You are on page 1of 3

Panapos na Pagtataya Quarter 2

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa patlang.

_____1. Ngayong pandemic, nabalitaan mo na ang iyong guro ay may sakit, ano ang dapat
mong gawin?
A. Hindi papansinin C. Pupuntahan sa bahay
B. Kukumustahin sa telepono D. Matutuwa sa nangyari

_____2. Sumasakit ang ngipin ng nakababata mong kapatid, paano mo ipakikita ang iyong
pagmamalasakit sa kanya?
A. Pagsisepilyuhin ko siya.
B. Dadalhin ko siya sa dentista.
C. Aawayin ko siya para lalo pang umiyak
D. Makikipaglaro sa kanya upang malibang at malimutan na masakit ang kanyang
ngipin.

_____3. May pangkatang pagpipresenta ang inyong klase. Kagrupo mo ang kaklase mong
pipi at bingi. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi siya isasali C. Isasali sa presentasyon pero nasa likod
B. Isasali siya sa pangkatang gawain D. Gagayahin mo siya sa kanyang pagsenyas
_____4. Napansin mo na mali ang bilang ng kaklase mong malabo ang paningin, paano mo
siya itatama?
A. Tuturuan ko nang tamang pagbibilang.
B. Tuturuan ko siyang bumilang nang pasigaw.
C. Lolokohin siya dahil mali ang kanyang pagbibilang.
D. Tatawanan ko muna bago ko ituro ang tamang pagbibilang

_____5. Nagkaroon ng proyektong “Laruan mo, ibahagi mo” sa inyong klase na mapupunta sa
mga batang Tausug. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibabahagi ko ang aking laruan.
B. Kukunin ko ang laruan ng kapatid ko.
C. Hindi ko susuportahan ang programa.
D. Pipiliin kong ibigay yung mga sira kong laruan.

_____6. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaisa?


A. Si Marga na nagtatago upang hindi mabigyan ng gawain.
B. Si Sheena na lider ng grupo ang gumawa lahat ng kanilang proyekto
C. Ang ikatlong baitang pangkat Unity ay nagtutulungan sa kanilang proyekto.
D. Ang samahan ng mga mag-aaral na nagtatalo talo sa kanilang gagawing proyekto.
_____7. Ang sumusunod ay mga paraan kung paano aaliwin ang maysakit MALIBAN sa isa. Alin
ito?
A. Sasayawan. C. Kakantahan sa malambing na boses.
B. Aawitan nang pasigaw. D. Kukwentuhan ng masasayang pangyayari.
_____8. Alin ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa may mga kapansanan?
A. Hindi nakikipaglaro sa kanila C. Tinatawanan ang may kapansanan
B. Ginagaya ang may kapansanan D. Tumutulong sa mga may kapansanan
_____9. Si Mila ay galing sa probinsya, kayumanggi ang kanyang balat. Si Zoey naman ay may
makinis at maputing balat. Mahirap lamang sina Mila at mayaman naman sina Zoey. Ano
ang ipinakikita sa sitwasyong ito?
A. Ang mga may kayumangging balat ay mahihirap.
B. Ang mga makinis at mapuputing balat ay mayayaman.
C. Magkakaiba man ang katayuan at kalagayan sa buhay ng bawat tao kailangan
nating tanggapin at igalang.
D. Maswerte ang mayaman at kawawa ang mahirap.

_____10. Magkakaroon ng palatuntunan sa inyong paaralan at isa ka sa napiling sumayaw. Ano


ang dapat mong gawin upang maipakita mo ng maayos ang pagsasayaw?
A. Mag-ensayo kung malapit na ang palatuntunan.
B. Mag-ensayo nang mabuti at sumayaw ng buong husay.
C. Sabihin na maghanap na lang sila ng ibang sasayaw.
D. Wala akong gagawin.
Panapos na Pagtataya
Quarter 2
Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 3

Ket to Correction
EsP Gr.3
1 B
2 A
3 B
4 A
5 A
6 C
7 B
8 D
9 C
10 B

You might also like