You are on page 1of 32

3

Islamic Values
Education
Unang Markahan Modyul 3:
Pagpapakita ng
magagandang gawain na
nakasaad sa Surah al-
Bayyinah
Islamic Values Education– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagpapakita ng Magagandang Gawain na nakasaad sa
Surah al-Bayinnah
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Conrado G. Añonuevo


Editor: Ruel F. Bondoc
Tagasuri: Ruel F. Bondoc
Tagaguhit: Ronald C. Dare
Tagalapat: Roderick S. Sibug

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilathala sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Department of Education – Region III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis,
City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89; (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
3

Islamic Values
Education
Unang Markahan Modyul 3:
Pagpapakita ng
magagandang gawain na
nakasaad sa Surah al-
Bayyinah
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values
Education III ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling pagpapakita ng magagandang gawain na nakasaad sa
Surah al-Bayinnah.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

II
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Islamic Values Education III ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa pagpapakita ng
magagandang gawain na nakasaad sa Surah al-Bayinnah.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

III
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

IV
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay


Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga


tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

V
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

VI
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Layunin nito
na mapalawak ang inyong kasanayan sa larangan ng
pakikinig, pagbabasa, malikhaing pag-iisip at pagsagot nang
may kahusayan.

Sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang


matutunan ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga gawain na may katapatan at


pagkukusang loob na may kalakip na panalangin na
nakasaad sa Surah al-Bayyinah
2. Nalalaman ang mga nakasaad sa Surah al-Bayyinah
3. Naisasagawa ang mga gawain sa ibang kaparaanan na
may katapatan at pagkukusang loob na may kalakip na
panalangin na nakasaad sa Surah al-Bayyinah

Subukin

Narito ang mga Islamikong kataga at parirala na may


kahulugan. Isulat ang nawawalang letra sa bawat kahon upang
malaman ang buong salita. Pumili ng mga salita sa kahon.

1. Ito ay pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah


ng anuman.

2. Tumutukoy sa buong komunidad ng Muslim anuman ang


kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

1
3. Kabanata ng Qur’an

4. Ito ay ang Islamikong pagbati.

5. Ito ay ang panimulang salita ng lahat maliban sa isang


Surah sa Qur’an at ito ay nangangahulugang “Magsisimula
ako sa ngalan ni Allah .

6. Ito ay nangangahulugang loloobin ni Allah o kung


loloobin ni Allah (Diyos) na mangyari.

7. Ito ay nangangahulugang, ang lahat ng papuri at


pasasalamat ay para kay Allah

8. Ito’y tumutukoy sa pagdarasal ng mga Muslim

Bismillah Salah Du’a Surah


Ummah Alhamdulillah Assalam Alaikum

InshaAllah

2
Pagpapakita ng
Aralin
magagandang gawain
1 na nakasaad sa Surah
al-Bayyinah
Ang Surah na bumabanggit sa simula ng mensahe ng Qur’an
at ng kanyang Mensahero bilang patunay ng tiyak na pahayag
para sa mga nagtatalong mga Ahlul Kitab (tao ng kapahayagan)
at mga di- mananampalatay na mangmang sa kataga ng Diyos.
Ito ay pinalanganang “Al-Bayyinah” na nabanggit sa una at ika-
apat na talata. Ang Surah ay tumutukoy sa mga saligang doktrina
ng pananampalataya, at inihahambing ang Apoy ng Impiyerno
sa walang hanggang kaligayahan na tatamasahin ng isang
mananampalataya. Ang Surah ay kilala ay kilala rin bilang: Ang
malinaw na Katibayan, Ang Malinaw na Katunayan, Ang Malinaw
na Palatandaan Ang Ebidensiya.

Kung iyong susuriin ang Surah Al Bayinnah ay isang doktrina ng


ating mga kapatid na Muslim sa kanilang kaligtasan bilang
mananampalataya kay Allah . Bilang isang mag-aaral
tingnan natin ngayon ang simpleng Gawain kung paano mo
maipapakita ang iyong katapatan at pagkukusang loob sa mga
gawaing iyong sasagutin.
Tara na !!!

