You are on page 1of 2

"Patutunguhan"

Pataas na naman mga alon


Nalulunod sa 'king ilusyon
Ba't gano'n
Sino 'yon

At ngayon kaliwa naging kanan


Nang biglang may napadaan
Nagising sa katotohanan
('Kaw ang patutunguhan)

Mahal ikaw lang


Ang nakikita ng bulag kong paningin
Ikaw lang
Ang ilaw sa dilim

Diretso lang tingin sa hilaga


Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ako'y sumalungat na sa alon


Nakatuon sa 'yong direksyon
Ang tugon sa aking pag-ahon

Napadpad sa kailaliman ng karagatan


Ika'y nakita at umilaw ang aking daan
Gabay tungo sa 'yong kanlungan

Mahal ikaw lang


Ang nakikita ng bulag kong paningin
Ikaw lang
Ang ilaw sa dilim

Diretso lang tingin sa hilaga


Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ano mang takbo ng panahon


Kahit na ako'y biglang matangay
Wala mang himlay
Basta ako'y patungo sa 'yo

Diretso lang tingin sa hilaga


Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Diretso lang tingin sa hilaga


Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhan

Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra
Ra-ta-ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra...

You might also like