You are on page 1of 24

Ang Panitikan noon

Hanggang sa
Panahon ng Internet :
Isang Pananaliksik
Panitikan Noon
– Katulad ng maraming mga
banyagang kabihasnan,
mayroon nang panitikan sa
Pilipinas noong unang mga
kapanahunan.
- Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas
mula sa sari-saring mga lipon at pangkat
ng mga taong dumating sa mga kapuluan
nito.

-May pagkaka-agwat-agwat na dumating


sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito,
mga Indones, at mga Malay.
- Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na
mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa
sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang
mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa
Kanlurang bahagi ng mundo.

-Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang


katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang
sinunog ng mga Kastila.
- Nangabulok at natunaw naman ang ibang
naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng
punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.

- May sarili nang panitikan ang ating mga


ninuno sa panahong ito. Alibata ang
kadalasang ginagamit Gumagamit din sila ng
mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o
niyog at dahon at balat ng punungkahoy
bilang sulatan at matutulis na bagay naman
bilang panulat.
Ang mga uri ng panitikang sumibol
at sumikat sa Pilipinas noong
sinaunang panahon

Alamat – kuwento tungkol sa


pinagmulan ng isang bagay;
halimbawa na ang Ang Alamat
ng Pinya
Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil
sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan,
katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal
na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay
nito ang alamat at mga mito.
Epiko
- tumatalakay sa mga kabayanihan
at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang makababalaghan
at di-kapani-paniwala.
Awiting bayan
-ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa
rin.

Hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina,


Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at
Paruparong Bukid.
Salawikain
- nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga
ninuno.

Halimbawa: Aanhin pa ang damo


kung wala na ang kabayo.
Sawikain
– mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa.

Bugtong
– maikling tulang karaniwang naglalarawan ng
isang bagay na siyang pahuhulaan. Halimbawa:
Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay "langka".
Panahon ng Internet
–Sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon
ng mundo—sa pabago-bagong aspekto ng
teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon
na ito ang nagluwal sa mga makabagong
anyo at pamamaraan ng pagtula,
pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan.
-Nariyan ang mga kuwentong
isinulat sa anyo ng isang bidyo na
may kaagapay na musika habang
binabasa kung saan maaalalang
sumikat si Marcelo Santos III, na
mayroon na ngayong dalawang
nailimbag na libro.
- Nariyan ang mga lupon ng maiikling tula
na mabilis basahin ni Lang Leav.
- Nariyan ang lumalagong panitikan ng
spoken word poetry sa bansa kung saan
naging tanyag si Juan Miguel Severo na
pinamagatang “Prinsipe ng Hugot.” At
nariyan din ang battle rap na pinabantog
ng FlipTop Battle League na itinuturing na
makabagong anyo ng balagtasan.
- Dahil din sa internet, mas naging
malapit o accessible ang mga akda,
tula at sulatin ng mga manunulat
sa maraming mambabasa. Katulad
na lamang ng mga kuwento sa
Wattpad na kalaunan inilimbag
bilang mga aklat.
-Nariyan ang mga social networking site na
nagsisilbing plataporma ng mga
manunulat.
Halimbawa na lamang dito ang unang
aklat ni Joselito Delos Reyes na iStatus
Nation, lupon ng kaniyang mga istatus sa
Facebook na tumatalakay sa iba’t ibang
mukha ng buhay: masaya, masalimoot,
mapolitika, “ma-ano-ano.”
-Nariyan ang mga social networking site na
nagsisilbing plataporma ng mga
manunulat.
Halimbawa na lamang dito ang unang
aklat ni Joselito Delos Reyes na iStatus
Nation, lupon ng kaniyang mga istatus sa
Facebook na tumatalakay sa iba’t ibang
mukha ng buhay: masaya, masalimoot,
mapolitika, “ma-ano-ano.”
- Ang mga makabagong anyo at
pamamaraan ng pagkukuwento
ang nagpalapit sa bituka ng
henerasiyon ngayon o
tinatawag na mga “milenyal” sa
kultura ng pagbabasa
May malay nga sila sa
pagbabasa ng ganitong mga
akda, ng mga hugot at mga
bidyong may musika, ngunit
mulat ba sila sa makulay at
malawak na kasaysayan ng
panitikang Filipino?
Halimbawa, sa mga maiikling
kuwento ni Nick Joaquin? Sa mga
tula nina Rio Alma, Bienvenido
Lumbera at Edith Tiempo? Ang
tanong pa nga, kilala ba sila ng
mga milenyal na kinalakhan na
ang mga modernong manunulat?
Sa mga milenyal ngayon,
higit sa kilalang mga
Filipinong manunulat, tunay
ba talaga nilang binabasa at
ninanamnam ang hiwaga ng
kanilang mga akda
Hindi masama ang pagbabasa ng
mga banyagang akda ngunit mas
mabuting malaman at mabasa rin
ang mga akdang isinulat ng mga
Filipino pagkat ang mga akdang
ito ang sumasalamin sa ating
kultura at pagka-Filipino.
Dagdag pa rito, higit pa sa kultura ng
pagbabasa ang nanganganib na pagkalaho
ng ilang mga panitikan sa Filipinas. Sa
isang ulat, natatakot ang ilang mga
Kapampangang makata dahil iilan na
lamang sa kanilang probinsiya ang may
interes at humaling sa pagtula sa
Kapampangan.
Ayon pa sa ulat, internet ang
tinutukoy na isa sa mga dahilan ng
kawalan ng interes ng mga
milenyal sa ganitong panitikan
dahil mas nahuhumaling ang mga
mambabasa ngayon sa mga
banyagang akda at ibang anyo ng
panitikan.

You might also like