Professional Documents
Culture Documents
Islamic Values
Ikalawang Markahan-Modyul 3:
Ang Anim (6) na Haligi
ng Pananampalataya sa Islam
Islamic Values-4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Anim (6) na Haligi ng Pananampalataya sa Islam
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Office Address: Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4
Islamic Values
Ikalawang Markahan-Modyul 3:
Ang Anim (6) na Haligi ng
Pananampalataya sa Islam
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values 4
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Anim (6) na Haligi ng Pananampalataya sa Islam!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Islamic Values 4 Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Anim (6) na Haligi ng
Pananampalataya sa Islam!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
v
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!
vi
Alamin
1
Subukin
2
6. Sa araw ng paghuhukom, sino ang Makapangyarihan at
Dakilang Hukom na magbibigay ng sapat na gantimpala o
parusa sa lahat?
a. Muhammad S.A.W. c. Allāh
b. Anghel d. Mga Propeta
7. Ano ang tawag sa talaan ng mga anghel sa mga mabubuti o
masasamang ginawa ng tao?
a. Talaan ng Hukom c. Qur’an
b. Talaan ng Gawa d. Aklat
8. Batay sa Anim na Haligi ng Pananampalataya sa Islam, ilang
anghel ang nakabantay sa bawat tao?
a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat
9. Anong kasulatan ang ipinahayag kay Propeta Abraham?
a. Suhuf (Kalatas) c. Zabur (Salmo)
b. Tawrat (Torah) d. Injeel (Ebanghelyo)
10. Ano ang kasulatang ipinahayag kay Propeta Moses?
a. Suhuf (Kalatas) c. Zabur (Salmo)
b. Tawrat (Torah) d. Injeel (Ebanghelyo)
3
Balikan
4
Tuklasin
Si Amer at Abdullah
Ni Sumaya O. Umpa
5
Habang nakaupo si Amer, may isang batang lalaking
napadaan sa kagubatan. Siya ay si Abdullah. Narinig niya ang iyak
ni Amer kaya nilapitan niya ito at tinanong.
“Bata, ano ang pangalan mo? Bakit ka umiiyak?” tanong ni
Abdullah kay Amer.
“Ako si Amer, nasugatan ang paa ko habang naghahanap ng
pagkain,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Amer.
Naawa si Abdullah kay Amer at siya’ y inalok ng tulong.
6
“Amer, para rin naman ito sa iyo at sa mga kapatid mo. Wala
namang makakakita,” tugon ni Abdullah.
“Mayroon pa ring makakakita Abdullah. Kahit itago pa natin
ito, makikita’t makikita pa rin tayo,” paliwanag ni Amer.
“Sino naman?” tanong ni Abdullah.
Sinabi ni Amer kay Abdullah na may Allāh na nakakikita
sa bawat galaw ng isang tao at may kapangyarihang gumawa ng
mga bagay na nais niyang mangyari. Natatakot din siyang gumawa
ng kasamaan dahil bawat tao ay may dalawang anghel na
nagbabantay at nagtatala sa lahat ng kaniyang ginagawa, mabuti
man o masama.
“Ayaw kong magalit sa akin si Allāh , Abdullah. Mas
matitiis ko pang magutom kaysa magnakaw upang may
maipakain lamang sa aking mga kapatid,” wika ni Amer.
“Naniniwala ka diyan, Amer? Alam mo, tayo ang masusunod
kung ano ang gusto nating gawin. Tulad na lamang ng
paghahanap mo ng pagkain, malaya kang pumili kung anong
paraan ang gusto mong gawin,” wika ni Abdullah.
“Hindi kaba nagbabasa ng Qur’an, Abdullah? Nakasaad sa
banal na aklat ni Allāh ang hindi paggawa ng masama. Dahil sa
oras ng paghuhukom ay titimbangin ang mga masasama at
mabubuti mong gawain. Mapupunta ka sa impiyerno kung mas
matimbang ang iyong kasamaan at sa paraiso naman kung mas
matimbang ang iyong mabuting gawa,” paliwanag ni Amer.
Biglang tumawa nang malakas si Abdullah na tila’y
pinagtatawanan si Amer sa kaniyang sinabi.
