You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: ____________________________________ Petsa: ____________________

MGA PILYEGO NG GAWAING PAMPAGKATUTO Q2 Blg. 6


Filipino 9: kahulugan ng mga Image at Simbolo
sa Binasang Akda
Niyebeng Itim: Isinalin sa tagalog ni Galileo S. Zafra

I.Panimula

Ang mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto na ito ay magiging


kasangkapan para sa iyong pagkatuto hinggil sa mga simbolismo na napaloob
sa Maikling Kuwento. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawaing magpapalalim
sa iyong pang-unawa sa aralin. Alalahanin na ang mga simbolismong ito ay
may malaking papel sa pagbibigay kahulugan sa akda at impluwensya sa
pagpapanatili at pagsulong ng Kultura’t Sinaunang Panitikang Pilipino.

II.Kasanayang Pampagkatuto

Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang


kuwento o tula

III.Mga Layunin

Pagkatapos ng mga pilyego ng gawaing pampagkatuto na ito,


ikaw ay inaasahang ;

1. mabigyang kahulugan ang simbolong ginamit sa pangungusap;


2. matukoy ang simbolong ginamit sa pangungusap
3. maguhit ang simbolo ng isang salita o brand, batay sa sariling
pagpapakahulugan.

1
IV.Pagtalakay

Buod ng Kuwentong “Nyebeng Itim” ni Liu Heng


Isinalin sa tagalog ni Galileo S. Zafra”

Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng


labinlimang litrato kasama ang kanyang tiya Luo.
Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa
Red Palace Photo Studio.

Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensya para sa


kariton at pagtitinda ng prutas.
Naaprubahan ang pagkuha niya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng
prutas ay hindi. Puno na kasi ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng
kaniyang tiya Luo o ayaw nitong tumulong.
Ang tanging lisensyang naroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero
at sapatos.
Wala nang pakialam si Huiquan kahit anong itinda. Ang mahalaga ay
may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas.
Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng magandang
palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pa itong gagawin.
Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay.
Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda nya.
"Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free economic zone! sapatos tatak
perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni Huiquan
"Mga blusang batwing! halikayo rito!" muling sigaw ni Huiquan.
Ngunit wala pa rin syang nabenta.Siya ang huling tindahan na nagsara sa
hanay ng mga tindahan na naroon.

Sa sumunod na araw ay nakabenta sya ng muffler.


Sa ikatlong araw ay wala syang benta.

Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras simula ng


magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta sya ng damit na pang - army
sa apat na karpintero.
Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay nagkulay
talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat
ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.
Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo.

Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero.

2
Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka diba?
Kailan man ang niyebe (snow) para kay Li Huiquan ay itim sapagkat
nagpapaalala ito ng dilim at pasanin sa kanyang buhay. Pinapaalala ng
niyebe ang kanyang madilim na nakaraan nap uno ng suliranin.

Pamatnubay na Tanong

Ano-ano ang mga ginamit na mga simbolismo sa kuwento? Ano ang


mga kahulugan ng mga ito at papaano ginamit sa kuwento? Nakatulong ba
ang kwento ni Huiquan upang makita ang pamumuhay ng mga tao sa China?

V. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Isulat sa palaisipan ang tamang simbolo sa kahulugan na ibibigay.

1. Ito ay ang magsisilbing sisidlan at tirahan ni Huiquan habang


nagtitinda?
r

2. Ito ay ang simbolismo malinis na intension o gawain ngunit may


bahid ng madilim na nakaraan?

3. Ano ang simbolismo na sinabi sa kwentong “Wala nang pakialam si


Huiquan kahit anong itinda niya. Ang mahalaga ay may gawin kahit
pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas.Clue:nagsisimula sa
K – walang hinto sa pagtatrabaho

4. Anong simbolismo o damdamin ang pinakita ng kapwa nagtitinda ni


Huiquan sa kuwento?

5. Ano ang simbolismo sa pahayag na “nagkulay talong ang labi”

( Inggit niyebeng itim kahirapan nilamig kariton kasipagan )

3
Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang simbolismo sa ibinigay na pahayag. Isulat ang
tamang letra ng sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Nagkulay talong ang labi.