Balikan

Panuto: Ilagay ang masayang mukha sa kahon kung


nagpapakita ng katapatan at pagkukusang loob ang isang
gawain at malungkot na mukha naman kung hindi.

3
Tanong
1. Huwag ipokus ang direksyon sa Qiblah
habang ginagawa ang Salah.
2. Hindi ka dapat kumain o uminom habang
nagsasagawa ng Salah.
3. Huwag kang makipag- bati, maipag-usap
at magbigay pugay habang ginagawa
ang Salah
4. Huwag alisin ang pokus ng direksyon sa
Qiblah habang ginagawa ang Salah.
5. Habang nananalangin, pweding gawin
ang mga bagay-bagay kahit hindi
bahagi ng Salah.
6. Iwasan ang mga Gawain na makakasira
sa wudhu (paglilinis sa mga bahagi ng
katawan)
7. Tama bang makaligtaan ang
mahahalagang bahagi at Gawain sa
Salah.
8. Kung ang iyong Salah ay walang bias,
kailangan mong ulitin ito.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay


kinakailangan ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya
ang mga aralin at masagutan ng wasto ang mga gawain sa
kagamitang ito.

4
Tuklasin
Ang ating aralin ay hindi lamang tumutukoy sa mga gawain
para kay Allah upang maipakita ang iyong kabutihang loob.

Maipapakita rin natin ito sa ating kapwa tao at sa


pagmamahal sa kapaligiran.

Ating suriin naman ang isang awitin na may kinalaman sa


katapatan at pagkukusang loob. Kung alam mo ang awitin
inaanyayahan kitang awitin at bigyan ng madamdaming pag-
awit.
KAPALIGIRAN
(Asin)

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin sa langit natin matitikman
Mayroon lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan


Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Bakit 'di natin pagisipan

5
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon


Mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos
Kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi,
tayo'y mawawala na

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa awitin iyong

6
kinanta o pinakinggan.

1. Sa pagmamahal mo kay
Allah , mahalaga bang
mapangalagaan ang ating
kalikasan? Paano (5puntos)

2. Ngayong alam mo na ang


pagmamahal sa kalikasan ay
nakalulugod kay Allah , para sa
iyo, Gaano kahalaga ang ating
kalikasan? (5puntos)

3. Magaling!!! Ang islogan ay mga


lipon ng mga salita na may
maikling mensahe, na madaling
matandaan ng mga tao.
Tanong: Ano ang slogan mo
para sa pagpapahalaga at
katapatan mo sa ating
kalikasan? (5puntos)

7
Suriin
Ang lipunan ng tao ay hindi maaaring gumana nang
walang institusyon ng mga pangako at kasiguraduhan ng
katuparan nito. Ito ay obligado upang matupad ang mga
pangako at mga tipan, at haram (bawal) na sirain ang mga ito at
kumilos sa isang mapanira na paraan. Sa Islam dapat nating
palaging isagawa ang ating pagpayag (willingness) at katapatan
(Ikhlas) (sincerity). Ang bawat isa sa mga kagandahang asal na ito
ay nagtataglay ng kaugnayan kay Allah at kaugnayan sa
mga tao at kalikasan.

Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng bilog ang kahon kapag ang sitwasyon
ay may kaugnayan sa tao. Bituin naman kung may kaugnayan
sa kalikasan, at tatsulok naman kung may kaugnayan kay Allah.

1. Ang kalikasan natin ay mahalaga sa atin.


Binibigyan tayo nito ng pagkain, damit at
iba pang mga bagay na tumutulong sa atin
upang mabuhay. Ngunit nasisira na ang
ating kalikasan dahil sa masasamang
ginagawa natin dito. Tulad ng pagtapon
kung saan-saan, pagpuputol ng mga puno
at pagpatay sa mga hayop na malimit ng
maubos.

