You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 3

S.Y. 2023-2024

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
COGNITIVE PROCESS
N
DIMENSIONS
o.
N
of 60% 30% 10%
o
D
.
a
o U Item
Most Essential Learning y R
f nd A Placem
Competencies s e A E Cr
It m er na ent
T pp va ea
e e st ly
a lyi lu tin
m m an zi
u ng ati g
s be di ng
g ng
rin ng
ht
g

Nakapagpapadama ng malasakit sa 10 13 3 2 3 2 2 1 1-13


kapwa na may karamdaman sa
pamamagitan ng mga simpleng
gawain

pagtulong at pag- aalaga,

pagdalaw, pag-aliw at

pagdadala ng pagkain o

anumang bagay na kailangan

Nakapagpapakita ng malasakit sa
may mga kapansanan sa
16 10 2 2 2 2 2 13-23
pamamagitan ng:

a.pagbibigay ng simpleng

tulong sa kanilang

pangangailangan

b.pagbibigay ng pagkakataon

upang sumali at lumahok sa mga

palaro o larangan ng isport at iba

pang programang pampaaralan

c.agbibigay ng pagkakataon

upang sumali at lumahok sa

mga palaro at iba pang

paligsahan sa pamayanan

Naisasaalang-alang ang 10 7 1 1 1 1 1 2 23-30


katayuan/ kalagayan/ pangkat
etnikong kinabibilangan ng kapwa
bata sa pamamagitan ng:
pagbabahagi ng pagkain, laruan,
damit, gamit at iba pa

Nakapagpapakita nang may 10 10 2 2 2 2 2 31-40


kasiyahan sa pakikiisa sa mga
gawaing pambata
Hal.
• Paglalaro
• programa sa paaralan (paligsahan,
pagdiriwang
at iba pa)

TOTAL 46 40 8 7 8 7 5 5 40

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 3

Pangalan: _________________________________________ Petsa: __________________


Baitang at Seksiyon_______________________Guro: ______________________________

I.Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Masakit ang ngipin ng iyong nakababatang kapatid. Oras na ng pananghalian at


hindi pa umuuwi ang inyong nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Patutulugin ko na lang ang aking kapatid
C. Hihintayin ko ang nanay hanggang makauwi
D. Bibigyan ko muna siya ng pagkaing malambot upang hindi siya mahirapang
kumain
_____ 2. Nadatnan mong nakahiga ang iyong nanay pagkauwi mo mula sa paaralan.
Masama ang kaniyang pakiramdam. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang
pagtulong at pag-aalaga sa iyong nanay na may sakit?
A. Hihintayin ko ang pagdating ng tatay
B. Magpapatulong sa nakatatandang kapatid sa pagluto ng sopas upang may
makain si nanay
C. Paiinumin ko siya ng kahit na anong gamot upang siya ay gumaling
D. Lahat ng nabanggit
______ 3. May benda ang sugatang binti ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan dahil
sa aksidente. Nakasaklay pa siya pagpasok sa inyong silid-aralan. Paano mo
maipakikita ang pagmamalasakit sa kaniya?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Aayain ko siyang maglaro sa labas
C. Aakayin siya at hindi na gagamitin ang saklay
D. Hindi ako maglilikot upang hindi ko masagi ang kaniyang binti
______ 4. Sumasakit ang likod ng iyong lolo. Tinawag ka niya upang magpatulong na
bumangon sa higaan ngunit hindi mo kaya dahil sa iyong kaliitan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Hihintayin kong makauwi ang tatay
C. Magdadahilang masakit ang katawan ko
D. Manghihingi ako ng tulong sa aking mga nakatatandang kapatid
_______ 4. Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga
taong may sakit?
A. Pagkamahiyain
B. Pagkamalikhain
C. Pagmamalasakit
D. Pagkamadasalin
_______ 5. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas ng
kaniyang ilong at pantakip sa kanyang bibig tuwing uubo. Pinagtatawanan siya
ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano ang
iyong gagawin?
A. Makikitawa rin ako
B. Huwag pansinin ang kaklase
C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
_______ 6. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may sakit ang
iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng hapunan.
Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-gusto
mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
A.Maglalaro muna saglit
B. Aawayin ang mga kaibigan
C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay
D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
_______ 7. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong
kapwang may sakit? Sa pamamagitan ng _____________.
A.pagbabalewala
B. paghingi ng pera
C.pakikipaglaro sa kanila
D.pagtulong at pag-aalaga
_______ 8. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng iyong lolo sa
buong araw kaya hindi niya nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano kaya ang
nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
A.Nagagalit sa iyong pakikialam
B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin
C.Nagsasawa nang uminom ng gamot
D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga.
________ 9. Sa simple mong paraan, ano ang maaari mong magawa para sa kaibigang
may sakit?
A. Bigyan ng maraming kendi
B. Dadalhin sa mamahaling ospital
C. Hahandugan ng kanta para maaliw
D. Bibilhan ng tsokolate at mga tsitsirya
_______ 10. Nabalitaan mong may malubhang sakit ang iyong pinsan. Ano ang gagawin
mo?
A. Dadalawin at aaliwin
B. Wala nang magagawa
C. Hindi na lang papansinin
D. Pagagalitan dahil nagkasakit
_______ 11. Dinalaw mo sa kanilang bahay ang kaklase mong may sakit. Tungkol saan ang
pwede ninyong pag-usapan upang siya ay sumigla?
A. Problemang dulot ng pagkakasakit
B. Pag-aaway ng mga kaklase sa loob ng klase
C. Masasayang pangyayari na naganap sa klase
D. Malulungkot na pangyayaring naganap sa klase
_______ 12. Ang dalawin at aliwin ang taong may sakit ay isang kaugalian na nagpapakita
ng ____________________.
A. pagkamatalino
B. pagmamalasakit
C. pananampalataya
D. pakikialam sa ibang tao
_______ 13. Nakatutulong ba ang paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga taong may
karamdaman upang mapabilis ang kanilang paggaling? Bakit?
A. Hindi, dahil wala itong bisa
B. Hindi, dahil hindi ito nakagagamot
C.Oo, dahil malakas ang kapangyarihan mo
D.Oo, dahil sa taimtim na dasal ay walang imposible
________ 14. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang pagbibigay
mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga luho.
C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto nila.
________15. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang maaari mong
maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit ngunit
maaayos pa.
________ 16. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang pilay.
Hindi mo ito kayang ipagtanggol dahil mas malalaki pa sila sa iyo. Ano ang
maaari mong gawin upang makatulong?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Aalis ako dahil maaari akong madamay.
C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o matanda na
maaaring makatulong.
________ 17. May paligsahan para sa mga may kapansanang may kahusayan sa isports.
Sang-ayon ka ba na bigyan ito ng halaga? Bakit?
A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga tao.
________ 18. Paano mo masasabing nangangailangan ng tulong ang mga may
kapansanan?
A. Kadalasan sa kanila ay tamad.
B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye.
C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa kanilang
kapansanan.
II. Lagyan ng / kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa na may
kapansanan, at X naman kung hindi.