A. Namaga ang labi
B. Nilamig
C. Nabugbog

2. Nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.


A. Napawi ang lamig
B. Nagamot ang balat
C. Kuminis ang balat

3. Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan


na naroon.
A. Tinamad magsara
B. Bawal magsara
C. Walang benta

4. Ito ay ang may mabuting hangarin ngunit may madilim na nakaraan.


A. Nyebeng itim
B. Papel na may dumi
C. Kalat sa paligid

5. Ang inspirasyon ni Huiquan sa ipagpatuloy ni Huiquan ang pagtitinda.


A. Karpintero
B. Kasipagan
C. a at b

Gawain 3
Panuto: Iguhit ang simbolong naiisip mo sa pinakitang salita o brand.

Hal: Mcdonalds sagot:

4
1. Pandemic _______________

2. Nike _______________

3. Kagawaran ng Edukasyon _______________

4. Facebook _______________

5. Iphone _______________

6. Messenger _______________

7. Shopping Mall _______________

8. Lazada _______________

9. Shopee _______________

10.Modyul _______________

Rubrik sa pagmamarka sa bawat drawing:


Kaangkupan ng ideya -----1
Simbolikong pagpapakahulugan ----------1
Kabuuan ------------------- 2

VI.Pagsusulit

A. Panuto: Basahin ang sumusunod. Isulat sa hiwalay na sagutang papel


ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang ginamit na simbolo sa pagiging marangal ni Huiquan ngunit


may madilim na nakaraan?
A. Nyebeng Itim B. Pulang tela C. Pagtitinda

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


A. Li Huiquan B. Marta C. Tiyo Lou

3. Anong akdang pampanitikan ang Nyebeng Itim?


A. Tula B. Bugtong C. Maikling kwento

4. Ito ay ginagamit upang mas maging maganda at matalinghaga ang


maikling kwentong binabasa?
A. Kaisipan B. simbolismo C. jokes

5
5. “Anong ginamit na simbolismo upang maipakita ang kultura o kwento
ng mga tinderong chino ?
a. Kwento ni Tiyo Lou b. Kwentong tindera c. Kwento ni Huiquan

B. Panuto : Suriin ang mga simbolismong ginamit sa akda. Hanapin ang mga
pagpapakahulugan ng mga ito sa Column B.
A B
______6. Kariton a. permit/ permiso
______7. Bagong Taon b. Kabuhayan
______8. lisensya c. madilim na nakaraan
______9. Karpintero d. pagbabago
_____10. Niyebeng itim e. kasipagan

VII. Pangwakas
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang mga sumusunod na
simbolo ng panangga sa sakit na COVID 19 ay makikita sa sariling tahanan.

Face mask Face shield


1. _______ 2. _______

Alcohol sabon
3. _________ 4._________

Kuhang larawan ni Diana D. Clemente

6
VIII.Sanggunian

https://www.marvicrm.com/2017/09/niyebeng-itim-buod

https://www.pinterest.ph/pin/380906080964652878/

Kuhang larawan ni Diana D. Clemente/face mask/ face shield/ alcohol at sabon

Panitikang Asyano 9 ( Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino ) Kagawaran ng Edukasyon


Republika ng PIlipinas nina Romulo N. Peralta etal

7
8
1. /
2. /
3. /
4. /
5. /
gawain
Karagdagang
1. A
2. A
Isa-alang-
3. C
alang ang
4. B rubriks
5. B
6. B
7. D
8. A
9. E
10. C
Gawain 3
pagsusulit
1 .kariton
2. Nyebeng itim
3. kasipagan
1. b 4. inggit
2. a 5. nilamig
3. c
4. a
5. c
Gawain 1
Gawain 2
IX.Susi sa Pagwawasto
X. Grupong Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsulat ng mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Mark Anthony S. De Jesus/Diana D. Clemente


Patnugot ng wika: Diana D. Clemente
Tagasuri: Remedios C. Gerente/ Diana D. Clemente
Tagaguhit: Diana D. Clemente
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD CESO V
Leandro C. Canlas PhD CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

You might also like