2. Si Abdul Rahman ay isa sa mga namumuno sa


kanilang lugar. Nakilala siya dahil sa
kanyang katalinuhan, katapatan at sa

8
mahigpit at maayos na pamamalakad sa
panunungkulan. Sa pamumuno niya,
umunlad at namuhay nang tahimik at
sagana ang mga taga San Rafael. Mahigpit
niyang ipinasunod ang mga batas at ang
sinumang lumalabag sa ipinag-uutos niya ay
pinarurursahan.
3. Si Norje ay isang mabuting bata. Bata pa lang
siya ay may kahiligan na siyang magpunta sa
bahay sambahan ng mga Muslim. (Mosque).
Sa murang edad niya marami ng pumupuri
at tunay kinagiliwan ang kanyang ugali.
Lumaki si Norje ng may mabuting pamilya
dahil hindi siya sumusuway sa mga utos ng
Panginoon. Ang kanyang mga anak ay
tumulad din sa kanyang nakalikhang ugali.
4. Nakita niyo ba ang ating kapaligiran? Hindi
bat kay ganda? Ang tubig ay napakalinis,
maraming gubat din ang matatamo pati na
rin an gating paligid, ito’y napakaganda
dahil wala man kalat na makikita. Pero ang
paligid natin ngayon napansin na ba natin?
Napansin na ba natin ang malaking
pagkakaiba nito sa dati nating
kapaligiran?

5. Si Farhan sy isang batang Muslim. Sa kanyang


pag-aaral napagtanto niya na marunong
siyang magpinta. Nadiskubre ng kanyang
guro ang kanyang talento kaya halos ng
kanyang mga kaklase ay sa kanya na
nagpapagawa ng mahihirap na drowing
na di kaya ng kanyang mga kaklase.
Gawain 1: Pagsamasamahin

9
Panuto: Ilagay sa lobo ang mga kilos na kinalulugdan ni Allah at
ilagay naman sa basurahan ang mga kilos na di-
kaayaaya sa paningin ni Allah .

Ginagawa ang pagsamba


sa araw ng Biyernes

Ang pagsamba ay Kapag nasa loob ng Moske


ang unang ang isang Muslim ay dapat
pinahahalagahan malinis

Panatilihin ang
Maging tapat sa ano mang
pagiging mapagmataas
gawain
habang nasa Moske

Nagsa Salah habang ang


Lumilingon- lingon
pagkain ay inihahanda para
habang nagsa Salah
kumain

10
11
Gawain 2: PagsumikapanMo!
Panuto: Basahin ang maikling kwento. Sagutin ang katanungan
pagkatapos nito. Ilagay ang sagot sa loob ng “speech
balloon”.

Muhammad: Ang Batang Masipag


ni : Conrado G. Añonuevo

Dati ay maralita lamang si


Muhammad. Siya ay isang
batang Muslim. Ngayon ay
milyunaryo na siya. Hindi kagyat
ang kanyang dinaanang mga
pagsubok upang maging isang
ganap na milyunaryo. Ngayon
ay ipapaalam ko sa inyo kung
bakit siya naging mayaman at
gaano siya nagpursiging
makuha ito.
Sa isang maliit na baryo ay
mga isang maralitang batang lalaki nangangalang
Muhammad. Siya ay ang nag-iisang anak nina Mang
Abdul at Aling Salem. Kahit kapos sila sa pera ay
nakakapag aral pa rin si Muhammad dahil siya ay iskolar
sa isang unibersidad.
Ang kanyang ina ay labandera lamang
samantalang ang kanyang ama ay drayber lamang ng
trisiklo. Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay nagsikap si
Muhammad na maghanap ng mga tira-tirang bote’t
bakal sa basurahan para ito’y maibenta at
makadagdag sa ipong kinikita ng pamilya. Nagsisipag
din siya sa paglalako ng puto’t kutsinta tuwing hapon
kapag tapos na ang kanilang klase.

