You are on page 1of 15

DEPARTMENT OF EDUCATION

BI AAN
LI
BI
AG AL Schools Division of Bulacan
IN AMAH
City of Malolos, Bulacan
I IP NG P
RI
AA
G-
ND
PA
HI

CLARA at CLARICE
(DULA)
PANDIWANG NASA PANAGANONG PATUROL

UNANG MARKAHAN

SELF-LEARNING KIT
FILIPINO 9
PAUNANG SALITA

Ang pangunahing layunin sa pagbuo ng


aralin at mga gawaing ito ay para sa pagkatuto
ng mga mag-aaral sa Baitang 9.

Nakapaloob sa araling ito ang patungkol


sa dula at mga pandiwang panaganong
paturol. Gayundin ang mga pagsasanay upang
mahasa ang kanilang kritikal na pag- iisip.

Sa kabuuan, inaasahang ang mga mag-


aaral sa baitang 9 ay mamumulat sa totoong
hirap na nararanasan ng bawat isa.
Kasabay din nito ay makapupulot sila ng
aral kaugnay sa pagmamahal sa ating pamilya.
Gayundin ay magkakaroon sila ng malalim na
pagkaunawa sa gamit ng mga pandiwang
panaganong paturol.

ii
Paksang Aralin

CLARA AT CLARICE (DULA)


PANDIWANG PANAGANONG PATUROL

Layunin

Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa


dula at naisasaalang-alang ang paggamit ng pandiwang nasa pnaganong
paturol.

Kasanayang Pagkatuto

Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng


dulang binasa (F9PB-Ig-h-43)

Nagagamit ang pandiwang panaganong paturol. (F9WG-IIe-f-26)

I. ANO ANG NANGYARI?

Nakapanood ka na ba ng dula?
Nakasulat ka na ba ng isang dula? Ngayon
ay pag-aaralan natin ang isang dula at
kaalinsabay nito ay ang pag-aaral ng
pandiwang panaganong paturol.

Magsimula na tayo!
Paunang Gawain

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Uri ng dula na sadyang namimiga ng luha sa manonood o mambabasa


subalit nagwawakas ito nang masaya.

a. komedya c. trahedya

b. melodrama d. tragikomedya

2. Aspekto ng pandiwang nagsasaad na ang kilos ay naganap na.

a. perpektibo c. perpektibong katatapos

b. komtemplatibo d. imperpektibo

3. Aspekto ng pandiwang nagsasaad na ang kilos ay gagawin pa lamang.

a. perpektibo c. perpektibong katatapos

b. imperpektibo d. komtemplatibo

4. Aspekto ng pandiwang nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang


nagaganap.

a komtemplatibo c. perpektibo

b. perpektibong katatapos d. imperpektibo

5. Ang aking ama ay pumunta sa bukid. Ang salitang may salungguhit ay


nabanghay sa aspektong ___________.

a. perpektibong katatapos c. imperpektibo

b perpektibo d. komtemplatibo

2
II. ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Atin ng basahin at talakayin ang


dulang pinamagatang “Clara at Clarice”.
Basahin mo na!

CLARA AT CLARICE

Maraming taon na ang nakalipas, sa malayong probinsiya ay may


naninirahang isang pamilya. Maagang namatay ang magulang ng mga
dalaga kaya’t silang dalawa na lang ang namumuhay.
Parehong maganda ang magkapatid ngunit magkaibang-magkaiba
sila ng ugali. Si Clara ay mabait at mapagbigay. Masipag din siya. Siya ang
kumakayod upang mabuhay silang dalawa. Ang kapatid naman niyang si
Clarice ay maalwan ang buhay dahil sa kanyang kapatid, ubod din ito ng
tamad at maghapong nakaharap sa salamin. Walang ginawa kundi
magpaganda ng kanyang mukha.
Isang araw, isang kubang binatilyong nagngangalang Cardo ang
bumangga kina Clara at Clarice habang naglalakad sa may simbahan.

