http://cytheria-07.xanga.com/640066805/-pagsibol-paglago-
at-pamumunga-ng-panitikang-filipino/
 http://www.ppt2txt.com/r/60ffb083/ 
 http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_kasaysayan_ng_Panit
ikang_Pilipino-20081013065645428.html
 http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyang-
pinoy-si-bathala/
 http://www.affordablecebu.com/load/literature/awiting_baya
n/22-1-0-956

You might also like