12
Kahit na mahirap ang
kanyang mga ginagawa ay
binalewala lang niya ito.
Kada gabi ay nagsusunog
siya ng kilay dahil sa
pagbabasa ng libro kaya
naman ay matataas ang
mga markang kanyang
nakukuha sa lahat ng asignatura.
Dahil sa kakulangan nila ng pera ay tinigilan niya
muna ang pagbebenta ng bote’t bakal at paglalako ng
puto’t kutsinta upang mamasukan bilang isang katulong
sa murang edad na 17 dahil magiging malaki-laki ang
kanyang kikitain sa trabahong ito.
Mga ilang taon ang nakalipas ay nakapagtapos na
siya ng kanyang pag-aaral kaya naman ay huminto na
siya sa pagiging isang katulong. Ang kanyang natapos na
kurso ay nars. Dahil sa magandang rekorde ng kanyang
mga grado ay natanggap siya sa isang malaking hospital
sa Maynila. Nagtrabaho siya dito ng 7 taon na nagsilbing
eksperyensa.
Nagpasya siyang mag-abroad sa America upang
lumaki ang kanyang sahod, makapagpatayo ng
negosyo’t makapagggawa ng bahay. Mga 20 taong
nakalipas ay yumaman siya ng lubos kaya naman siya ay
nakapagpatayo na siya ng karinderya, 5 bahay at
nakapagpagawa na rin siya ng paupahang bahay kaya
naman ay mas lumaki ang kanyang kinikita.
Pinagawan niya ng malaking bahay ang kanyang
mga magulang at tumutulong pa siya sa mga nasalanta
ng bagyo at mga taong mahihirap. Dahil sa kanyang
angking katapatan at pagpupusrsige ay naging
inspirasyon suya ng mga maraming kabataan.

13
Tanong: Sa palagay mo bakit nag-iba ang katayuan sa
buhay ni Muhammad? Anong mga katangian
niya ang dapat mong tularan? (10puntos)

14
Isaisip
Ang Surah al-Bayinnah
Mga Bersikulo
Sa Ngalan ng Allâh , ang Pinakamahabagin, ang
Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Hindi tinalikuran ng mga walang pananampalataya na mga
‘Ahlil Kitâb’ – nagtatangan ng Kasulatan na mga Hudyo at
mga Kristiyano, at ng mga ‘Mushrikîn’ – nagtatambal o
sumasamba ng iba bukod sa Allâh ang kanilang maling
paniniwala, hanggang dumating sa kanila ang malinaw na
palatandaan na ipinangako sa kanila ayon sa mga naunang
kasulatan.
ُْ‫َلمْ يَ ُكنْ َّالذينَْ َكف َُروْا منْ أَهلْ الكتَابْ َوال ُمشركينَْ ُمنفَكينَْ َحتَّىْ تَأتيَ ُه ُْم البَينَة‬
Lam yakuni allatheena kafaroo min ahlialkitabi
walmushrikeena munfakkeena hattata/tiyahumu albayyina
2. At ito ay ang Sugo ng Allâh na si Muhammad (saw) na
nagbibigkas sa kanila ng Qur’ân na nasa dalisay na pahina
(Kasulatan).
ً‫ط َّه َرْة‬ ُ ‫ّللا يَتلُو‬
َ ‫ص ُحفًاْ ُّم‬ َّْ َْ‫سولْ من‬
ُ ‫َر‬
Rasoolun mina Allahi yatloo suhufanmutahhara
3. Nasa mga Kasulatan na yaon ang mga totoong salaysay at
makatarungang pag-uutos, na naggagabay tungo sa
katotohanan at tungo sa matuwid na landas.
. ْ‫في َها ُكتُبْ قَي َمة‬
Feeha kutubun qayyima
4. At hindi nagkasalungatan ang mga nagtatangan ng
kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano sa pagiging tunay
na Sugo ni Muhammad; na nakikita nila ang kanyang
katangian sa kanilang kasulatan, maliban sa pagkatapos nilang
mapatunayan na siya ang Propeta na ipinangako sa kanila sa
‘Tawrah’ at ‘Injeel,’ at sila ay nagkakasundu-sundo sa pagiging
totoo ng kanyang pagiging Propeta subali’t nang siya ay
dumating sa kanila ay tinanggihan nila at nagkawatak-watak
sila.
َْ ‫َو َما تَف ََّرقَْ َّالذينَْ أُوتُوْا الكت‬
ُْ‫َاب إ َّّلْ من بَعدْ َما َجا َءت ُه ُْم البَينَة‬

