You are on page 1of 3

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF HOME SCIENCE AND INDUSTRY


Science City of Munoz
Nueva Ecija, Philippine 3120
DEPARTMENT OF HOSPITALITY AND TOURISM
MANAGEMENT
SOCSCI 1100- READINGS IN PHILIPPINE HISTORY

When we say history, many people got bored quickly because they know that it’s all
about the happenings in the past. Lagi nilang tinatanong sa sarili nila na bakit kailangan pang
pag-aralan kung tapos naman na ito at wala ng pag-asang maibalik pa. Kahit kailan walang
makapag babalik sa nakaraan at mananatili nalang itong ala-ala sa isip ng tao. Ang mga
magagandang nangyari sa nakaraan ay mananatili nalang sa bawat pahina ng libro. Ngunit
hindi natin ito maiiwasan dahil kailangan natin itong pag-aralan siguro ay nasa elmentarya pa
lang tayo ay tinuturo na ito hanggang sa ngayon. There are people naman hindi alam ang
kasaysayan na mahalaga palang pag-aralan ang nakaraan. May mga tao naman pinilit
kalimutan dahil ayon sa kanila ito ay magsisilbi nalang leksyon at aral sa atin.
Ang history ay tungkol sa nakaraan o pag-aaral sa nakaraan na maaaring maging
solusyon sa mga problema ng hinaharap. Ang mga taong nag-aaral sa nakaraan ay tinatawag
na historian. According to what I’ve watched ang pag-aaral sa past are like a detective para
magkaroon ng sense at paniwalaan ng tao ang mga nangyari sa past kailangan ng evidences.
Mayroong dalawang types ng evidence the first one is primary those examples are letter,
weapon, diary newspaper at mga pang iba. And the second one is website, books, magazines
etc. Those are the techniques that the historian use and that we called sources. Para saan nga
ba ang history? It is the solution to the problems of the present and sinasabi lahat ng
nangyayari. It teaches us that all the things can change habang tumatagal nagbabago lahat ang
tao, lugar, pamumuhay at kultura. To those who don’t know history they won’t be able to
improve the present. History teaches us the courage and to appreciate every thing. We should
prescribe history, the historian themselves should clear what’s the problem in the present that
is trying to solve. They should explicitly to tell the things about the past we can help us what
is the used of today. Ang history ay tinutulungan tayong sagutin ang mga tanong sa
kasalukuyan ito ang nagsilbing answer sheet dahil dito makahahanap tayo ng solusyon o
sagot. Ito rin ang nagpatunay sa kasabihang “walang permanente sa mundo kung hindi ang
pagbabago” sa paglipas ng panahon marami ang nagbabago katulad na lamang ng tao, pag-
uugali at ang sistema unti unti ng umuunlad ang mundo.
Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan dahil makakukuha ka ng benepisyo dito.
Iyong malalaman kung paano nagmula ang tao mula sa pagiging unggoy na teorya ni Charles
Darwin at kung gaano kahalaga ang kultura nila dito. Malalaman mo ang naging pamumuno
ng mga dating naging magaling na hari at reyna. Ang history ang hindi lamang tungkol sa
pagkabisado ng mga petsa kung hindi pagtuklas sa nakaraan. Kung paano nalaman ni
Ferdinand Magellan ang bansang Pilipinas at kung paano siya napatay ni Lapu-Lapu sa
kadahilanang gustong sakupin ang bansa dahil sa likas na yaman. Sa pagbabasa sa
kasaysayan nalaman natin ang hirap ng mga bayani maipagtanggol lamang ang bayan kung
paano sila pinatay sa iba’t- ibang paraan mula sa mananakot na ganid at inuuna ang pang
sariling kapakanan. Sa nakaraan din natutunan kung paano lumaban at pagtanggol ang
karapatan ng bawat isa dahil lahat ay pantay pantay walang mayaman walang mahirap.
History record the past events, naitala ng kasaysayan ang mga kaganapan noon. Gaya ng sabi
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF HOME SCIENCE AND INDUSTRY
Science City of Munoz
Nueva Ecija, Philippine 3120
DEPARTMENT OF HOSPITALITY AND TOURISM
MANAGEMENT
SOCSCI 1100- READINGS IN PHILIPPINE HISTORY

ni George Santayana “Those who do not remember the past are condemned to repeat it” ang
kataga niya ang nagpapatunay na mahalaga at