_________ 19. Nakita mo ang kulay berde sa ilaw-trapiko. Tumawid na ang lahat na
naghihintay sa gilid ng kalsada. Napansin mo ang isang matandang
nahihirapan sa pagtawid. Inakay mo siya at sabay kayong tumawid.
_________ 20. Nahihiya kang tumulong sa batang bulag na nadapa sa labas ng simbahan
dahil gusgusin ito.
_________ 21. Dumaan ka sa eskinita at nakakita ka ng isang lumpo na Ale na nagtitinda ng
masarap at malinis na kakanin. Gusto mo ang kakanin ngunit mas pinili mong
bumili sa mall dahil ayaw mong lumapit sa aleng lumpo.
_________ 22. Bulag ang kaklase mo kaya alam mong hindi ka niya makikita kung kukunin mo
ang kaniyang baon. Subalit mas pinili mong huwag itong gawin at bagkus ay
tiisin na lamang ang iyong gutom.
_________ 23. Ginawa mong katuwaan ang panggagaya ng pagsasalita ng kaklase mong
ngongo.

III. Sagutin ng TAMA kung nagpapkita ng malasakit at pagtanggap sa ibang pangkat etniko
at MALI naman kung hindi.

_________ 24. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.

_________ 25. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.

_________ 26. Makipagkaibigan sa bagong kaklase na isang Igorot.

_________ 27. Sinabihan mo ang mga kaklase mo na layuan ang kaklase ninyong Badjao.

_________ 28. Tinulungan mo ang isang batang Ita na nakita mong nadapa.

_________ 29. Hindi mo pinapansin ang kapitbahay ninyong bagong lipat dahil isa siyang
Bisaya.

_________ 30. Magpakita ng malasakit sa bawat isa kahit ano mang pangkat etniko ang
kinabibilangan.

IV. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon. Iguhit ang kung ito ay nagbibigay
sa iyo ng kasiyahan at pakikiisa, at naman kung hindi.

_______31. Pagsali sa paligsahan sa paaralan


_______32. Pakikiisa sa mga gawain sa pamayanan
_______33. Pakikipaglaro sa ibang mga bata
_______34. Pakikilahok sa Brigada Eskwela
_______35. Pagsali sa mga pangkatang gawain
_______36. Kasamang masaya ang ibang bata sa pagtatanim
_______37. Mag-isang naglalaro
_______38. Sumasayaw sa entablado
_______39. Sumasali sa mga paligsahan sa pag-awit
_______40. Nakikilahok sa mga kaganapan tuwing scouting month
SUSI SA PAGWAWASTO SA ESP
PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

1. D
2. B
3. D
4. D
5. C
6. D
7. D
8. D
9. C
10. A
11. C
12. B
13. D
14. A
15. C
16. C
17. B
18. C
19. /
20. X
21. X
22. /
23. X
24. MALI
25. TAMA
26. TAMA
27. MALI
28. TAMA
29. MALI
30. TAMA
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.

You might also like