15
Wama tafarraqa allatheena ootooalkitaba illa min baAAdi ma
jaat-humualbayyina
5. At walang ipinag-utos sa kanila sa lahat ng batas sa kasulatan
kundi sambahin lamang nila ang Allâh na Bukod-Tangi, na
ang kanilang hangarin sa kanilang pagsamba ay makatagpo
nila ang Allâh, na lumayo sila sa pagtatambal patungo sa
tamang paniniwala, at isagawa nila ang ‘Salâh,’ at ibibigay
nila ang kanilang ‘Zakâh’ (obligadong kawanggawa), at ito
ang Matuwid na Relihiyon, na ito ay ang Islâm.
‫ۚ َو َذلكَْ دينُْ ال َقي َم ْة‬ َّ ‫ّللا ُمخلصينَْ َل ُه الدينَْ ُح َنفَا َْء َويُقي ُموْا ال‬
َّ ‫ص ََلْةَ َويُؤتُوْا‬
ْ َ‫الزكَاْة‬ َّْ ‫َو َمْا أُم ُروْا إ‬
ََّْ ‫ّل ل َيع ُبدُوْا‬
Wama omiroo illa liyaAAbudooAllaha mukhliseena lahu addeena
hunafaawayuqeemoo assalata wayu/too azzakatawathalika
deenu alqayyima
6. Katiyakan, ang mga yaong hindi naniwala mula sa mga Hudyo
at mga Kristiyano, at mga nagtambal o sumamba ng iba
bukod sa Allâh , ang parusa para sa kanila ay Impiyernong-
Apoy magpasawalang-hanggan, at sila ang pinakamasama
sa mga nilikha.

ْ‫ن َّالذينَْ َكف َُروا منْ أَهلْ الكتَابْ َوال ُمشركينَْ في نَارْ َج َهنَّ َْم خَالدينَْ في َها ْۚ أُو َلئكَْ هُمْ ش َُّْر ال َبريَّة‬
َّْ ‫إ‬
Inna allatheena kafaroo min ahli alkitabiwalmushrikeena fee nari
jahannama khalideenafeeha ola-ika hum sharru albariyya
7. Katiyakan, ang mga yaong naniwala sa Allâh at sumunod sa
Kanyang Sugo at gumawa ng mga kabutihan ay sila ang
pinakamabuti sa mga nilikha.
. ْ‫صال َحاتْ أُو َلئكَْ هُمْ خَي ُْر البَريَّة‬ َ ‫ن َّالذينَْ آ َمنُوا َو‬
َّ ‫عملُوا ال‬ َّْ ‫إ‬
Inna allatheena amanoowaAAamiloo assalihati ola-ika
humkhayru albariyya
8. Ang kanilang gantimpala na nasa kanilang ‘Rabb’ na
Tagapaglikha sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay mga Hardin
na pinakamagandang patutunguhan at tirahan, na umaagos
sa ilalim ng mga palasyong ito ang mga ilog, na mananatili sila
roon magpasawalang-hanggan, kinalugdan sila ng Allâh
kaya naging katanggap-tanggap ang kanilang mga
mabubuting gawain, at ganoon din sila sa Allâh , nalugod
din sila dahil sa inihanda sa kanila na iba’t ibang uri ng
karangalan, at ito ang mabuting gantimpala sa sinumang
natakot sa Allâh sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng
Kanyang mga ipinag-utos at pag-iwas sa lahat ng Kanyang

16
ipinagbawal, at iniwasan ang paglabag sa Kanya.

