You are on page 1of 32

4

Islamic Values
Education
Unang Markahan – Modyul 5:
Paggalang sa Paniniwala ng Iba,
sa Paaralan at Pamayanan ng
Naaayon sa Surah Al-Ala
Islamic Values Education – Ikaapat ng Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Naipapakita ang paggalang sa paniniwala ng Iba, sa
paaralan at pamayanan ng naaayon sa Surah Al-Ala
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anna Liza M. Soriano


Editor: Ruel F. Bondoc
Tagasuri: Ruel F. Bondoc
Tagaguhit: Ronald C. Dare
Tagalapat: Roderick S. Sibug

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilathala sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Department of Education – Region III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis,
City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89; (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Islamic Values
Education
Unang Markahan – Modyul 5:
Paggalang sa Paniniwala ng Iba,
sa Paaralan at Pamayanan ng
Naaayon sa Surah Al-Ala
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values
Education IV Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling paggalang sa paniniwala ng iba, sa paaralan, at
pamayanan ng naaayon sa Surah Al-Ala.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

II
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Islamic Values Education IV Makatao
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa pagpapakita
ng paggalang sa paniniwala ng iba, sa paaralan at pamayanan
ng naaayon sa Surah Al-Ala.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

III
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

IV
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

V
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

VI
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Layunin nito na mapalawak
ang inyong kasanayan sa larangan ng pakikinig, pagbabasa, malikhaing
pagiisip at pagsagot nang may kahusayan.
Sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang matutunan ang
mga sumusunod:
Natutukoy ang kahulugan ng Surah Al-Ala.
1. Naisasa-ulo ang 19 na ayat ng Surah.
2. Nababasa ng wasto sa Arabic ang 19 na ayat ng Surah Al-Ala.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng paggalang ng paniniwala ng
iba batay sa Surah.
4. Naisasagawa ang paggalang sa paniniwala ng iba, sa paaralan at
pamayanan ayon sa pagsunod sa alituntunin ng Surah.

1
Subukin

Basahin ang mga sumusunod na ayat ng Surah Al-Ala.

1.

2.

3.

4.

5.

2
Balikan

Ang ating relihiyon ay madali. Ito ay isang maliit na hakbangin sa bawat


pagkakataon. Dahan dahang matuto ng mga gawi na makapagpapagaan sa
buhay dito sa mundo at makakasiguro sa kabilang buhay (sa paraiso).
Kulayan ng pula ang puso kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
paggalang sa paniniwala ng iba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tinawanan ni Khaled si Karen dahil may hawak itong


rosaryo.

2. Isinara ni Nasser ng marahan ang pintuan ng nakita


niyang nakatirapa si Aya sa pananalangin.

3. Nilakasan ni Junaid ang volume ng radio, nakita niyang


nanonood ng misa ang kapitbahay nila.

4. Sinabi ni Ali kay Sarah na ang Dios nila ay hindi totoo


dahil ang mga ito ay santo lamang at gawa ng tao.

Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang Sahara


5. at Vanessa tungkol sa kabutihan ng bawat Dios nila.

3
Paggalang sa Paniniwala
Aralin
ng Iba, sa Paaralan at
1 Pamayanan ng Naaayon
sa Surah Al-Ala
Sūrat al-Aʻlā , sa Arabic: ‫سورة األعلى‬, (Ang Kataas-taasan)ay ang ika-walumput
pitong surah ng Quran na may 19 na Qur'anayat.

Bismillah Hir Rahman Nir Raheem


Sa ngalan ni Allah, ang pinakamahabagin, ang pinakamaawain.

1. Sabbihisma Rabbikal A’laa


Luwalhatiin ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan,

2. Allathee khalaqa fasawwa


Na siyang lumikha (ng lahat ng bagay) at nagbigay ng kaayusan.

3. Wallathee qaddara fahada


At nagtakda ng kahihinatnan ng bawat isa at nagbigay ng patnubay (sa
sangkatauhan sa tuwid na landas);

4
4. Wallazeee akhrajal mar’aa
At nagpatubo ng mga damuhan at pastulan.

5. FajaAAalahu ghuthaan ahwa

Pagkaraan, ito ay kanyang ginawang maitim na pinaggapasan.