“Amer, Ustadz ka ba at ako’y iyong tinuturuan? Tama ka,
darating ang panahon na iiwan natin ang mundong ito, kaya nga
gusto kong gawin ang lahat ng bagay na gusto ko. Magsaya ka na
lang Amer. Huwag mong seryosohin ang buhay at ang problema,”
patawang sabi ni Abdullah.
7
Nalungkot si Amer sa mga sinabi ni Abdullah. Siya’y
nagpasyang umuwi na lamang at alamin ang kalagayan ng
kaniyang mga kapatid. Habang naglalakad siya pauwi, may
nadaanan siya na isang matandang babae na nahihirapang
maglakad dahil sa mabigat niyang dala.
8
“Oo, apo. Pumupunta lang ako rito tuwing gusto kong
magtanim at mamitas ng mga gulay at prutas sa likod ng bahay.
Halika at samahan mo akong mamitas ng mga prutas,” sagot ng
matanda.
Laking gulat ni Amer nang makita niya ang napakalawak na
halamanan. Dahil sa kabutihan at katapatan ni Amer, magandang
gantimpala ang kaniyang natamo. Pinayagan siyang mamitas ng
prutas at gulay sa anumang oras na gustuhin niya. Basta
ipapangako niya na magtatanim din siya ng gulay sa lupaing iyon.
9
“Oh! Amer mabuti at nagbago ang isip mo. Kumuha ka rin
pala ng mga bakal sa lumang bahay upang ibenta,” sabi ni
Abdullah.
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Batay sa kuwentong iyong nabasa, sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong
sagot.
1. Sino ang batang may kamangha-manghang kagandahang-
asal?
2. Ano ang ginawa ni Amer bago umalis ng kanilang bahay?
3. Sino ang batang lalaking nakarinig ng iyak ni Amer?
4. Ano ang inalok ni Abdullah kay Amer?
5. Bakit ayaw ni Amer magnakaw ng mga bakal?
10
6. Sino ang mga nagsusulat ng mga mabubuti at masasamang
gawain ng mga tao?
7. Saan mapupunta ang mga taong mas matimbang ang
kanilang masasamang gawain?
8. Batay sa Qur’an, bakit dapat gumawa ng mabuti sa
kapuwa?
9. Paano nakakuha ng maraming pagkain si Amer kahit hindi
niya ginawa ang sinabi ni Abdullah?
10. Paano ipinakita ni Amer ang pananampalataya
kay Allāh ?
Suriin
11
3. Ang Paniniwala sa mga Aklat
Ang Muslim ay naniniwala sa lahat ng mga Orihinal na
kasulatan o kapahayagan na ipinadala ng Allāh sa Kaniyang
mga Propeta. Ang mga kasulatang nababanggit sa Banal na
Aklat ay ang mga sumusunod:
a. Suhuf (Kalatas) na ipinahayag kay Propeta Abraham (AS)
b. Tawrat (Torah) na ipinahayag kay Propeta Moses (AS)
c. Zabur (Salmo) na ipinahayag kay Propeta David (AS)
d. Injeel (Ebanghelyo) na ipinahayag kay Propeta Hesus
(AS)
e. Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad (S.A.W)
Ang mga orihinal na kapahayagan na nabanggit ay
pinaniniwalaan ng mga Muslim sapagkat iisa lamang ang
kanilang pinagmulan, - ang Allāh . Ngunit sa kasalukuyan,
tanging ang Banal na Qur’an na lamang ang nalalabing
kapahayagan na nananatili sa kaniyang orihinal na anyo.
4. Paniniwala sa mga Propeta
Mahigpit na ipinag-uutos sa mga Muslim ang maniwala
sa lahat ng mga Propeta. Hindi siya matatawag na Muslim kung
itatakwil niya ang isa man sa mga Propeta. Ang ilan sa mga
Propetang ito ay sina: Nuh, Ibrahim, Ishmael, Ishaq, Yaqub,
Dawud, Solaiman, Yusuf, Musa, Harun, Yahya, Isah at si
Muhammad (S.A.W). Ang paniniwala sa kanila ay pantay at
walang pagtatangi. Kailangang mahalin at igalang silang lahat
sapagkat sila ay isinugo ng Nag-iisang Tagapaglikha - ang
Allāh . Ang pangunahing turo o aral ng mga propeta ay ang
pagsamba, pagsuko, at pagtalima kay Allāh .
5. Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
Ang Muslim ay kailangang maniwala sa Araw ng
Paghuhukom. Ang lahat ng tao ay mamamatay na siya namang
simula ng buhay na walang-hanggan; Paraiso o Impiyerno.
Dapat lamang na maniwala sa Araw ng Paghuhukom upang
magkaroon ng saysay ang buhay ng tao sa mundong ito. Sa
Araw ng Paghuhukom, ang Allāh na Siyang
12
Makapangyarihan at Dakilang Hukom ang magbibigay ng tama
at sapat na gantimpala o parusa sa lahat.
6. Paniniwala sa Kahihinatnan at Walang Hanggang Kaalaman ng
Allāh (Tadhana)
Ang Muslim ay kailangang maniwala na ang lahat ng
nangyayari ay pinahihintulutan ng Allāh : mabuti man o
masama sa paningin ng tao. Walang magaganap sa kaharian
ng Allāh na salungat sa kaniyang nais. Siya ang Maalam at
ang Maawain, at ano man ang Kaniyang naisin ay may
makahulugang layunin.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang sa mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang tunay na paniniwala ay taos-pusong pagsaksi na Siya
lamang ang ____________________ Diyos na dapat sambahin.
13
7. Ang Muslim ay kailangang maniwala na ang lahat ng
nangyayari ay ______________________: mabuti man o masama
sa paningin ng tao.
Tasahin 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Sa
isang hiwalay na papel, isulat ang letrang T kung tama ang
ipinapahayag ng pangungusap at letrang M naman kung mali.
____1. Maipakikita ang pananampalataya kay Allāh sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga haligi ng Islam.
____2. Ipinahayag kay Propeta Moses ang kasulatan na tinatawag
na Zabur.
____3. Ang pangatlong haligi ng pananampalataya ay ipinahayag
upang ito’y maging patnubay ng mga mananampalatayang
Muslim.
____4. Bawat tao ay may tatlong anghel na nagbabantay at
nagtatala sa lahat ng kaniyang ginagawa, mabuti man o
masama.
____5. Ang Qur’an ay ipinahayag kay Propeta David (AS).
____6. Ang Muslim ay kailangang maniwala sa Araw ng
Paghuhukom.
____7. Si Allāh ang Maalam at ang Maawain, at ano man ang
Kaniyang naisin ay may makahulugang layunin.
____8. Ang tunay na paniniwala sa kaisahan ng Allāh ay ang
taos-pusong pagsaksi na Siya ay nag-iisang Diyos.
14
____9. Ang talaan ng mga anghel sa lahat ng ginagawa ng tao ay
isang basehan ng kaparusahan at gantimpalang ipapataw
at ibibigay ng Allāh .
____10. Ang Suhuf (Kalatas) ay ipinahayag kay Propeta
Muhammad (S.A.W).
Gawain 2
Panuto: Tukuyin sa hanay B ang isinasaad ng mga pahayag mula
sa hanay A at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A Hanay B
16
Gawain 3
Panuto: Sa isang hiwalay na papel, magbigay ng sampung
sitwasyon o gawain ng mga Muslim na nagpapakita ng paniniwala
at pagsunod sa Anim na Haligi ng Pananampalataya sa Islam.
Tasahin 3
Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1
hanggang 10. Sa bawat bilang, iguhit ang hugis puso ( ) kung
iyong naisasabuhay ang mga sumusunod na gawain at hugis bilog
( ) naman kung hindi.
17
Isaisip
18
Isagawa
Tayahin
19
5. Sa bawat Ŝalāh ni Omar ay lagi siyang humihingi ng gabay
kay Allāh sapagkat siya ay naniniwala na ang lahat ng
nangyayari ay pinahihintulutan ng Allāh .
6. Ang magkaibigang Omar at Zain ay parehong nagbabasa ng
Banal na Aklat dahil sila ay Muslim at iisa lamang ang
kanilang pinagmulan, - ang Allāh .
7. Si Amera ay natatakot gumawa ng masama sa kanyang
kapuwa dahil siya ay naniniwala na may anghel na
nakabantay sa kanya.
8. Si Arham ay sumasamba kay Allāh sapagkat siya ay
naniniwala na siya lamang ang dapat sambahin.