‫ضوْا‬
ُ ‫عن ُهمْ َو َر‬
َ ‫ّللا‬ َ ‫ار خَالدينَْ في َها أَبَدًا ْۚ َّرض‬
َُّْ ْ‫ي‬ ُْ ‫عدنْ تَجري من تَحت َهاْ اْلَن َه‬
َ ُْ‫َجزَ ا ُؤهُمْ عن َْد َربهمْ َجنَّات‬
َ ‫عن ْهُ ْۚ ذَلكَْ ل َمنْ خَش‬
ْ‫ي‬ َ
Jazaohum AAinda rabbihim jannatuAAadnin tajree min tahtiha
al-anharu khalideenafeeha abadan radiya Allahu AAanhum
waradooAAanhu thalika liman khashiya rabbah

Isagawa

Ngayong alam mo na ang 8 bersikulo ng Surah al


Bayinnah na tungkol sa kaligtasan ng isang tao, sa iyong
munting kakayahan at bilang isang mag-aaral sa ikatlong
baitang paano mo maisasagawa ng may katapatan at
may pagkukusang loob ang mga nabanggit na bersikulo
sa Surah al Bayinnah?
Sumulat ng isang talata sa iyong sagutang papel na may
5 hanggang 10 pangungusap sa at ilagay ang sagot sa
ibaba.

17
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
18
__________________________________________________________________________
Tayahin

Panuto: Punan ang patlang ng salita/mga salitang mabubuo sa


konsepto ng Surah Al’Bayinnah

Ang Maliaw na
Doktrina Al’Bayinnah
Katibayan

Apoy ng Ahlul Kitab


Qur’an
Impiyerno

Ang Malinaw Surah


Ang Malinaw
na
na Katunayan
Palatandaan

Mananampalataya

Ang (1)_______________ na bumabanggit sa simula ng


mensahe ng (2) _______________ at ng kanyang
Mensahero bilang patunay ng tiyak na pahayag para sa
mga nagtatalong mga (3) _______________ (tao ng
kapahayagan) at mga di-mananampalatay na
mangmang sa kataga ng Diyos. Ito ay pinalanganang (4)
_______________ na nabanggit sa una at ika-apat na
talata. Ang Surah ay tumutukoy sa mga saligang
(5) _______________ ng pananampalataya, at
inihahambing ang (6) sa

19
walang hanggang kaligayahan na tatamasahin ng isang
(7) . Ang Surah ay ay
kilala rin bilang: (8,9,10) ,
(8,9,10) ,
(8,9,10) Ang Ebidensiya.

20
Karagdagang Gawain
#Magnilaynilay ka.
Sa kasukuyan, nasasadlak ang ating bayan sa mabigat na
suliranin at bilang isang tulong sa gawaing ito inaatasan kitang
gumawa sa sagutang papel ng isang malayang taludturan na
tula na may dalawang saknong lamang. Ang nilalaman ng tula ay
tungkol sa mga kagandahang asal na natutuhan mo sa araling ito.
(15 puntos)

21
Susi sa Pagwawasto

22
Sanggunian
Badrodin, Albaya, Garido, Rayhanna, Omar, Abdulqadir, Omar,
Fayda and Sawato, Mohammad Nor. Legal Bases on
MADRASAH Education Refined Elementary MADRASAH
Curriculum. Manila, Philippines: MGO Enterprises, 2014. pp. 100.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) - Teach Pinas.


2020. Teach Pinas.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III- Bureau of Learning Resources


Management Section (DepEd Region-III LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

Conrado G. Añonuevo Angelica M. Burayag Ruel S. Bondoc


Writer Education Program Supervisor Education Program Supervisor
August 10, 2020 DepEd Region III Division of Pampanga
August 10, 2020 August 10, 2020

You might also like