You are on page 1of 1

KALIPUNAN NG MGA SALAWIKAIN AT KASABIHAN

SALAWIKAIN

1 Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


2.Kung walang tiyaga, walang nilaga
3.Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
4.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
5.Huwag gawin sa iba ang ayaw gawin sa iyo.
6.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
7.Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
8.Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
9.Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
10.Ang taong tahimik kapag nag-isip ay malalim. Ang taong mabunganga walang  kuwenta ang
salita
11.Ang batang busog sa pangaral Ay lalaking marangal Malayo sa pagiging hangal Dala ay
mgandang asal
12.Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising
13.Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
14.Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.
15.Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.

KASABIHAN
1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
2.Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
3.Ang batang matalino, nag-aaral ng husto
4. Kapag may sinuksok, may madudukot
5.Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
6.Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati. 
7.Kung ayaw may dahilan kung gusto palaging meron paraan
8. Ano man ang taas ng lipad ganoon din kataas ang paghulog
9.Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
10. Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat. 
11.Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat
12. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
13.Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan. 
14.Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
15. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan. 

You might also like