Clarice: Aray! Magdahan-dahan ka nga! Ang baho mo!


Clara: Tumigil ka nga Clarice! Ikaw ang nakabangga! Wala ka kasing
ginawa kundi tingnan mo yung mukha mo sa salamin.
Cardo: Pasensya na po. Di ko po sina sadya.
Clara: Ako nga dapat ang humingi sa iyo ng paumanhin. Pasensya na sa
inasal ng kapatid ko.
Cardo: Pasensya na talaga. Mauna na ko sa inyo. Pasensya na ulit. (umalis
na nga ang binata)

Ang akala nila ay iyon na ang huli nilang pagkikita ngunit hindi pala.
Madalas silang nagkakasalubong sa simbahan at di kalaunan ay naging
magkaibigan sila.

3
Paglipas ng taon ay naging mag-asawa sina Cardo at Clara.

Cardo: Sa wakas na ikasal na tayo!


Clara: Oo nga. (malungkot)
Cardo: Parang hindi ka yata masaya?
Clara: Masaya ako ngunit inaalala ko si Clarice dahil wala na siyang
kasama. Paano na siya?
Cardo: Kaya mahal kita! Napakabuti mong kapatid. Alam ko naman na
mahal mo ang kapatid mo ngunit hayaan mo muna siya. Hayaan
mong mamuhay siyang mag-isa. Matuto siyang tumayo sa sarili
niyang mga paa. Makakatulong sa kanya iyon.

Naisip ni Clara na tama si Cardo. Nagpaalam muna siya kay Clarice


bago umalis sa kanilang bahay.

Clara: Maiwan na kita Clarice. Ingatan mo itong bahay. Ito lang ang alaala
sa atin ng ating magulang.
Clarice: Paano na ang pangangailangan ko? Hindi ako sanay magtrabaho
Clara!
Clara: Matuto kang tumayo sa sarili mong paa. Hindi habang buhay ay
magkasama tayo. Magkakapamilya at magkakapamilya ka rin.

Umalis si Clara at walang nagawa si Clarice kundi magtrabaho upang


may makain. Halos lahat ng trabaho ay napasukan na niya. At doon niya
napagtanto ang hirap ng kanyang kapatid mabuhay lang sila.
Isang araw ay nabalitaan ni Clara na nadala si Clarice sa ospital.

Clara: Dok, kamusta na ang kapatid ko?


Dok: Ayos na ang kalagayan niya. Sobrang napagod at hindi pagkain ang
naging dahilan ng kanyang pagkahimatay.
Clara: Kasalanan ko ito! Sana hindi ko na lang siya iniwan. Nangako ako kila
nanay na hindi kami magkakahiwalay. (umiiyak)
Cardo: Wala kang kasalanan. (niyakap si Clara)
Clarice: Wala kang kasalanan Clara.
Clara: Ayos na ba ang pakiramdam mo? Anong masakit sa iyo? Anong
gusto mong kainin? (umiiyak habang hawak ang kamay ni Clarice)
Clarice: Patawad Clara. (umiiyak)
Clara: Para saan? (nagtataka)
Clarice: Sa iyong paghihirap at sakripisyo mo sa akin. Hindi pala madali ang
ginagawa mo.

4
Clara: Ayos lang iyon. Nagbitiw ako ng salita kina inay at itay na hindi kita
pababayaan. Hindi na kita iiwan.
Clarice: Hindi mo na ako iiwan?
Clara: Hindi na.
Clarice: Huwag kang mag-alala, sanay na akong magtrabaho. Maaari na
akong makatulong sa iyo.

Makalipas ang tatlong buwang panliligaw ng isang mabuting binata


kay Clarice ay nagpakasal na rin ito. Nagkaroon sila ng dalawang supling.

