You are on page 1of 5

AMA BASIC EDUCATION LAS PINAS

5DBP Extension, Naga Road, Pulang Lupa, Las Pinas City


Government Recognition: No.016, s. 2019

LEARNING PLAN : Filipino 7


Academic Year: 2022-2023
Takdang panahon : (SMART) 4 HOURS Araw: August 31 – Sept 7

PAKSA: Panitikan / Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan

MGA KAKAYAHAN SA PAGKATUTO,

P: Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari batay sa akdang napakingan

K: Naibibigay ang sanhi at bunga

S: Naipapaliwanag ng maayos at malinaw ang sanhi at bunga

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makabuluhang pag aanalisa ng istory o akdang nabasa at napakingan

Mga Pangunahing Halaga ng Institusyon: Excellence

MGA GAWAING DEVELOPMENTAL

a. Pambungad na Panalangin
b. Pagsusuri- Anong naaalala mo kapag narinig mo ang salitang epiko.

c. priming-

THE BIG ONE


- Mga posibilidad na mangyari.
1.
2.
3.
4.

d. Talakayan-

ANG PAG HIHINUHA

Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na nauunawaan niya ang
kanyang binabasang artikulo o seleksyon. Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat
na hindi tuwirang sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon. Kung ang bawat pahiwatig
at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti, at buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang
makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-unawa nya sa nabasa. Sa hinuhang ito, makabubuo ng
prediksyon o paghuhula. Kadalasan, nagaganap ang paghuhula kung ang naging wakas ng akdang binabasa
ay nakabitin.

Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang mangyayari o posibleng nangyari sa akda sa pamamagitan ng mga
pahiwatig at implikasyong ginamit sa paghihinuha Hindi makagagawa ng paghihinuha at paghuhula ang
mambabasa kung hindi ganap ang naging pag-unawa niya sa binasang akda. Sa makatuwid tatak ng
pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang gumawa ng paghihinuha (inferring) at paghuhula (predicting) sa
hinihingi ng binabasang akda.

HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:

- Baka
- Tila

- Wari

- Marahil

- Siguro

Halimbawa sa Pangungusap:

- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.

- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.

- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

May mga artikulo, salaysay, mensahe, kwetnro at iba pang kaugnay na uri na bitin at sa palagay ng
mambabasa ay hindi "buo" o "ganap" ang pagkakasulat, kaya hinuhulaan ang maaaring kalabasan. Sa
ganitong paraan ay nakapagpapalawak, nakapag-iisip ang mambabasa at nakapagsasanay sa pagbibigay ng
kongklusyon sa pangyayari.

Mateyales Traditional: Manila paper, marker, cartolina, colored paper

Digital: LCD,power point, laptop

21st CENTURY SKILLS (Please Check)

/ Communication / Critical Thinking

/ Collaboration / Creativity

Information Literacy Media Literacy

Technology Literacy / Flexibility

Dugtungan ang mga parirala/pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga


pangatnig na panlinaw.

1. Si Marty ay hindi marunong sumunod sa tuntunin...(sa madaling sabi)


__________________________________________________________________.
2. Inatasan sila ni Sandra na magdala ng pagkain tamang-tama lang sa kanila (sa halip)
__________________________________________________________.

3. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat... (kung gayon)


__________________________________________________________________.

4. Maparaan sana si Jane (lamang)______________________________________.

5.Nagkasundo na ang mag-asawa, (kung gayon) __________________________.

PAG-SUSURI: 5 questions

1. Ano ang maikling kwento?


2. Ano ang Gramatika ?
3. Ano ang nakapaloob sa gramatika ?
4. Magbigay ng halimbawa ng Pantangi
5. Magbigay ng halimbawang Pambalana

ABSTRAKSYON: ang panitikan ay tumutukoy sa mga akdang isinulat upang magpahayag ng damdamin. Bukod dito, ito
rin ay ginagamit upang magsalaysay ng isang karanasan. Ang panitikan ay makapangyarihan sapagkat kaya nitong
impluwensyahan ang isip ng isang tao. Ito rin ay naglalaman ng ating mayamang kasaysayan. Samakatuwid, ang
panitikan ay repleksyon ng ating buhay at karanasan.

Mahalaga na maunawaan at pag aralan natin ang panitikan sapagkat magagamit natin ang kaalaman sa ating pang araw
araw na buhay. Lumalalim din ang pang unawa natin sa kultura na mayroon tayo, at naiintindihan natin ang mga naging
karanasan ng ating mga ninuno. Ang panitikan ay susi sa pag unawa ng ating sarili. Ito rin ay makapangyarihan sapagkat
kaya nitong impluwensyahan ang isang lipunang kinabibilangan.

PAGTATAYA:

1. Gawain sa Pagganap

2. Written Test-Formative/Summative Test

3. Upang masuri ang kinalabasan ng aralin, sabihin sa mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong (TechnoQuiz)
sa kanila mga sagutang papel.

TAKDANG ARALIN: Mag bigay ng Halimbawa ng Epiko at ibigay ang ibigsabihin ng epiko.

MGA SANGGUNIAN:

/rosemelyn/maikling-kwento

Kahulugan ng Gramatika - Ensiklopedya - 2022 (warbletoncouncil.org)

NOTASYON:
1. Ang paksa ay nagtuturo sa mga studyante ng mga paraan paano maging mahusay na mambabasa at
manunulat

2. Schedule day 1, day 2 day 3

Prepared By: Checked By:


Mr. Jommel S. Vargas Mr. Leo B. Guarin
Subject Teacher School Vice Principal

You might also like