You are on page 1of 1

BALAGA, ANJO M.

MTS2 A1
FIL 2

AYAW KO MAGING ISANG IRRESPONSABLING AMA


Ang pagiging isang ama ay isang malaking responsibilidad sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang
pagpapalaki sa kanila ay hindi biro at dapat ito ay pinag-iisipan at pinaghahandaan nang maayos.
Subalit, hindi lahat ng mga ama ay nagagampanan ang kanilang responsibilidad na ito. May ilan na hindi
nagbibigay ng sapat na oras at atensyon sa kanilang mga anak, at ang ilan naman ay hindi nagbibigay ng
sapat na suporta sa kanilang pangangailangan. Sa ganitong sitwasyon, tayo ay tinatawag na
irresponsible na mga ama.
Ang pagiging isang irresponsible na ama ay hindi lamang nagdudulot ng problema sa bata, kundi sa
buong pamilya. Ang mga bata ay nangangailangan ng pagmamahal, gabay, at proteksyon mula sa
kanilang mga magulang. Kapag hindi ito nabibigay, maaaring magdulot ito ng mababang self-esteem at
kawalan ng tiwala sa sarili ng mga bata. Sa kabilang banda, ang mga irresponsible na ama ay maaaring
magdulot ng stress, depresyon, at panghihina ng pagsasama sa pamilya.
Maraming pamilya ang hindi buo at isa sa pinakakaraniwang dahilan ay dahil sa paghihiwalay ng mga
magulang. Nakaranas ako ng ganitong sitwasyon na kung saan iniwan kami nang aking ama simulat
akoy sangol pa lamang. Lumaki ako sa piling ng aking Ina at nang aking Lola, sila ang nagsilbing ama
hangang sa akoy magkaroon ng muhang sa mundo. Sa kabila noon ay hindi sumagi sa aking isip na
tanongin ang aking ina kung sino siya. Para sa akin ay masaya na ako kung ano kami ngayon.
Magiging ama rin ako balang araw kayat ayaw kung maging isang irresponsableng ama katulad ng aking
ama. Ayaw kung iparanas sa magiging anak ko kung ano ang naranasan ko noon.

You might also like