6. Sanuqri’uka falaa tansaaa
Aming ipabibigkas sa iyo (O Muhammad ang Quran) upang hindi mo
malimutan.

7. Illa ma shaa Allahuinnahu yaAAlamu aljahra wama yakhfa


Maliban sa anumang naisin ng Allah. Katotohanan, kanyang nababatid
ang amang nakahayag at anumang nakatago.

8. Wa nu-yassiruka lilyusraa
At aming gagawing magaan para sa iyo ang pagtungo sa (landas na)
magaan.

9. Fathakkir in nafaAAati aththikra


Kaya paalalahanan mo, (ang tao) kung ang pagpapaalala ay
makabubuti (para sa kanila).

5
10. Sa yazzakkaru maiyakhshaa
Sinumang natatakot (sa Allah) ay mapaaalalahanan.

11. Wayatajannabuha al-ashqa


Subali’t ito ay iiwasan ng mga (taong) sawimpalad.

12. Allazee yaslan Naaral kubraa


(Siya) na (papasok at) susunugin sa napakalaking apoy.
13. Thumma la yamootu feeha walayahya

Pagkaraan, doon siya ay hindi mamamatay at hindi mabubuhay.

14. Qad aflaha man tazakkaa


Katiyakan, nagtagumpay ang sinumang nagpakadalisay.

15. Wathakara isma rabbihi fasalla


At nakaaalala sa pangalan ng kanyang Panginoon at nagdarasal.

6
16. Bal tu’siroonal hayaatad dunyaa
Subali’t higit ninyong pinili ang buhay sa mundo.

17.Wal-akhiratu khayrun waabqa


Bagama’t ang kabilang buhay ay higit na mainam.

18. Inna haazaa lafis suhu fil oolaa


Katotohanan, ito ay nakatala sa mga naunang (banal na) kasulatan.
19. Suhufi ibraheema wamoosa

Sa mga kasulatan nina Abraham at Moises.

Tinatalakay ng surah na ito ang paggalang kay Allah nang inutusan


niya si Muhammad na luwalhatiin Siya.
Inilahad ni Allah ang kanyang mga gawa sa surah na ito, tulad ng
Kanyang mga nilikha at pati na rin ang kanyang pagbibigay ng mga
limitasyon at bahagi sa bawat nilikha. Nilikha niya ang mga pastulan kung
saan makakakuha ng mga hayop. Inilahad niya ang kanyang ama.
Ipinangako ni propetang Muhammad na hindi niya malilimutan ang
paghahayag pagkatapos matanggap ito mula sa Anghel Jibril.
Nabanggit ni Allah na ang mga taong sumusunod sa Kanya ay magiging
matagumpay sa hinaharap, ngunit hindi yaong higit na gusto ang
kasalukuyang buhay kaysa sa hinaharap kahit na ang hinaharap ay ang
pinakamahusay at walang katapusang tirahan, habang ang makamundong
buhay ay nakatatapos sa wakas.
Inilalarawan ng Al-Ala ang pananaw ng Islam tungkol sa pag-iral ng,
pagkakaisa ng Allah at banal na paghahayag, bukod pa dito ang pagbanggit
ng mga gantimpala at mga parusa. Ang sangkatauhan ay madalas na
nagtatago ng mga bagay sa bawat sarili at pati na rin sa kanilang sarili.
Pinaaalalahanan tayo ng Surah na alam ng Allah ang mga bagay na
ipinahahayag at ang mga bagay na nakatago. Ang huling taludtud ng Surah

7
ay nagpapatunay na ang isang katulad na mensahe ay inihayag din kina
Abraham at Moses sa kanilang mga banal na kasulatan.
Ang surah na ito ay bahagi ng serye ng Al-Musabbihat na nagsisimula
sa pagluwalhati kay Allah. Ito ay ang Makkan surah, unang pitong
pangungusap ni Ayath na ipinahayag sa pinakaunang mga taon ng buhay ni
Makkan.
Sinabi ng isa sa mga kasama ni Ali na ipinagdasal niya ng
dalawampung magkakasunod na gabi sa likuran niya at hindi niya binigkas
ang anumang surah, maliban sa Surah Al-Ala.
Ang Surah Al-Ala ay kabilang sa mga pinaka-binibigkas sa mg
panalangin ng Jummah at Witr.

