You are on page 1of 1

Name: Hans Juancho Gozun

Age: 1 year old

Patient diagnosed with Acute Lymphoblastic Leukemia. Chemotherapy patient for 8 months till present
at OLMCMC .

Short Story of her mother Ms. Cristine Bonita

When is your child diagnosed with cancer?

Na diagnosed po si Hans ng kanyang sakit na leukemia or acute lymphoblastic leukemia


noong November 13, 2020 2 months old pa lamang siya,, na nagsimula sa lagnat at
paglaki ng kanyang tiyan, hirap na rin siya makasipsip ng gatas at nahirapan na rin sa
paghinga . Noong dinala na namin siya sa hospital at tinest yung dugo niya doon namin
nalaman na mababa na ang kanyang hemoglobin at platelet.

Noong nalaman na namin at na confirmed na cancer nga ang sakit niya gumuho ang
mundo namin lalo na ako bilang isang ina. Iniisip ko palang na nahihirapan siya sa
bawat tusok ay para na akong dinudurog . Maraming araw ang dumaraan at patuloy
parin sa gamutan ang aking anak.

Naisip ko noong time na yun na walang maitutulong sa anak ko ang pag iyak ko at ang
pagmukmok ko , hanggang sa isang araw nagising ako na malakas na yung loob ko, na
kailangan kong tanggapin , harapin at magpakatatag para sa anak ko , idinaan ko sa
panalangin sa diyos ang nararamdaman kong sakit .

Sa ngayon sinasamahan ko ang aking anak sa kanyang Chemo kahit sobra na akong
pagod sa trabaho walang araw na mag chechemo siya na wala ako sa tabi niya, yun
ang pinakamalaki kong suporta sa kanya dahil alam ko na malakas ang loob ng anak ko
kapag alam niyang andyan yung taong nagpapalakas ng loob niya upang harapin ang
laban ng kanyang buhay.

Sa mga katulad kung magulang na may parehong sitwasyon magpakatatag lang tayo
para sa ating mga anak.

You might also like