You are on page 1of 6

La Salette of Quezon, Inc.

Samonte, Quezon, Isabela

Elementary
SY 2020-2021

LEARNING MODULE
Filipino 5
Unang Kwarter , Ikalawang Linggo

LSQ: ONE WITH YOU!

La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Elementary


FILIPINO 5
1|Page
SELF-LEARNING MODULE (SLM)
Unang Kwarter, Ikalawang Linggo

I. Asignatura……….Filipino 5
Magandang Araw sayo Saletino! Kapayapaan at kabutihan. Sa linggong ito ating pag-aaralan ang
paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay. Handa ka na ba? Simulan na.
II. Pamantayan ng Asignatura sa Unang Kwarter
A. Pangnilalaman………. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
B. Pagganap………. Nasasaulo ang isang tula/ awit na napakinggan at naisadula ang isang isyu o paksa
mula sa tekstong napakinggan.
C. Kasanayang Pampagkatuto……….Pagkatapos ng unang kwarter, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nagagamit ng pangngalan at panghalip sa pagtatalakay tungkol sa sarili, sa, mga tao, lugar, bagay
at pangyayari sa paligid (F5WG-Ia-e2)
b. nabibigyan ng kahulugan ang tulang napakinggan sa pamamagitan ng mga kilos.
c. naipapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
d. napagsunod-sunod sa pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas.
e. nasasagot sa mga tanong tungkol sa pinanood

Atin nang simulan ang unang aralin sa linggong ito. May gabay sa kung anong araw mo aaralin ang
bahagi ng modyul (Unang Araw, Ikalawang Araw, atbp), ngunit maari ring ituloy-tuloy kung nais mo.

Ikalawang Linggo……….Aralin 2
Unang Araw: Paggamit nang wasto sa mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga
tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan.

A. Panimula
Narito ang mga layunin natin sa ikalawang Linggo: Mahasa ang iyong kakayahan sa:
1. paggamit nang wasto sa mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan,
2. pagbibigay ng Kahulugan sa Tulang Napakinggan sa Pamamagitan ng mga Kilos,
3. pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan,
4. pagsunod-sunod sa Pangyayari sa Kwento sa Pamamagitan ng Nakalarawang Balangkas, at
5. pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Pinanood.
B. Pagganyak
Sa araw na ito ay matutuhan mong gamitin ang pangngalan at panghalip sa pagtatalakay tungkol sa
sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid. Sagutin ang nasa Simulan Natin sa inyong
LAS. Isulat ang sagot sa GAWAIN #1: Simulan Natin sa inyong LAS. Sundin ang panuto. Maglaan
lamang ng 5 minuto para dito.

Handa ka na ba? Kung gayon, umpisahan na ang pagsagot.


Mahusay! Napakagaling mo sa pagsunod sa ibinigay na panuto. Makatutungo ka na sa susunod.

Suriin Natin
Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagngangalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at mga
pangyayari.

Mga Uri ng Pangngalan


Dalawang uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
1. Pantangi – tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Nagsisimula
ito sa malaking titik.
Halimbawa: Dr. Morales Cotta Shrine Faith Hospital

2. Pambalana – tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari at iba pa.
Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Halimbawa: saging kalabaw palengke mag-aaral

Ang Pangngalan ay may apat na kasarian. Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak at Walang kasarian.
2|Page
 Panlalaki – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki
 Pambabae – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae
 Di-tiyak – tumutukoy sa ngalang panlalaki o pambabae.
 Walang kasarian – tumutukoy sa pangngalang walang buhay
Ang Panghalip ay ginagamit na pamalit o panghalili sa pangngalan. Ito ay ginagamit kung ang
pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa isang pangungusap.
Halimbawa: Si Ginang Robaro ang guro sa Filipino.

Siya ay ang guro sa Filipino.

 Panao ay panghalip na ginagamit para sa tao lamang.


Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kata, kita, mo, siya, kanila, siya, kanya

 Pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaring kumakatawan sa tao, bagay, hayop, o gawaing
itinatanong.
Halimbawa: ano, sino, kailan, saan, ilan, magkano, alin,
Ano-ano sino-sino alin-alin

 Pamatlig ay ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, gawa o pangyayari.
Halimbawa: ito, dito, doon, iyon, hayan, hayun, diyan, niyan, noon.

 Panaklaw ay sumasaklaw sa kaisahan o dami. tiyak o di-tiyak. Ang mga panghalip na panaklaw ay may
karugtong na katagang man sa hulihan ng mga pananong ay nagpapahiwatig ng di katiyakan.
Halimbawa: pawang, lahat, madla, sinuman, alinman, anuman.
Naunawaan ba? Mahusay!

Pagyamanin
Upang magamit nang wasto mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga
tao,hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan,
sagutin ang Pagyamanin A, B, at C. Isulat ang sagot sa GAWAIN # 2: Pagyamanin A, B, at C sa inyong
LAS.

___
Ikalawang Araw: Pagbibigay ng Kahulugan sa Tulang Napakinggan sa Pamamagitan ng mga Kilos.

Paglinang ng Talasalitaan
Buklatin ang aklat sa pahina 23 at sagutin ang Payabungin Natin A. Sundin ang panutong nakatala sa aklat.
Isulat ang sagot sa GAWAIN#4 Payabungin Natin A sa iyong LAS.

C. Pagbasa at Pag-unawa sa Akda(Teksto)


Buklatin mo ang aklat sa pahina 24 at basahin sa loob ng sampung minuto ang teksto ng akda na “Mag-
Isip Bago Magtapon”
Sagutin Natin

Matapos mong basahin/mapakinggan ang akda, iyong bigyan ng kahulugan ang tula sa pamamagitan
ng kilos sa pamamagitan ng pagguhit. Ilagay ang sagot sa Gawain # 4: Isagawa Natin.
___

Ikatlong Araw: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o
Usapan.

Ang pagbibigay reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapahayag natin ang sariling opinyon
o pananaw hinggil sa mga kaisipan nailahad. Ang pagbibigay, maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap.
Ang opinyon ay isang paliwanag lamang batay sa makatotohanang pangyayari, at saloobin o
damdamin at hindi ito maaaring mapatunayan tama o mali. Basahin/ipabasa ang balita sa ibaba at sagutin
3|Page
ang mga hinihingi.

Pagsasara ng ABS-CBN broadcast, malaki ang epekto sa industriya ng advertising: eksperto


Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
Posted on May 08 2020 10:19 AM
(Source:

MAYNILA – Malaki ang epektong


nakikita sa industriya ng advertising sa paghinto
ng broadcast operations ng ABS-CBN Corp, sabi
ng dating chairman ng dalawang samahan ng
mga advertisers sa bansa.
Maraming kumpanya sa industriya ng
advertising ang nagpa- panic ngayon kung paano
maaabot ang kanilang target consumer
market, sabi ni Dan Villa, dating chairman ng
Advertising Board of
the Philippines at ng Association of Accredited Advertising Agencies-Philippines.
―It is panic time. At best, solutions now are mere palliatives with no immediate long- range plan
sight,‖ ani Villa, na kasalukuyang chairman ng advertising agency na CreatiVilla, Bukod sa
kawalan ng hanapbuhay ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN, damay din ang marketing at advertising
industry sa pagsasara ng network, aniya.
―ABS-CBN, being the largest broadcast network, also has the greatest marketing reach in the
country," sabi ni Villa.
"The king of TV—ABS CBN—goes to the grave with the most reach. A key factor for a media
buy to be most cost-effective now goes down to the grave with its departure. This means too that the
selection of an array of proven efficacy and reach becomes too narrow and ineffective," sabi ni Villa.
Paliwanag ni Villa, maraming advertising company ang nakasandal sa ABS-CBN ang advertising
exposure, tulad ng consumer goods manufacturers, herbal medicine producers, ganon din ang mga
kumpanya ng food and beverage.
Dumadami na rin aniya ang mga small-to-medium players na nag-i-invest at sumasali sa TV
spending bilang bahagi ng kanilang marketing plans.
Tumigil sa pagbo-broadcast ang ABS-CBN sa Channel 2 at sa DZMM 630 noong Martes ng gabi, matapos
ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng kumpaniya dahil nag-
expire na ang lisensya nito noong May 4, 2020.
Nauna nang inabisuhan ng Kongreso ang NTC na maaari pa ring magbroadcast ang ABS-CBN
habang dinidinig pa sa Kamara ang bagong prangkisa ng network.
Sa ilalim ng batas, Kongreso lamang ang maaaring magbigay o bumawi ng mga prankisa para sa mga
network sa bansa.
Alamin Natin
Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-
uusupan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ating
mga opinyon.

Mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon


• Buong igting kong sinusoportahan ang…
• Kumbinsido akong…
• Lubos kong pinaniniwalaan…
• Labis akong naninindigan na…

Mga pahayag sa pagbibigay ng neutral na opinyon


• Kung ako ang tatanungin…
• Kung hindi ako nagkakamali…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Sa totoo lang…
• Sa aking pananaw… 7

Naunawaan ba?
Mahusay!
Upang makapagpahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggan/nabasang Balita, Isyu o
Usapan, iyong sagutin ang nasa Gawain#5: Isagawa sa iyong LAS. Sumunod sa panutong nakalahad sa LAS.

___

4|Page
Ikaapat na Araw: Pagsunod-sunod sa pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas.

Sa aralin na ito, malilinang ang iyong kakahayan na pagsunod-sunod sa pangyayari sa kwento sa


Pamamagitan ng nakalarawang balangkas.

Ngayon ay iyong basahin ang isang magandang kwento. Basahin ito nang tahimik sa loob ng limang
minuto. Pag-aralan mo ang mga pangyayari sa kwneto at ang pagkasunod-sunod ng mga ito.

Ang Kapistahan ng Hulong Duhat

Hindi magkamayaw ang mga anak nina Aling Rosa at Mang Jose sa nalalapit na kapistahan ng
kanilang lugar. Paano’y nagkatipon na naman ang mga batang makukulit na apo nila. Bawat isa naman
nilang anak ay mais na sagutin sa kapistahang magaganap.Tunay ngang matanda na sina Aling Rosa at
Mang Jose. Marami na silang apo.
―Inay,kami na ang magluluto ng kare-kare at hamonado,‖sangguni ni Cleta.
―Ang mga minatamis naman po ang sagot ko,kayang-kaya ko pong maghanda ng fruit salad at
jelatin,‖dugtong ni Glenda.
Nang lumapit si Cynthia sa kanilang lola Rosa. . .
―Lola,bakit po ba tayo magkakaroon ng pista ng bayan?‖tanong ni Cynthia. ―Alam mo
apo ko,mahabang kwento iyon.Gusto mo bang malaman ang kwento?‖ ―Opo Lola,‖sagot ni
Cynthia.
―Sige,tawagin mo pa ang ibang mong pinsan para isang kwento nalang ako,‖tugon ni Lola Rosa.
Ang bayan ng Malabon sa Metro Manila ay maraming ipinagdiriwang na kapistahan. Bukod sa
pangunahing kapistahan, ang baryo ay may ipinagdiriwang na kapistahan din tulad ng pistang Hulong
Duhat.
Maraming taon na ang lumipas ng maganap ang kasaysayan ng kapistahang ito.Isang araw,may
lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat.Napatingala siya. Napansin niya ang sangang di
pangkaraniwan ang hugis.
―Aba,hugis krus,sambit ng lalaki,sabay tindig sa pagkakaupo.Pinagmasdan niyang mabuti ang
sanga at nakita niyang hugis krus talaga.
Nagpunta siya kay Doris,ang may-ari ng puno ng duhat. Gusto niyang maging kaniya ang sangang
hugis krus. Inalok niya ng malaking halaga si Doris upang bilhin ito.
―Ikinalulungkot ko,‖sabi ni Doris sa lalaki.
―Hindi ko maaaring ipagbili ang sangang iyan sapagkat parang paglapastangan iyon sa Panginoong
Diyos. Marahil,nais Niyang ako ang umangkin ng hugis krus na sangang iyan kaya sa puno
ng duhat ko pinatubo.‖
Walang nagawa ang lalaki sa pagtanggi ni Doris. Kumalat ang balita tungkol sa sangang hugis
krus. Pinagdayo ito ng mga taong nagmula kung saan-saan.
Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus at ilipat sa bisitahang
ipapagawa nila. Ngunit,nakakapagtaka! Nabulag ang karpinterong pumutol sa sanga at hindi
nagtagal,nagkaroon ng pinsala ang kaniyang braso.
―Ganoon po pala iyon,Lola.Lubos kong naunawaan ngayon kung bakit mayroong kapistahan
ng Hulong Duhat,‖wika ni Cynthia.
Masayang-masaya ang buong mag-anak sa naidaos na kapistahan. Batid nila na ang pagdiriwang ay
patuloy na gugunitain sa darating pang mga taon.