“Katotohanan, sa Sugo ng Allah ikaw ay may isang mabuting


halimbawa na susundin, para sa kanya na umaasa (na makita ang) Allah
at ang Huling Araw at labis ang pag-alaala sa Allah. "(Quran 33:21)

8
Alamin ang mga mabubuting asal at mga pag-uugali. Pag-aralan at
sikapin na tularan ang mga kabutihang asal at pag-uugali ni Propeta
Muhammad (SAW), sa mga naninirahan sa paligid niya at sa lahat ng mga
matuwid na tao na nauna sa atin, kabilang ang lahat ng mga Propeta ng
Allah. Inaasahan ng Allah na kikilos tayo sa pinakamabuting paraan, kung
mabigo tayo minsan, sa gayon ay dapat tayong humingi ng kapatawaran at
subukan na gumawa ng mas mabuti.

Mga Tala para sa Guro


Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay
kinakailangan ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya
ang mga aralin at masagutan ng wasto ang mga gawain sa
kagamitang ito.

9
Tuklasin
A. Basahin at unawain ang maikling kuwento. Isulat ang iyong
kasagutan sa mga tanong na nakasulat sa huling bahagi ng
kuwento sa iyong sagutang papel.

Si Khaled: Ang Batang Muslim


ni: Anna Liza M. Soriano

May isang batang lalaki na ang pangalan ay Khaled. Siya ay isang


Muslim. Nag-aaral siya sa Mababang Paaralan ng Guagua at nasa ika-apat
na baitang. Magalang at mabait na bata si Khaled. Siya rin ay matalino at
maraming mga kaibigan, mapa-kristiyano o Muslim. Pati ang kanyang guro
na si Gng. Anna Soriano ay nalulugod sa kanya.
Ngunit siya ay may isang suliranin, ang iba niyang kamag-aaral ay
ginagawa siyang tampulan ng tukso. Lagi siyang inaasar ng mga ito. Sa
tuwing daraan siya sa may tindahan ni Aling Usta ay hindi siya lumilingon,
bagkus binibilisan niya ang kanyang mga hakbang sa pag-aalalang nandoon
ang mga kamag-aaral na sa tuwina’y nambubuyo sa kanya. Sa tuwing
nakalampas siya ng mapayapa ay napapausal siya ng panalangin ng
pasasalamat kay Allah.
Ngunit isang araw, nandoon sa may tindahan ang mga kamag-aaral na
iniiwasan niya. Binilisan niya ang kanyang lakad ngunit nahagip siya ng
tingin ng isa sa mga bata. Isa-isa siyang nilapitan at pinaligiran ng mga ito.

10
Sabi ng isa, “Hoy Khaled akala mo kung sino ka!,” sabay hampas sa balikat
niya.
Akma na siyang lalayo ng hilahin siya ni Berto, ang pinaka-matangkad
at lider ng grupo.” Porke natutuwa sa iyo ang mga kaklasi natin,
nagmamayabang ka na ha!”.
“Hindi ako nagmamayabang”, nais ko lang maging kaibigan ang lahat,
pati na rin kayo”.
“Kaibigan!”, patuyang sagot ni Lando.” “Hahaha!”, nagpapatawa ka ba
ha? Kami makikipag-kaibigan sa iyo!” (sabay tulak kay Khaled at ang bata ay
napaupo). Hindi kami nakikipag-kaibigan sa mga Muslim!”.
Nakita ng kaklase nilang si Albert ang ginawa ni Lando at dali-dali itong
tumakbo pabalik sa paaralan upang sabihan ang kanyang gurong si Gng.
Soriano tungkol sa eksenang kanyang nasaksihan at upang humingi na rin
ng tulong.
“Bakit ba ayaw ninyo akong maging kaibigan?” naluluhang tanong ni
Khaled.
“Gusto ko lang naman na makipaglaro at maging kaibigan din kayo”.
Dagdag niya.
“Hindi mangyayari iyan, ni sa panaginip mo!”. Mga kagaya lang naming
Kristiyano ang nais naming maging kaibigan”, sabi naman ng batang si Carlo
habang hila ang kwelyo ng kanyang uniporme. Akma na nitong susuntukin
si Khaled ngunit napahinto ng narinig nila ang sigaw ng isang boses na
pamilyar sa pandinig nilang lahat.
“Itigil ninyo yan!”, sigaw ng kanilang guro.
Biglang namutla ang mga batang pasaway ng makita ang kanilang
guro. Dagling binitawan ni Carlo si Khaled at yumuko ng animo maamong
tupa.
Lumapit ang guro sabay sabi na “Magsiuwi kayo sa inyong mga
pamamahay, bukas mag-uusap-usap tayo.
Kinabukasan, oras ng asignatura nila sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.
Ang paksa nila ay ang paglikha ng Dios sa mga tao. Tanong ng guro, “Mga
bata ng likhain ng Dios ang mga tao pare-pareho ba tayo ng wangis o anyo?”.
Nagtaas ng kamay si Roan, “Hindi po.” May maitim po, may maputi”.
“Ano pa?” tanong ni Gng. Soriano.
“Mayroon pong mataba at payat”, sagot naman ni Jane.
“Tama!”, sabi ng guro.

