You are on page 1of 1

Vince Neil Aguirre Q2 Agosto 31, 2022

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,


Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Bilang isang seminaristang Kamilyano, ako’y namulat sa katotohanan ng buhay ng mga


may sakit at mahihirap. Sa kalye, bangketa, ilalim ng tulay, at iba pang lugar na pinupugaran ng
mga maysakit at mahirap ay aking nasaksihan ang masalimuot na buhay.

Sa aking pagninilay ay natanto ko na sa hirap ng aking buhay na dinaranas ay malayong


may mas nahihirapan pa kaysa sa akin. Ako’y naniniwala na ang katotohanang ito ay batid ng
marami saan man sa mundo, ngunit tila ba naging normal nalang ito sa paningin ng lahat? Tila
ang hindi pagtulong at pagkaligta sa mga may sakit at mahihirap ay naging parte na ng batas o
sistemang habang tumatagal ay mas niyayakap ng marami. Karamihan sa mga nakakasaksi nito
ay hindi man lang lumilingon at hindi rin umiisip ng paraan upang baluktutin ang kamaliang
patuloy na nangyayari. Marami ang hindi sinusubukang languyin ang ilog na patuloy ang pag-
agos.

Bagamat ito ang batas na tinatangkilik ng marami, sa aming mga gawalagad (apostolate)
ay nasaksihan kong marami rin naman ang mga humahamak na suungin at languyin ang agos ng
ilog. Ibig kong sabihin ay kahit na marami ang kumakaligta sa mga mahihirap at mga may sakit,
may mga tao parin na ninanais na ialay ang kanilang buhay para sa iba, salungat sa nakasanayan
na pagtanggi at pagkaligta sa mga taong nasa laylayan.

Aking nakita na may mga gawalagad na ang tuon ay para sa may sakit at mahihirap. Ibig
sabihin, ito ay possible at kayang kayang maisakatuparan. Tunay na mahirap at nakakahapo ang
lumangoy sa malakas na agos ng ilog, ngunit kung ito’y susubukan ay matututong alamin ang
nararapat.

You might also like