You are on page 1of 1

Vince Neil Aguirre Agosto 17, 2022

Ministers of the Infirm Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Unang Pagsusulit
Maliban sa pasalita at pasulat na wika, magbigay ng dalawang alternatibo na maaring
gamitin upang maging higit na mabisa ang komunikasyon. Ipaliwanag.

Sa aking palagay ang maari pang alternatibo upang higit na maging mabisa ang
komunikasyon ay ang pagamit ng sining. Ang sining ay may berbal at di-berbal na paraan ng
ekspresyon, ngunit itutuon ko ang aking mga sagot sa mga di-berbal na sining.

Una, maaring gamitin ang pagpinta upang mailahad ang mensaheng nais iparating ng
manlilikha o pintor. May mga taong sadyang di kayang maiparating ang ibig nilang sabihin
gamit ang pagbigkas o pagsulat. Isa sa mabisang paraan upang maipaliwanang o maipakita ang
mensahe ay ang pagpipinta. Makikita sa mga kumpas ng pinta, sa kulay nito maging sa paksa na
ipinapahiwatig ang gustong iparating ng manlilikha. Ako ay naniniwalang isang
makapangyarihang medyum ito ng komunikasyon sa pagitan manlilikha ng larawan at tumitingin
dito.

Ikalawang sining na mabisang alternatibo sa mabisang komunikasyon ay ang pag-sayaw.


sa bawat galaw at kumpas ng katawan, may malalim na mensahing maaring maipahiwatig. May
mga tao sadyang hindi kayang maibigkas ang kanilang mga nararamdaman kaya naman
idinadaan nalang ito sa pagsayaw. Masasabi kong posibleng maintindihan ang nais ipahiwatig ng
mga mananayaw kung ating pagtutuunan ng pansin ang mga kilos na kanilang ipinapakita.

Sadyang marami ang paraan ng komunikasyon ngunit isa sa mabisa at nakakatulong na


mga alternatibo ay ang sining ng pagpinta at pagsayaw. Ang dalawang ito ay parehong di-berbal
na paraan ng komunikasyon ngunit masasabing mabisa rin na paghahatid ng mensahe ng mga
ito, sa malikhaing paraan.

You might also like