Kaunting Katanungan:

1. Bakit naghahahanda ng pagkain ang pamilya ni Aling Rosa at Mang Jose?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga taga Hulong Duhat tungkol sa simula ng kanilang pagdiriwang ng
kapistahan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Paano pinahahalagahan ng mga taga Hulong Duhat ang kanilang kapistahan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___
May mga pangungusap sa ibaba kuha sa mga pangyayari sa kwentong iyong binasa. Ayusin ang mga
ito ayon sa pagkasunod-sunod sa pangyayari sa kwento. Isulat sa balangkas ang wastong pagkasunod-
sunod nito ayon sa kwento.

Pangyayari:
Hindi ipagbili ni Aling Doris ang sangang krus.
Gustong bilhin ng lalaki ang sangang krus.
Nabulag ang karpinterong pumutol sa sanga.
Pinaputol ng mamamayan ang sangang hugis krus.
5|Page
May lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat.

Balangkas:

Upang mapagsunod-sunod pa ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng nakalarawang


balangkas ay iyong sagutin ang Gawain#5: Isagawa sa iyong LAS. Sundin ang panutong nakatala.

4. Ikalimang Araw: Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Pinanood


Hulaan Mo
Ngayon ay maghulaan tayo. Pahulaan ko sa iyo ang isang kilalang tao sa lipunan noon. Narito ang clue:
Siya ay isang bayani. Katulad ni Jose Rizal,siya rin ay nakipaglaban sa mga Kastila. Itak ang ginamit
niya sa pakikipaglaban. Itinatag niya ang kilusan na tinawag na KKK. Asawa niya si Gregoria de Jesus. Sino
siya?
Sagot:____________________________________________________________________________________

Panoorin mo ang isang episode ng pelikula na pinamagatang ―Andres Bonifacio and the
Katipunan:1896 Cry of Caloocan. Maari rin itong mapanood sa YouTube.
Matapos mapanood ay sagutin ang IsaIsip at Isagawa A at B sa inyong LAS sa
Gawain#6:Isaisip at Gawain#7: Isagawa A at B. Sumunod sa panutong nakalahad.
___

-Wakas ng SLM-

Binabati kita napagtagumpayan mo ang iyong Gawain at aAralin!


Pakibalik po ang Sagutang papel na may sagot at itago ang SLM na siyang magsisilbing
gabay sa iyong pag-aaral.

6|Page

You might also like