11
“Tayong lahat ay nilikha
ng Dios na pantay-pantay sa
kanyang paningin. Magkakaiba
man ang ating kulay, anyo,
kasarian, katayuan sa buhay
pati na rin sa relihiyon”, sabay
tingin sa panig ni Carlo.
“Nais ng Dios na lahat ng
kanyang nilikha ay
magmahalan sa isa’t isa.
Igalang ang bawat isa, anuman
ang kulay, kasarian at
relihiyon ng bawat isa. Iba-iba man ang tawag at paraan ng pagsamba natin,
ay iisa pa rin ang ating Dios na Maylikha sa lahat.
Biglang tumayo ang batang si Carlo at lumapit sa kinauupuan ni
Khaled.
“Khaled, patawarin mo kami”. Nauunawaan na namin ang aming
pagkakamali”. Nagsilapit na rin sina Berto, Lando at iba pa.
“Khaled, nais din naming maging kaibigan ka. Maaari ba?”
Tumayo si Khaled, sabay sabi na. “Oo, naman gustung-gusto ko”.
Nagkamayan sila bilang tanda ng kanilang pagpapataawad sa isa’t isa.
Pagdating nang recess, natanaw ng guro na masayang kumakain at
nagkukwentuhan ang grupo ni Carlo kasama si Khaled at iba pa nilang
kamag-aaral.
Napangiti si Bb. Soriano habang pinagmamasdan sila at pagkatapos ay
napasambit ng “Salamat po sa Dios”.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong hango sa kwentong binasa. Isulat
sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Sino ang batang Muslim sa kwentong binasa?

12
2. Ilarawan mo siya.

3. Ano ang pangalan ng kanilang paaralan?

4. Sino ang lider ng grupong umaway kay Khaled? Ilarawan mo siya.

5. Ano ang ginawang hakbang ni Albert ng makita niyang


pinagtutulungang i-bully si Khaled ng mga kamag-aral niya?

6. Maganda ba ang naging katapusan ng kwento? Ikuwento mo ang


parteng ito batay sa iyong pagkakaintindi sa kwento.

13
7. Iguhit mo nga ang batang si Khaled habang masayang kakwentuhan
ang kanyang mga kamag-aral.

Pagyamanin

Gawain 1

Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng magulang. Iguhit sa iyong


sagutang papel ang isang parisukat kung ang sitwayon ay nagpapakita
ng paggalang sa paniniwala ng iba at bilog kung hindi.

1. Maayos na kinakausap ni Maya ang bagong kaklaseng kabilang sa


Iglesia ni Cristo.
2. Pinagtatawanan ni Norhan ang kanyang kaibigan sa tuwing ito ay
nagsisimba.
3. Magalang na nagtatanong si Noba kay Dino tungkol sa kanilang ibang
paniniwalang panrelihiyon.
4. Iniiwan nina Mara at Clara si Almar tuwing maglalaro dahil siya ay
Katoliko at sila ay Muslim.
5. Bukas ang isipan at pakikinig ni Mateo sa mga paniniwala ni Ibrahim
at iginagalang niya ang mga ito.
6. Iniiwasan si Sahara sa kanilang lugar dahil iba ang kanyang paraan ng
pagsamba.
7. Hindi pinipilit ni Almar si Dianne na magsimba dahil ito ay may ibang
paniniwala.
8. Walang pumapansin kay Aamir sa kanyang klase dahil siya ay isang
Muslim.
9. Tanggap ni Carol na iba ang paraan ng pagsamba ni Ilmash sa Diyos.