Clarice: Oh kayong dalawa, alagaan ninyo ang isa’t isa tulad namin ng Tiya
Clara ninyo. Magmahalan kayo at maging mabuti sa kapwa.
Magkapatid: Opo inay.

Alam mo ba na….
Ang dulang binasa ay isang melodrama ito’y sadyang namimiga ng
luha sa manonood o mambabasa na parang wala ng masayang bahagi
sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari
sa araw-araw subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mga
bida.
Tahasan namang isinasaad ng pandiwang panaganong paturol ang
kilos na ipinahahayag nito? Kadalasan ay tuwirang ginagawa ng
tagaganap ang ipinahahayag ng kilos ng pandiwa. Lahat ng uri ng
pandiwa ay nababanghay para sa aspekto: nagsasaad na ang kilos ay
naganap na (perpektibo), kasalukuyang nagaganap (imperpektibo), kilos
na gagawin pa lamang (kontemplatibo). Ang pang-apat na aspekto ay
nabubuo sa paglalagay ng ka + pag-uulit ng unang pantig ng salitang-
ugat (perpektibong katatapos)

Mga Halimbawa:
1. Siya ay nagsulat ng maikling kwento. (Perpektibo)
2. Nagbabasa ng nobela si Julie. (Imperpektibo)
3. Si Juan ay magrerebyu para sa kanilang pagsusulit bukas.
(Kontemplatibo)
4. Kagigising lang niya kaya nahuli siya sa klase. (Perpektibong katatapos)

Ilahad ang inyong nalaman sa pamamagitan


ng pagsasagot sa mga gawain na aking inihanda.
Galingan mo!

5
Gawain Bilang1

Iayos ang ginulong letra upang malaman ang kahulugan ng mga


salitang maysalungguhit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.

1. Siya ang kumakayod sa pamilya upang mabuhay.


( N G A A T A R T A B H O) ________________________
2. Hayaan mo siyang tumayo sa sariling mga paa.
( A A Y K G N A S A I R I L) ______________________
3. Napagtanto niyang mahirap mamuhay mag-isa.
( M A N A L N A ) ______________________
4. Maalwan ang kanyang buhay dahil sa kanyang kapatid.
( H A M A G N I A W ) ____________________
5. Nagbitiw ako ng salita sa ating magulang na hindi kita pababayaan.
( K O N G A A N ) _______________________

Gawain Bilang 2

Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


2. Ano ang katangian ng dalawang magkapatid.? Paano sila nagkaiba?

KATANGIAN

CLARA CLARICE

3. Anong damdamin ang namayani sa iyo sa pagtatapos ng akdang


binasa? Bakit?
4. Ano ang nais iparating ng dula sa mga mambabasa na tulad mo?
5. Kung ikaw si Clara, iiwan mo rin ba si Clarice? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
6. Anong aral sa akda ang iyong isasabuhay?

6
Muling balikan ang dulang binasa.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
Ang mga salitang ito ay mga halimbawa ng
salitang kilos. Ngayon ay aalamin natin kung
paano naaapektuhan ng tagaganap ang
ipinahahayag ng kilos ng pandiwa.

Gawain Bilang 3

Punan ang hinihingi ng bawat patlang.

Perpektibo Katatapos lang Imperpektibo Kontemplatibo

nagsulat 1. nagsusulat magsusulat


________________

2. kalilinis 3. maglilinis
_____________ _____________

nagbasa kababasa 4. 5.
_____________ _____________

tumakbo 6. tumatakbo 7.
____________ _____________

8. kaluluto 9. magluluto
____________ _____________

nagluto 10. nagluluto magluluto


____________

7
Pagyamanin

Gamitin ang mga sumusunod na salitang kilos sa makabuluhang


pangungusap.

1. nagpunta =

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. mamamasyal =

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

3. kasisipilyo =

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

4. nagsasaing =

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

5. maglalaba =

_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

8
III. ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Magaling!
Lubos mong naunawaan ang
ating paksang aralin.
Upang maging ganap ang
iyong natutuhan tiyakin natin ang
iyong kakayahan sa pagsulat.

Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa pagpapakita mo ng


iyong pagmamahal sa pamilya at pagiging isang Asyano. Gumamit
ng pandiwang nabanghay alinman sa apat na aspekto; perpektibo,
imperpektibo, kontemplatibo at perpektibong katatapos sa pagbuo
ng mga pangungusap.

Pamantayan sa Pagsulat

May kaisahan ng ideya - 4 puntos


Nakagamit ng aspekto ng pandiwa - 3 puntos
Kalinisan sa pagsulat - _ 2 puntos__
Kabuuan - 9 puntos

____________________________
PAMAGAT

_______________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

______________________________________________________________.

9
________________________________________________________________________
Sanggunian

Aklat

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. (Unang Edisyon 2014). Panitikang Asyano—


Ikasiyam na Baitang. ISBN: 978-621-402-034-8

Susi sa Pagwawasto

Paunang Gawain

1. b
2. a
3. d
4. d
5. b

Gawain Bilang 1

1. nagtatrabaho
2. kaya ang sarili
3. Nalaman
4. Maginhawa ang buhay
5. Nangako

Gawain Bilang 2

1. Clara at Clarise
2. CLARA CLARISE
mabait tamad
Mapagbigay walang ginawa kundi magpaganda
Masipag palaasa
Matiyaga mapanlait
Mapagmahal hindi marunong sa buhay
Mabuti
( Mga inaasahang sagot )

10
3. Pagkatuwa, dahil sa huli ay natuto nang mamuhay si Clarice at naging
responsible na rin sa mga gawain.
4. Maging masipag at matiyaga sa gawain. Matutong mamuhay at tumayo
Sa sariling mga paa.
5. Ang guro ang magbibigay ng patnubay sa pagsagot ng mag-aaral.
6. Huwag maging palaasa at tamad, maging masipag at metatag sa
hamon ng buhay.
( Mga inaasahang sagot )

Gawain Bilang 3

1. kasusulat 6. katatakbo
2. naglinis 7. tatakbo
3. naglilinis 8. nagluto
4. nagbabasa 9. nagluluto
5. magbabasa 10. kaluluto

Pagyamanin

(Ang guro ang magbibigay patnubay sa pagwawasto ng gawain.)

III. ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

(Ang guro ang magbibigay patnubay sa pagwawasto ng gawain.)

11
This material was contextualized by the Department of Education
Schools Division of Bulacan
Learning Resource Management and Development Center

ALBERTO B. CRUZ JR.


Writer/Illustrator
JENIELYN SA. AQUINO
JUSTINE GRACE P. BAUTISTA
Lay-out Artist
FELIPA DL. SANTIAGO
School Principal III
ANASTACIA N. VICTORINO, Ed. D.
Education Program Supervisor-Filipino
AGNES R. BERNARDO, Ph.D.
ADM, Education Program Supervisor
GLENDA S. CONSTANTINO JOANNARIE C. GARCIA
Project Development Officer II Librarian II
RAINELDA M. BLANCO, Ph.D.
LRMDS, Education Program Supervisor
GREGORIO C. QUINTO JR., Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division
ZENIA G. MOSTOLES, Ed.D., CESO V
Schools Division Superintendent

12
SINOPSIS

Ang sanayang aklat na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa dula at


mga salitang kilos na nasa ganap ng pandiwang panaganong paturol.
Pagkatapos pag-aralan ang mga paksa at sagutan ang mga pagsasanay,
alam kong malinaw na ang lahat sa iyong isipan. Nawa ay nalinang ay iyong
kaalaman at kakayahan sa tungkol sa mensaheng nais iparating ng dulang
binasa at ang mga salitang kilos na ginamit dito.
Hangad ko ang iyong pagkatuto at nawa’y galak ang iyong naramdaman
sa ating mga pinag-aralan.

13

You might also like