kailangang pag aralan ang nakaraan dahil kung hindi natin alam ang nakaraan patuloy nating
uulit ulitin ang pagkakamali natin dahil hindi tayo natututo.
Ang mahirap lang sa pag-aaral sa nakaraan ay ang paghahanap ng ebidensya o
katotohanan dahil kailangan ng maraming pagsusuri para mapatunayan ito. Bago natin
ibunyag ang ating nalalaman sa nakaraan kailangan dumaan sa proseso at tama ang mga
nilalaman para maiwasan ang pagkakamali. Sa pamamagitan ng nakaraan nalaman natin ang
mga mahuhusay na leader noong panahong lumipas kung paano sila namuno ay nakatala sa
history. Nalaman din natin kung sino ang kauna-unahang presidente ng pilipinas at kung
paano niya napagtagumpayan at naglagpasan ang pagsubok dahil ito ay ang ng mananakop.
Nagkaroon tayo ng kaalaman kung paano mamuno ang isang mahusay na lider. We study
history to learn about how ordinary people shapes the lives of other ordinary people and how
their lives perfected by ordinary people also. We study the past we study the decisions and
daily lives of individuals people whose action contributed to what we call history. Every
action you make and every word you speak becomes part of something biggest that you can
possibly image. Ang kasaysayang sinulat noon at matututunan mo bukas. Ang pagkakaroon
ng kaalaman sa kasaysayan ang nagiging dahilan ng pag-unlad ng ating ating sarili at
paglawak ng ating isipan. Napag-aaralan natin kung saan tayo nagkamali at maaari nating
baguhin ito sa kasalukuyan maitatama natin ang ating mga pagkakamali maiiwasan natin ito
dahil alam natin sa ating sarili na hindi tama ang ating mga nagawa. Ang pagpapaunlad sa
ating sarili ay nakatutulong upang maging mabuting tao at tagasunod. The history preserve
the story means mahalagang makikinig tayo sa mga taong nakatatanda satin dahil napag-
aralan na nila ang mga ito at importanteng maipapasa natin ito sa mga susunod na henerasyon
dahil kapupulutan ito ng mga aral. Kailangan din nating aralin ang takbo ng lipunan dahil ang
mga pangyayari na nabuo at natamasa natin ngayon ay sadyang napakahalaga hindi natin
mababatid ang pinagmulan ng lipunan kung hindi natin alam kung saan tayo nagsimula. Ang
mga wika na ating kinagisnan ay parte ng nakaraan kung paano ito ginamit at nanatili parin
hanggang ngayon. Ang kultura na ating nakasanayan na mula sa mga sinaunang tao matagal
na panahon na ito ngunit kung ating papansinin ay nanatili at umabot hanggang sa ngayong
henerasyon.
Huwag tayong tamaring basahin at pag-aralan ang kasaysayan dahil dito nakakakuha
tayo ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga bagay bagay katulad na lamang ng mga
mahahalagang lugar na kung ano ano ang kaganapan. Halimbawa na lamang Luneta Park ang
dating tawag dito ay Bagumbayan dito pinatay, pinagbabaril ang ating pambasang bayani na
si Dr. Jose Rizal sa kadahilang siya ay lumalaban at nag-aalsa sa mga mananakop na Kastila.
Namatay siyang lumalaban at hindi tumalikod sa sariling bansa pinakaiingatan. Kailangan
nating pahalagahan ang mga naturing na pook na may kasaysayan dahil ito na lamang ang
nagsisilbing ala-ala ng nakaraan. Dito rin natin nalaman kung paano nagsimula ang relihiyon
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF HOME SCIENCE AND INDUSTRY
Science City of Munoz
Nueva Ecija, Philippine 3120
DEPARTMENT OF HOSPITALITY AND TOURISM
MANAGEMENT
SOCSCI 1100- READINGS IN PHILIPPINE HISTORY

kung sino ang nagdala sa ating bansa na hanggang ngayon ay ating ginagamit. Mayroon
mang ibat't ibang relihiyon ngunit iisa lang ang ating sinasamba at pinaniniwalaan.
Nasaksihan natin kung paano unti-unting umuunlad ang mundo kung dati ay gasera at sulo
ang gamit ngayon ay mayroon ng kuryente kung dati ay kumukuha lamang ng tubig sa balon
o ilog ngayon may

nawasa na. Sobrang daming inunlad ng mundo kung kukumpara natin ito sa nakaraan
makikita natin ang malaking pagbabago at hindi tayo gaanong hirap sa ngayon. Kung dati ay
kalesa ang gamit na transportasyon ngayon ay may naibento ng mga sasakya tulad ng motor
at kotse na kaya tayong dalhin kahit saan. Noon ay ang ginagamit nilang komunikasyon ay
ang pag gawa ng liham na aabutin pa ng ilang araw bago ito matanggap at matugan ngayon
ay isang text or chat lang makakapagpadala ka na ng mensahe agad agad kahit sila ay nasa
malayong lugar.
Kung ako ang tatanungin gusto kong bumalik sa nakaraan dahil gusto kong itama ang
mga pagkakamali ko nagawa ko sa isang tao. Tinuruan ako ng nakaraan upang baguhin ang
sarili ko na mali pala ang nagawa ko. Napaunlad ko ang aking sarili at mas pinag-iisipan ko
ang mga bagay na dapat kong gawin. Natuto din akong magpahalaga sa mga bagay bagay na
pinaghirapan o ipinaglaban ng ating mga ninuno. Dahil sa hirap na kanilang narasanan mas
naging bukas ang aking isipan yung bigyang halaga ang lahat ng ito. Natulungan nitong
mapaunlad ang lahat ng bagay hindi lamang sa ating sarili kung hindi pati narin sa politikal,
social, ekonomic at kultural na gawain. Kung wala ang nakaraan hindi tayo makakaahon sa
mali na ating ginawa paulit ulit lamang natin itong gagawin walang pag-unlad. Kung hindi
dahil sa kasaysayan hindi natin matatamo kung ano man ang mayroon tayo ngayon.

You might also like