10.Laging tinutukso si Zorayda sa kanilang lugar tuwing siya at


magpupuri sa Dios.

14
Gawain 2

Paano mo ipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Gumupit o


gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.
Idikit ito sa iyong sagutang papel at ipaliwanag.

15
Isaisip

Tayong mga Pilipino ay may iba’t ibang paniniwala tungkol sa Dakilang


Lumikha. Marami ang naniniwala sa Kristiyanismo. May Protestante, Iglesia
ni Kristo, Aglipayano at marami rin ang naniniwala sa Islam.

Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga Pilipino, mahalagang


igalang ang mga ito. Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba ay ang mga sumusunod:

1. Pakikipagkaibigan sa may ibang paniniwala


2. Paggalang sa lugar ng sambahan ng iba.
3. Pagkakaroon ng bukas na isipan at pag-respeto sa kanilang
paniniwala.
4. Paggalang sa kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan o pagsamba.

Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo sa araling ito?

Gumuhit ng ulap sa sagutang papel at isulat ang iyong sagot sa loob nito.

16
Isagawa

Gawain 1
Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang larawan na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba.
Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat sa sagutang papel.

17
18
Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang hindi katangian ni Khaled?
a. magalang
b. mabait
c. pala-kaibigan
d. pala-away

2. Si Gng. Soriano ay isang gurong ______________.


a. masungit
b. tamad
c. pabaya
d. maunawain
3. Sino ang batang tumulak kay Khaled kung kaya’t napaupo siya?
a. Berto
b. Lando
c. Albert
d. Cardo
4. Anong katangian ang ipinamalas ni Albert sa kwento?
a. matatarantahin
b. walang pakialam
c. tamad
d. alerto
5. Kung ikaw si Carlo, hihingi ka rin ba ng tawad kay Khaled?
a. po
b. hindi
c. siguro
d. pag-iisipan pa

19
Karagdagang Gawain
Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng bawat sitwasyon. Iguhit ang
masayang mukha kung tama at malungkot na mukha kung
mali.

______________1. Nirerespeto ng mga kaklase ni Ada ang kanyang relihiyon


bagaman siya ay isang Muslim at sila ay Kristiyano.

______________2. Pinagtatawanan nina Rico, Mark at Danilo ang kanilang


kaibigang si Abdul habang umaawit ng pang -Muslim.

______________3. Sinusulatan nina Norjehanne ang gamit ng kaklase nila na


Muslim.
______________ 4. Maingay sina Jannah, Farrah at Sitti sa loob ng Mosque
habang ang iba ay nananalangin.

_______________ 5. Magalang na nakikinig si Saharah sa paliwanag ng


kanyang kaibigan tungkol sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala.

20
21
1. Bismillah Hir
Rahman Nir
Raheem
2. Allathee
khalaqa
fasawwa
1. kahon
3. Sa yazzakkaru 2. bilog
maiyakhshaa 3. kahon
4. Wal-akhiratu 4. bilog
khayrun 5. kahon
waabqa 6. bilog 1. D
5. Suhufi
ibraheema
7. kahon 2. D
wamoosa 8. bilog 3. B
6. D 9. kahon 4. D
7. A 10.bilog 5. A
Subukin Pagyamanin Tayahin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Badrodin, Albaya, Garido, Rayhanna, Omar, Abdulqadir, Omar,
Fayda and Sawato, Mohammad Nor. Legal Bases on
MADRASAH Education Refined Elementary MADRASAH
Curriculum. Manila, Philippines: MGO Enterprises, 2014, pp. 100.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) - Teach Pinas.


2020. Teach Pinas.

22
“Katotohanan, sa Sugo ng Allah ikaw ay may isang
mabuting halimbawa na susundin, para sa kanya na
umaasa (na makita ang) Allah at ang Huling Araw at labis
ang pag-alaala sa Allah. "
(Quran 33:21)

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III- Bureau of Learning Resources


Management Section (DepEd Region-III LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like