Vince Essay

You might also like

You are on page 1of 1

Kasabay ng panibagong administrasyon ay ang hudyat ng muling pagbangon ng isang nasyon.

Hindi ba’t kasiya-siyang makita at marinig na ang mga dating plataporma ay unti-unti ng magiging panukala? Mga panukalang kabuhol ng bagong pag-asang
aahon sa mga isyung kinakaharap ng bayan ni Juan.

Wala nang mas tatamis pa sa mga planong inilatag ng bagong lider ng bayan ni Juan.

Sa kanyang pagkapanalo ay nabuo ang isang plano.

Madalas akong nadarapa. Kung minsan ay hindi rin nakaligtas sa tindi ng sintomas na dulot ng pandemya. Ilang beses na rin akong hinagupit ng sunod-sunod na
mga bagyo. Minsan ring naagawan ng pag-aari at teritoryo. Naranasan ko na ring mabaaon sa utang upang matugunan ang pangangailangan ng mga anak ko sa
gitna ng matinding krisis. Kakambal ko na ata ang dagok at pagsubok. Pero lahat ng iyon ay kaya kong iinda, kaya kong tiisin dahil nangangarap ako, nagmamahal
ako, nagtitiwala ako, at umaasa ako na kahit papaano ay may isang anak ako na tutupad sa pangarap ko.

Nagising ako upang panoorin sa telebisyon si Bong-Bong, ang aking panganay. Masaya akong marinig kung paano niya inilatag ang mga panukalang tutulong sa
kanyang mga nagugutom na kapatid (na minsan ay hindi ko matugunan), kung paano niya nakita ang kalagayan ng mga kapatid niyang magsasaka, mga
mangingisda, at iba pang nasa laylayan ko na nangangailangan ng alalay at suporta. Gumaang ang aking pakiramdam nang marinig ko ang kanyang mga
konkretong plano upang mapaghandaan at hindi na ako makaranas ng hapdi sa bawat paghagupit ng bagyo, mga planong pagkukunan ng enerhiya gamit ang
makabagong teknolohiya upang makasabay naman ako sa pagtakbo ng henerasyon, at higit sa lahat kung paano niya ako maipagtatanggol sa mga kapitbahay na
pilit na inaagaw ang aking teritoryo. Walang anu-ano ay napansin kong pumapatak na pala ang aking luha dahil wala ng mas sasaya pa sa isang solong magulang
na makita ang kanyang mga anak na nakakapag-aral ng maayos sa pamamagitan ng suportang pinansyal at ipapanukalang batas para sa katulad ko. Hindi ko na
rin pala kailangang mangutang upang makabili ng gamot at makapag pa-check up. Mababawasan na rin ang aking pag-alala sa mga anak kong OFW. Salamat sa
Diyos.

Sa tagal ng panahon ay muli akong nakaramdam ng pananabik noong nalaman kong kasama pala sa kanyang panukala ang pagpapaganda ng imprastaktura sa
bandang gulugod ko, na kahit may malubhang karamdaman na ako, na kahit nakakalbo na ang bandang timog ko dahil sa kanser sa lipunan na mayroon ako, ay
maranasan ko naman ang maging maganda at kaaya-aya. Minsan na rin akong dinalaw ng aking mga nagging nobyong sina kastila, amerikano, hapon, at iba ko
pang mga kaibigan sa buong mundo na nagsilbing inspirasyon upang magkaroon ng malawak na oportunidad bunga ng turismo. Bigla kong napagtanto, na kahit
pala na minsan ako’y isang naging api, nakaranas ng hirap ng buhay, mga dagok at pagsubok, ay hindi ko namamalayang pinipili ko pa ring magpatuloy,
magmahal, at mangarap. Dahil naniniwala ako na kayang baguhin ng panganay ko ang sistemang mayroon ako at minsan ko ng nakitang napatunayan ng anak
kong si Carl, isang guro at nurse na “Ang pangarap at ang nangangarap ay naging iisa.” Ngunit ngayong awar na ito, “Ang pangarap at ang nangangarap ay naging
si “Juan”.”

Oo nga pala, ako ito, ang inyong ina. Si Pilipinas.

You might also like