You are on page 1of 2

Lesson plan in filipino grade 2 pangngalan

Paksa: Pangalan

Mga Layunin:

1. Matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang pangngalan sa kanilang paligid

2. Malaman ang kahulugan ng pangngalan

Mga Kasangkapan:

1. kahon

2. lapis

3. dahon

4. tsokolate

5. bulak

6. mga sasagutang papel

Mga Pamamaraan:

1. Panimulang Gawain

Magpalaro sa mga mag-aaral ng "Hulaan Natin". Tumawag ng isang mag-aaral sa harap. Hahawakan ng
mag-aaral ang mga gamit sa loob ng kahon ngunit hindi ito pahihintulutang tignan ang mga ito.

Base sa pagkakahawak ng mag-aaral, sasabihin nito sa mga kaklase ang hugis, laki o liit, lambo o tigas.
Huhulaan ng mga kaklase ang nasa kahon at bibigyan lamang sila ng 2 minuto.

2. Paglalahad ng paksa

Narito ang mga gamit na nasa loob ng kahon. Mayroong tawag sa wikang Filipino. Ito ay ang
Pangngalan.

3. Paglinang sa Aralin
Ang Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari.

4. Aplikasyon

Magpalaro sa klase. Kailangan lumibot ng mga mag-aaral sa loob ng klase at isulat ang mga pangngalan
na kanilang nakikita. Ang may pinakamaraming maisulat sa loob ng 5 minuto ang tatanghaling panalo.

5. Pagsusulit

Magbigay ng 7 halimbawa ng pangngalan para sa 5 kategorya.

Tao

Hayop

Lugar

Bagay

Pangyayari

6. Takdang-aralin

Gumupit ng mga larawan ng mga Pangngalan mula sa mga magasin o dyaryo. Ipagkit ito sa kwaderno.

You might also like