9. Ang batang si Amer ay sumasamba kay Allāh bilang isang
Panginoon.
10. Isinasabuhay ni Amira ang mga kautusang nakapaloob sa
Banal na Aklat.
Karagdagang Gawain
20
21
Subukin 1. A 2. A 3. D 4. B 5. A 6. C 7. B 8. B 9. A 10. B
Balikan
1. Zakat
2. Nisāb
3. Fuqara
4. al-Masakin
5. al-‘Amilina’alyha
6. al - Mu'allafah qulubuhum
7. Fiar-riqab
8. Al-Gharimun
9. Fi-Sabilillah
10. Ibn as-Sabil
Pang-unawa sa Binasa
1. Amer
2. Ŝalāh
3. Abdullah
4. Kumuha ng bakal sa lumang bahay
5. Dahil may Allāh na nakakakita ng lahat; masama o mabuti
6. Mga Anghel
7. Impyerno
8. Dahil ito ay kauutusan ng Allāh upang makapunta sa paraiso
9. Dahil sa kagandahang-loob
10. Sa pamamagitan ng paniniwala at pagsunod sa kautusan ng Allāh
Gawain 1
1. nag-iisang
2. dalawa
3. anim
4. Banal na Aklat
5. Araw ng Paghuhukom
6. Talaan ng Gawa
7. Pinahihintulutan ng Allāh
8. Suhuf (Kalatas)
9. Tawrat (Torah)
10. Zabur (Salmo)
Tasahin 1
1. T 2. M 3. M 4. M 5. M 6. T 7. T 8. T 9. T 10. M
Gawain 2
1. I 2. J 3. C 4. E 5. G 6. F 7. B 8. H 9. A 10. K
Tasahin 2
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
Susi sa Pagwawasto
22
Gawain 3
1. Nagsa- Ŝalāh nang limang beses sa isang araw.
2. Hindi nagsisinungaling sa mga magulang at sakapuwa.
3. Nagbabasa ng Qur’an at ito’y aking nauunawaan.
4. Hindi nagsasalita na nakasasakit ng damdamin ng kapuwa.
5. Nasusunod ang mga kautusang nakapaloob sa Banal na Aklat.
6. Naniniwala sa kaisahan ng Allāh at Siya lamang ang tanging sinasamba.
7. Umiiwas sa mga masasamang gawain tulad ng pagnanakaw, pagsisinungaling at pananakit
sa kapuwa.
8. Isinasapuso ang mga kautusan sa Banal na Aklat.
9. Naniniwala na kapag gumawa ng mabuti ay mapupunta sa paraiso at kapag masama
naman ay sa impiyerno.
10. Sinusunod ang turo ng mga propeta na isinugo ng Allāh .
Tasahin 3
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
Isaisip
1. Paniniwala sa kaisahan ng Allāh
2. Paniniwala sa mga Anghel
3. Dalawang
4. Paniniwala sa Kapahayagan
5. Muslim
6. Qur’an
7. Paniniwala sa mga Propeta
8. Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
9. Dakilang Hukom
10. Paniniwala sa Kahihinatnan (Tadhana)
Isagawa
Rubrik sa Pagmamarka
10 8 6 4 2
Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng
maikling maikling maikling maikling maikling
pagkukuwento at pagkukuwento at pagkukuwento pagkukuwent pagkukuwento
nailahad ng mabuti nailahad ng ngunit o ngunit ngunit hindi
at malinawag ang mabuti an ang mayroong kulang ang akma ang
ideya na nais ideya kaunting paglalahad nilalaman.
iparating. kalituhan sa
paglalahad.
Tayahin
1. A 2. C 3. E 4. D 5. F 6. C 7. B 8. A 9. A 10. C
Karagdagang Gawain
Rubrik sa Pagmamarka
5 4 3 2 1
Mahusay na Nakabuo ng Nakabuo ng isang Nakabuo ng Nakapag-isip
nakabuo ng isang islogan at islogan at isang islogan lamang ng
islogan at nakapagbigay nakapagbigay ng ngunit hindi konsepto o
nakapagbigay ng ng mahabang maikling nakapagbigay ng ideya ngunit
mahabang paliwanag. paliwanag. paliwanag. hindi natapos
paliwanag. ang islogan.
Sanggunian
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: