You are on page 1of 10

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO II
Quarter 3 - Module 4
Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin sa
Napakinggang Teksto

I. KOMPETENSI:
I. KOMPETENSI:
1. Naipahahayag ang sariling ideya, damdamin o reaksiyon batay sa
napakinggang kuwento o pabula.
2. Natutukoy ang ibat ibang damdamin o reaksyon sa bawat
pangyayari.
II. PAKSANG ARALIN:
Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin sa Napakinggang Teksto
III. LEARNING ACTION CELL:
A. Ating Balikan:
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Sa


iyong sagutang papel, isulat ang tsek (✓) kung ikaw ay sumasang-
ayon at ekis (x) kung hindi.
_____1. Ang mga batang Pilipino ay masayahin.

_____2. Kumokopya ako ng mga ideya mula sa aking internet


para ipasa bilang aking proyekto.

_____3. Ang pagmamano at pagsagot ng “po at opo” ay isang


paraan ng pagiging magalang.

_____4. Nararapat lamang na ang isang bata hanggang paglaki ay


mag-aral nang mabuti.
_____5. Hinahayaan kong gumawa ng aking proyekto ang aking
nakatatandang kapatid.
_____6. Nasisiyahan ang mga magulang sa mga bata na marunong
tumulong sa gawaing bahay.
_____7. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay nakatutulong upang
umunlad ang isang bansa.
_____8. Ang pagtatapon ng basura ay nakabubuti sa ating paligid.
_____9. Binabalewala ko ang utos ng aking magulang.
_____10. Ugaliing makinig sa iyong guro.
B. Ating Unawain:
Ang pagpapahayag ng sariling ideya o damdamin at
reaksiyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa tunay na
pangyayari/pabula ay nakasalalay sa damdamin ng nagbabasa.
Nagkakaroon ng epekto ang damdamin ng nakikinig sa pagbibigay
niya ng ideya o opinyon batay sa mensaheng narinig.
Iba’t ibang damdamin ang maaaring madama ng taong nakarinig
nito. Ilan sa mga halimbawa ng damdamin ay ang mga
sumusunod:
masaya malungkot nayayamot
natatakot pagkamangha galit
pagkainip pagkahiya pagkaligalig
naiiyak paghanga

QUARTER 3, WEEK 4 2
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

C. Ating Subukin:
A. Hanapin sa hanay A ang mga pangungusap na
nagpapahayag ng damdamin, ideya o reaksiyong may
kaugnayan sa mga larawan na nasa hanay B. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A B
___1. Natuwa si Aling Marya nang a.
bigyan siya ni Sabel ng inumin
matapos siyang maglinis ng
bahay.

___2. Nakakita si Mateo ng ibon sa b.


puno na umaawit.

___3. Nanalo sa isang patimpalak c.


si Nene.

___4. Sama-samang nanonood ng d.


telebisyon ang mag-anak.

___5. Napagod ka sa paglilinis ng e.

QUARTER 3, WEEK 4 3
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

iyong kwarto.

B. Suriin ang larawan. Tukuyin ang damdaming ipinakikita


nito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.

nagulat nahihiya nalulungkot


masaya nagagalit kinakabahan

1. _________________

2. ____________________

3. ______________________

QUARTER 3, WEEK 4 4
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

4. ______________________

5. _____________________

D. Paglalahat:
Tandaan:
May iba’t ibang damdamin tulad ng pagkatuwa, pagkalungkot,
pagkagalit, panghihinayang, pagkainis, paghanga, at pagkagulat na
maaaring makita sa isang teksto o sa isang pahayag na nabasa o
napakinggan.
E. Ating Ilapat:
A. Sa iyong sagutang papel, isulat ang letra ng napiling akmang
sagot batay sa iyong reaksiyon, damdamin at ideya. Piliin ang sagot
sa loob ng parihaba at isulat sa patlang.

A. masaya B. malungkot C. nagulat

D. naiinggit E. napagod F. kinakabahan

_____1. Umuwi ng bahay si Ysabel galing paaralan. Inilapag niya


ang kaniyang gamit at siya ay naupo.
_____2. Inutusan si Emman ng kaniyang nanay na pumunta ng
palengke upang bumili ng gulay, subalit siya ay naligaw.

QUARTER 3, WEEK 4 5
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

_____3. Namatay ang alagang aso ni Selya.


_____4. Nagkita ang magkaibigang Rhizalyn at Angela sa plasa.
_____5. Nakita mong hinablot ng magnanakaw ang bag ni Aling
Marina.
B. Lagyan ng mukhang masaya ( ) kung ang ipinapahayag ng
pangungusap ay nagpapakita ng masayang pangyayari at mukhang
malungkot ( ) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
_____1. Ipagdiriwang mo ang iyong kaarawan.
_____2. Namatay ang alagang aso ni Angela.
_____3. Tinulungan ng iyong kaibigan ang matandang
babae sa pagtawid sa kalsada.
_____4. Nagkaroon ng sakit ang mga tao sa inyong lugar.
_____5. Sama-samang naghapunan ang buong pamilya.

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Tukuyin ang ipinahahayag na damdamin batay sa sitwasyong
iyong babasahin. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong at
isulat sa patlang.
1.Nakita mo ang bata na hindi sinasadyang nadapa sa harap ng inyong
tahanan kung kaya ikaw ay ___________________.

(nagulat, natuwa)

2. May parating na malakas na bagyo sa inyong lugar kaya ikaw ay


___________________.
(nag-aalala, natutuwa)
3. Nakakuha ka ng mataas na marka sa unang grado kaya ikaw ay
___________________.
(nagagalak, nahihiya)
4. Gustong-gusto mo nang lumabas ng bahay at makipaglaro, subalit
hindi ka pinayagan ng iyong ama dahil laganap ang pandemya kaya
ikaw ay___________________.
(magagalit, malulungkot)

QUARTER 3, WEEK 4 6
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

5. Niregaluhan ako ni Tiya Elvie ng alkansiya kaya ako ay


__________________.
(kinakabahan, natutuwa)

V. TAKDANG ARALIN:
Magbigay ng tigdalawang sitwasyon na nagpapakita na
ikaw ay masaya, malungkot,galit, nagulat at takot.

VI. GAWAIN PARA SA HIGIT PANG PAGKATUTO


A. Iguhit ang sa bawat pangungusap kung ikaw ay
sang-ayon at kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
_____1. Nadapa ang iyong kamag-aral kung kaya’t
tinulungan mo siyang tumayo.
_____2. Napagod ka sa paglalaro kaya hindi ka na lang
pumasok.
_____3. Tuwing Sabado at Linggo ay tinutulungan mo
ang iyong ina sa gawaing bahay.
_____4. Umuuwi nang maaga mula sa paaralan si Gng.
Roberto pagkatapos magturo upang dalawin ang
kaniyang amang may sakit.
_____5. Nakita ni Duday na dinidiligan ni Sophia ang
halaman kaya, tinulungan niya ito.
B. Ano ang damdamin na nadarama sa bawat sitwasyon?
Iguhit ang masaya at malungkot na mukha
_____1. Nanghihinayang ang makapatid na Ben at Pat
dahil nahulog ang kanilang baon sa kanal.
_____2. Matinding paghanga ang naramdaman ni Rita sa
magaling niyang guro.
_____3. Namatay ang alagang aso ni Ben.
_____4. Nanalo sa paligsahan ang dalawang magkapatid.
_____5. Naiinip si Lito sa sa tagal na paghihintay sa
kaniyang ama.

QUARTER 3, WEEK 4 7
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

VII. SANGGUNIAN:
1. SLM sa Filipino 2 Ikatlong Markahan-Modyul 4
2. MELC
3.Ang Bagong Batang Pinoy

VIII. GABAY SA PAGWAWASTO:

QUARTER 3, WEEK 4 8
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

Ating Balikan Ating Ilapat


1. / A.1. E
2. x 2. F
3. B
3. /
4. A
4. / 5. C
5. /
6. / B. 1.
7. /
8. / 2.
9. x
3.
10. /
4.

5.

Ating Subukin Pagtataya


A. B. 1. nagulat
1. C 1. nalulungkot 2. nag-aalala
2. A 2. kinakabahan 3. nagagalak
3. B 3. masaya 4. nalulungkot
4. C 4. nagulat 5. natutuwa
5. D 5. nagagalit

Takdang Aralin Gawain Para sa Higit Pang


Pagkatuto
Ang sagot ay depende sa ibibigay A.
ng mga bata. 1.

2.

3.

4.

5.
B.

1.

2.

3.

4.

5.

This Learning Activity Sheet (LAS) was conceptualized by the


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management System (LRMS)

QUARTER 3, WEEK 4 9
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO GRADE II

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE


RONALDO A. POZON, CESO V
Schools Division Superintendent

MARIA CELINA L. VEGA, CESE


DR. ARMANDO C. CAPILI
Assistant Schools Division Superintendents

DR. JOEL S. GUILEB


EPS- LRMS

DR. ALLAN T. MANALO


EPS-1, FILIPINO

ROGER P. RAMOS, EdD


PSDS, Proponent of PROJECT REACH and PROJECT GOALS

EMILY F. PONTANOS
Master Teacher I, Validator

LEILA L. OBCENA
Writer

QUARTER 3, WEEK 4 10

You might also like